CHAPTER 39 PART 1

8K 166 4
                                    

TRACE POV:

Kahit ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa mga lalaki niya ay binuksan ko parin ang usapang iyon, gusto ko siyang saktan emosyonal, dahil sa ginawa niya sa akin. Pinahanap ko pa siya noon nung nalaman kong wala na siya sa maynila hindi dahil gusto ko makipag-ayos, hindi ko alam basta gusto ko lang siyang makita pero nung magkita kami sa davao lalo lang akong nagalit dahil sa nakita kong itsura niya, naging bayaran pala siyang babae duon. Isa siyang masamang babae, naniwala pa mandin ako sa kanya tapos katulad lang pala siya ng iba. Gusto kong laging ipaalala sa kanya na wala siyang kwentang babae. Sinaktan niya ako kaya sasaktan ko rin siya.

Nang umiyak siya sa harapan ko, may kung ano akong naramdaman pero pilit ko iyong nilabanan mas matindi ang galit ko sa kanya, aaminin ko, oo lagi siyang sumasagi sa isip ko. At oo naging masaya ako noong nakasama ko siya.

Tumayo ako at umuwi ako sa bahay ni dad. Nang makarating ako, agad akong pumunta sa library at duon nagkulong. Pinag-aralan ko na lang ang mga papeles na nasa table ko. Nang biglang pumasok si daddy.

"O anak kamusta si Zhane?" Tanong sa akin ni dad. Naiinis ako sa kanya at hindi niya sinabing si Carlyn pala iyong mami-meet ko.

"Hindi mo sinabi sa akin dad na siya pala ang anak ng mga Dexcilier" sabi ko sa kanya.

"Hindi naman problema ang bagay na iyon its business and we have to be professional. So anak how's Carlyn?" Tanong nito.

"Who the hell I care" sagot ko.

"Anak mabuting bata si Carlyn..." Pagtatanggol nito napangisi ako.

"Mabuti? I dont think so" sarcastic kong sabi.

"Anak si Carlyn ay hindi gagawa ng masamang bagay gaya ng ibinibintang mo sa kanya." Sabi nito. Napangisi ako at napatingin kay dad. Siguro may affair talaga ito at si Carlyn. Nakakahiya sila.

"Dad may gusto ka ba kay Carlyn? Inaakit ka lang nun, shes a slut!" Sabi ko. Nabakas ko ang pagkagulat sa mukha nito. Tapos ay nahalinhinan ng galit.

"Anak huwag mo siyang sasabihan ng ganyan!" Nagtaas na ito ng boses napangisi ako.

"Bakit dad diba mistress mo siya? Kaya mo siya pinagtatanggol? pera lang ang habol niya dad kaya kung ako sa inyo,makikipaghiwalay na ako sa kanya."

"Wala kang alam! Kaya huwag kang magsasalita ng ganyan sa kanya!" Galit na sigaw nito sa akin.

"Alam ko dad! At magkahawak kamay pa kayo at pinunasan mo pa ang luha niya! Ano dad? Malakas ba maka-bata? Nakakahiya kayo!" Sigaw ko, alam kong kabastusan ang ginagawa ko pero galit na galit ako dahil kay dad at Carlyn ang kakapal ng mukha nila! Mga walang delikadesa.

"What?" Kumunot ang noo nito at parang walang alam sa nangyari. Parehas sila ni Carlyn! Magaling umarte!

"I saw the two of you sa picasso's resto" sabi ko sa nang-uuyam na tinig.

"What? Because of that kaya ka nagkakaganyan?" Gulat na sabi nito. Siguro nagulat ito dahil nakita ko sila! Dahil nahuli ko sila!

"Why you look so shocked dad? Hindi mo ba akalain na makikita ko kayo at mabubuko ko kayo? My god! Shes too young! And shes like your daughter and yet your having an affair with her!" Nakarehistro parin ang gulat sa mukha nito.

"Trace your wrong! All of what you think is true its...all wrong!" Sigaw nito sa akin. Napangisi ako.

"Dad, I cant blame you... Malamang inakit ka nga nya, sabagay maganda na siya ngayon and shes have a body worth to die for but dad iwanan mo na siya, hindi siya ang babaeng para sayo." Sabi ko. Naisip ko bakit ako magagalit kay dad, malamang si Zhane ang may kasalanan inaakit niya si dad!

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon