CHAPTER 2

11K 210 3
                                    

____________________________________________________

2:30pm ang simula ng klase ko kaya sa umaga naglilinis ako at pagkatapos ng klase linis ulit ng University tapos uwi na may mga kasabay din naman akong mga janitor na kasama ko ring naglilinis.

"Hey girl! bye na uwi na ako, ingat ka sa pag-uwi" sabi ni Ramiasen niyakap niya ako at nagbeso. Buti pa itong bestfriend ko mayaman,maganda at mabait pa.

"Ingat din" nakangiti kong sabi hanggang sa makalabas na siya.

Dumiretso ako sa gym para maglinis, nagma-map ako ng sahig tiningnan ko ang oras 7:30pm na ng matigil ako sa ginagawa ng may marinig akong ingay... naglakad ako hanggang sa mapunta ako sa locker room ng mga varsity player. Unti unti akong lumalapit hanggang sa...

Nakita ko si Trace at ang kaklase kong si Mildred na naghahalikan na parang wala ng bukas! Parang nanlaki yung ulo ko at Namutla ako sa nakikita ko! Halos magwasakan na sila ng damit!.Hindi ko kaya ang nakikita ko! Dahan dahan akong umatras ng may matabig ako at gumawa iyon ng ingay...

"Who's there?" narinig kong sigaw ni Trace agad-agad akong tumakbo habang bitbit yung map.

Naramdaman kong hinabol niya ako hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng biglang may humaklit sa balikat ko.

Napaharap ako sa kanya dahil sa pwersa ng paghila sa akin at tumambad sa akin ang matipuno nyang dibdib. Wala siyang pang-itaas!

"YOU?" malakas na sigaw nya sa akin napatingin ako sa mga mata niya.

Napaatras ako sa takot pero hindi pa rin niya ako binibitawan sa mga titig niya pakiramdam ko gusto niya akong saktan. Hinawakan niya ang braso ko.

"Babe.. who is she?" napalingon ako sa likod ni Trace at nakita ko si Mildred na gusot ang damit.

Pero hindi ito sinagot ni Trace At napatingin uli ako kay Trace natatakot ako paano kung may gawin sa akin ito? Baka makita na lang akong patay sa bakanteng lote!?

Ang gusto ko lang naman makapag-aral...gusto ko lang naman iahon sa hirap ang nanay ko...gusto ko pag may trabaho na ako ipagagamot ko ang sakit niya... pag nawala ako paano na si nanay? baka kung anong mangyari sa kanya?

Naiiyak na ako dahil lalong humihigpit ang hawak niya sa braso ko. Lalong tumitindi ang takot ko. Medyo nawala ang takot ko ng bitawan niya ako napahawak ako sa braso kong namumula dahil sa higpit ng hawak niya.

"Pababayaan kita na makaalis ngayon...pero huwag na huwag mong ipagkakalat ang nakita mo kung hindi..." yumuko ito at lumapit ito sa tenga ko kinilabutan ako sa ginawa niya pero ang bango niya

" magsisisi kang pumasok ka pa sa University na ito..." mahinahon nyang sabi pero ang mga mata nito malayo sa pagiging mahinahon at tapos ay lumayo na siya sa akin at lalo akong nanginig sa takot sa mga sinabi niya. Tumango ako.

"IS THAT CLEAR!!" sigaw niya sa akin matutumba na ako sa pangangatog ng tuhod ko.

"O-opo pa-pangako p-po w-wala pong makakaalam nito" at umalis na ito sa harapan ko nakita kong lumabas na ito pati si Mildred na tumingin muna sa akin ng masama bago sumunod kay Trace.

Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina at napaluha ng medyo nahimasmasan na ako tumayo ako at inayos ang mga gamit ko panglinis at umuwi na sa bahay.

Ilang linggo ang lumipas ng mangyari ang insidenteng yon lagi akong tulala wala akong mapagsabihan ng kinatatakutan ko...tuwing nakikita ko si Trace sobrang natatakot ako pero andun pa rin yung paghanga ko sa kanya pag nakikita ko siya... Nandito kami ngayon sa bench nakaupo

"Car what's the problem? Napapansin ko ilang araw ka ng lutang!" sabi ni Ramiasen

"H-ha w-wala" sabi ko

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon