CHAPTER 34 PART 2

7.7K 166 2
                                    

"Tama ka... Matagal na panahon na rin ang lumipas 5years din yon" sabi ko sa kanya.

"Pero ikaw pa rin ang bestfriend kong si Car at hindi mababago iyon, ang mapagmahal, mabait, mapag-bigay at handang magsakripisyo para sa pamilya" sabi niya.

"Yes Ram its still me but a part of me is already change... I am not the same Carlyn in the past who always crying...hindi na rin ako yung madalas magpa-api na yuyuko na lang kahit nasasaktan, na hindi man lang lumalaban. Isang mahinang Carlyn yun ang nawala sa akin, pero ako parin ang dati mong kaibigan at kahit marami akong pinagdaanan sa nakaraan hindi ibig sabihin nun ay talagang magbabago na ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito.

"Oo nga nung nag-aaral tayo I never thought na magiging ina tayo na walang asawa pero kahit ganun masaya naman ako.." Sabi ni Ramiasen. Oo nga hindi namin naisip na magiging ganto kaming dalawa. Single mom pero kahit ganun masaya kami dahil kasama namin ang mga anak namin....

FLASHBACK

Naglalakad ako patawid ng kalsada ng may paparating na kotse. Ang nasa isip ko ay masasagasaan ako pero hindi nangyari iyon.

Tumigil ang kotse sa harap ko at bumaba ang sakay nito. Nagulat ako ng makita ko si Kenshin at kita rin ang pagkabigla sa mukha nito ng makita ako. Agad ako nitong nilapitan at pinasuot sa akin ang coat niya. At pinasakay ako sa kotse.

"Carlyn what happened to you? At bakit ganyan ang suot mo?" Tanong nito sa akin. Ang balak ko sana ay bumalik sa bahay nina shasha at duon ako magpapalit ng damit pero ito nga nagkita kami ni Kenshin. Hindi ko siya sinagot nakatingin lang ako sa labas, nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin pero ako ang nasa isip ko ay ang anak ko ng mga oras na iyon.

"Pwede mo bang ibaba mo na lang ako Kenshin may pupuntahan pa ako.." Sabi ko.

"Ano bang problema Carlyn?" Sa halip na ibaba ako. Tinanong niya ako.

"Wala...wala akong problema..." Sabi ko pinilit kong maging convincing ang sagot ko pero alam kong hindi ito naniwala. Itinigil nito ang kotse sa tabi tapos ay tiningnan ako. Hinawakan ako nito sa balikat.

"Carlyn...tumingin ka sa akin" sabi nito pero nakatingin parin ako sa labas ng bintana.

"Carlyn... Pwede mo naman akong pagsabihan ng problema mo... Diba sabi ko sayo sa oras na may problema ka nandito ako para tumulong at makinig. Alam kong nandyan si Ramiasen para sayo but please consider me as your bestfriend or much better as a brother. A brother you can cry on when you need someone na makikinig sayo...." Tapos ay tumingin ako sa kanya. Mas gusto kong isipin na kuya ko siya at sabihin sa kanya ang mga problema ko...

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya hindi ko na napigilan na umiyak. Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok ko. Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa kanya. Kahit hindi naman kami talagang matagal na magkakilala dahil madalas siyang wala pero nung unang beses pa lang na nakita ko siya talagang magaan na ang loob ko sa kanya.

"Sige lang..." Sabi nito ng gumaan na ang pakiramdam ko. Tapos na akong umiyak ng humiwalay ako sa kanya.

Tumingin muna ako sa kanya bago magsalita.

"K- Kenshin... Ang problema ko ay... Ay... " napalunok ako bago sumagot "Yung anak ko nasa hospital siya " at nagsimula na naman akong umiyak, nakita kong nagulat ito"na-nagkasakit siya... Nag-aalala ako sa kanya, ayokong nakikita siyang nahihirapan..." Sabi ko.

"May anak ka na?" Tanong nito.

"Oo Kenshin at ngayon nasa hospital siya at kailangan ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya..." Sagot ko.

"Dapat sinabi mo sa akin! Para natulungan kita. Last time I told you that if you need help don't hesitate to ask me... Tutulungan kita pero bakit hindi mo man lang sinabi."

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon