CHAPTER 46 PART 2

8K 179 1
                                    

Hindi ako makatulog at pabiling biling ako sa kama nang ihatid ako ni Trace hindi naman kami nag-usap tahimik lang siya parang malalim ang iniisip niya. Napalingon ako sa kabilang kama malapit ng mag 1:00am ng madaling araw pero ako lang mag-isa sa kwarto ko!

Wala pa si Reese at Ram!

Saan kaya napunta ang dalawang iyon?

Umayos ako ng higa at nakatulala lang ako sa kisame parang nagflashback ang nangyari kanina sa bar. Napangiti ako pero agad ko ring sinaway ang sarili ko hindi dapat ako magkaganto....pero...masaya ako sa nangyari ngayong araw... Siguro..okay lang na pagbigyan ko naman ang sarili ko kahit minsan hindi naman ibig sabihin nun na muli kong pahihirapan ang sarili ko at babalik ako sa kanya...

IDINILAT ko ang isa kong mata antok na antok pa ako, tiningnan ko ang oras 10:00am na ng umaga bumangon ako at nag-inat napatingin ako sa kama at nanlaki ang mata ko sa nakita ko ng makita kong maraming basyo ng beer ang nakakalat sa sahig!

Napatingin ako kay Reese at Ram na hindi man lang maayos na humiga sa kama! si Ram kalahati lang ng katawan ang nasa kama si Reese naman nakahiga sa kama habang may hawak ng bote ng beer! Ano ang nangyari sa dalawa mukhang naglasing sila dito sa kwarto at hindi man lang ako nagising? At paano sila nakapagpasok ng alak bawal yun dito ah! Anong oras na kaya sila nakauwi at hindi man lang mga nagpalit ng pantulog! Mga naka-bikini parin sila!

Tumayo ako at lumapit kay Ram niyugyog ko ang balikat niya.

"Ram gising anong nangyari dito ha? Bakit uminom kayo dito? Bawal yan ah? Ram!" Nagmulat ito ng isang mata. "Paano niyo naipasok yan?"

"Walang imposible sa pusong sawi...." Sagot nito at umiyak.

"Hoy! Ram what happened?" Naupo ako sa gilid ng kama at inalo si Ram pero hindi ito nagsalita at umiyak lang. Nagising si Reese, napalingon ako sa kanya. Bumangon si Reese na mukhang may tama pa ng espiritu ng alak.

"Anong nangyari kay Ram?" Tanong ko sa kanya pero uminom lang ito sa hawak na alak.

"Tsk! Wala na pala itong laman! Sana sha shushunod makaimbento na ng pampatubo ng ipin! Para hindi na ako mahirapan kay Liro!" Nagulat ako ng ito naman ang umiyak "akala ko ba!? May kasabihin na teeth doesn't matter when it comes to love! But for Liro its a big deal! Baket!? Mabaet naman ako!? Di naman ako panget! Cute naman ako! Baket yung ipin ko ang napapansin niya!" Lalong lumakas ang iyak nito nilapitan ko siya at tinapik ang likod niya. Mukhang sakit sa puso ang problema ng mga ito!

"Tama na Reese... Baka gusto karin ni Liro nahihirapan lang siyang magconfess" pampalubag loob ko sa kanya.

"Pag ako nainis gagahasain ko yan si Liro!" Atungal nito pinigil kong huwag matawa sa itsura niya mukha kasi itong bata na inagawan ng candy ang pula na ng ilong nito. Sabagay cute talaga si Reese, kahit hindi si Reese ang tipong babae ni Liro eh, maswerte parin siya dito dahil mapagmahal ito at maalaga, wala na nga siyang hahanapin pa eh!

"From now on!" Narinig kong nagsalita si Ram. Bumangon ito habang umiiyak parin. "This day is holiday for heartbrokens kaya kailangan pa natin ng alak!" Sigaw nito.

"Tama! Kaya lang wala na tayong alak. Sana makaimbento rin ng alak na hindi nauubos! Ako unang bibili pag nagkataon!" Sabi ni Reese.

Sure ako may tama parin ito.

"Alam niyo guys tama na yan itulog niyo na lang yan" komento ko sa kanila.

"Hindi, ito lang ang paraan para maging pusong bato kami!" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Reese.

"Pampamanhid ito ng puso!" Sabi naman ni Ram.

"Sige maglalasing kayo, mawawala ang sakit pero hindi pangmatagalan, dahil pag wala na kayong tama dahil sa alak, balik na naman kayo sa dati? Ano lasenggera lang? Diba dapat move on tayo Ram? Pero si Reese kailangan niyang lumaban nagsisimula pa lang siya, kailangan niyang sumugal, love is like a game may talo at mayroong panalo, pero tayo Ram kailangan nating mag-move-on mahirap pero makakaya natin. Lalo na kung masyado na tayong nasasaktan... Kaya itigil niyo na yan, rise and shine tayo!" Sabi ko. Habang hinihila ang kamay ni Reese si Ram naman tahimik lang.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon