CHAPTER 49 PART 1

8.6K 177 7
                                    

Pumasok na kami sa loob at tahimik lang kaming dalawa. Naiilang talaga ako pag kami lang dalawa ang magkasama. Hindi ko tuloy siya matitigan dahil dama ko na nakatingin siya sa akin... Nang biglang huminto ang elevator. Naalerto ako. Ilang beses ko itong pinindot para magbukas pero walang nangyari. Lumingon ako kay Trace pero relax lang ito at mukhang hindi man lang nabahala.

Nalimutan ko pa naman ang pouch ko sa kotse nito, nandun pa naman ang phone ko....

"Trace dala mo ba ang phone mo?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang ito. "Paano na yan!? Paano tayo makakalabas!?" Inis kong sabi, ayokong magtagal dito ng ilang oras kasama ang lalaking ito!

"Let just wait, don't panic, hindi naman tayo habang buhay nakakulong dito." Kampanteng sabi nito at naupo sa floor.

"Ayoko makulong dito ng matagal! Lalo na at----"

"Lalo na't ano?" Tanong nito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at hindi na lang nagsalita, naupo na lang ako sa kabilang side ng elevator, bale nakaharap siya sa akin. Yumuko lang ako.

Naramdaman kong nasa tabi ko na ito, hinawakan nito ang ulo ko at iginiya ito sa balikat niya... Gagalaw sana ako para lumayo pero hindi ako nito binitawan.

"Trace ano ba!? Lumayo k----"

"Gusto ko nasa tabi mo lang ako... Gusto ko masanay ka sa akin... Dahil gusto ko maramdaman mo na mapagkakatiwalaan mo ko...dahil nararamdaman ko kung gaano ka naiilang sa akin....kaya..." Tumigil ito at bumuntong hininga ng malalim "nasasaktan ako pag lumalayo ka...." Sabi nito na parang nahihirapan. Natigilan ako sa sinabi niya....ayoko ang nasasaktan siya pero anong magagawa ko... Kung ganto ako...na natatakot sumugal para sa kanya....

Hinayaan ko na lang si Trace at humilig na lang ako sa balikat niya.

"Matagal ko nang gusto na ganito tayo..." Maya-maya nagsalita ito. Hindi ako nagkomento hinayaan ko lang siya. "Nandito ka sa balikat ko at payapang nasa tabi ko..." Naramdaman kong hinalikan nito ang ulo ko at napapikit ako. "Alam mo sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw lang ang kakaiba sa lahat.." Umangat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin at agad akong umiwas.

"Dahil ba....janitress ako....at" huminga muna ako ng malalim bago sumagot "at madali akong utuin at perfect subject para matanggal ang boredom mo, dahil..." Napatigil ako at napalunok, pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko.. naramdaman ko na naman kasi ang lahat ng sinabi niya sa akin noon na talagang nagpawasak sa puso ko... Na para bang kahapon lamang iyon nangyari... "Para gawin akong aso na laging sumusunod sayo sa oras na kailangan mo...." Napakagat na ako ng labi tumitindi kasi ang sakit sa dibdib ko pakiramdam ko, lahat ng sugat ng nakaraan na pilit kong pinaghilom ay nagiging sariwa muli.... "Na nagiging masaya ka kapag pinahihirapan mo ko... Na bawat luha at pasakit ko noon ay premyo sayo dahil iyon ang gusto mo... Ang makita akong umiyak, mahirapan, masaktan yun ang nagpapasaya sayo..". Napapikit ako ng mariin at pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.. "Alam mo sadista kang tao sobra!" Na palakas na ang boses ko dahil sa emosyong nararamdaman ko gusto ko siyang sigawan sa lahat ng ginawa niya at ipamukha sa kanya kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan ko dahil lang sa gusto niya ng thrill ay pinaglaruan niya ako, at ako naman sobrang tanga! Naniwala sa fairytale! Na ako si cinderella at siya ang prince charming ko... At naisip ko maaari kaming magkaroon ng salitang ilang beses ko na nabasa sa libro... Ang salitang ilang beses na nabasa ng maraming tao at narinig pero marami parin ang nangangarap na sana maging ganon ang ending ng isang kwento ng pag-ibig... Na sana... Sa oras na makilala nila ang isang tao na kanilang mamahalin ng buong buhay nila.... Ang taong mag-aalaga at po-protekta sa kanila at magkaroon sila ng isang 'happily ever after' sa salitang iyan ang daming umasa... At nasaktan... Isa na ko dun... "A-alam mo ba.. Kahit na nahihirapan ako sayo... Nangarap parin ako na baka maaaring maging tayo... Na baka sakaling mahulog din ang loob mo sa akin, at mahalin mo ko katulad ng pagmamahal ko sayo..." Tumawa ako ng mahina naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Pinunasan ko ito bago muling magsalita. "Hindi mo man ako sinaktan ng pisikal, sinaktan mo naman ako dito..." Turo ko sa dibdib ko. "Iyon ang pinakamasakit sa lahat... Akala ko noon nung naging maganda ang pakikitungo mo sa akin.., akala ko talaga... May pag-asa at nagsisimula ka nang magkagusto sa akin.." Hindi ko na talaga napigilan tumulo na ang luha ko at naging garalgal na rin ang boses ko ng nagsalita muli ako. "Alam mo ba kung gaano ako naging kasaya ng mga oras na naging maganda ang pakitungo ma sa akin, para akong tumama sa lotto, gusto kong magtatatalon sa tuwa, at first time ko maramdaman ang magkaroon ng first love, yung hindi ka makatulog kakaisip at walang oras na hindi ang mukha mo ang nasa isip ko at syempre nangarap ako na magkasama tayo may pamilya at masaya." Lumalakas ang pag-iyak ko. Niyakap ako nito ng mahigpit mas lalo lang ako naiyak sa ginawa nito. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at gusto kong sabihin ang lahat ng hinanakit ko. "Trace umasa ako eh! Umaasa ako na baka marinig ko sayo ang salitang matagal ko nang inasam na marinig! Na sabihin mo na mahal mo rin ako!" Sigaw ko nagiging histerikal na ako dahil parang sasabog ako pag hindi ko inilabas at isinigaw ang lahat ng sama ng loob ko. "N-nung umalis ka dahil sa trabaho, lagi kitang namimiss, gusto kitang makita at mayakap at tanggalin ang lahat ng pagod mo, tapos nung tumawag ka sa akin at sinabi mong nakabalik ka na at may sorpresa ka, sobrang saya ko! Sobrang saya ko na gusto kong hatakin ang oras makita ka agad! Pero anong dinatnan ko?! May babae sa kwarto at...at..."  Napasapo ang dalawang kamay ko sa mukha ko at umiyak ako ng malakas. Hinigpitan nito ang yakap sa akin.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon