CHAPTER 32 PART 2

7.6K 161 0
                                    

Pagkatapos ng pag-alis ko sa mall naghanap ako ng bagong mapapasukan pag sabado at linggo, natanggap naman ako sa isang maliit na grocery store isa akong cashier, alam din nila ang pagbubuntis ko, buti na lang ayos lang na magtrabaho ako sa kanila basta kaya ko pa raw.

Seven months na rin ang pinagbubuntis ko. 2 months na lang manganganak na ako. Medyo nahihirapan na akong kumilos hindi naman ganun kalaki ang tiyan ko pero hirap na ako.

Naging usap-usapan ako sa lugar namin dahil sa pagbubuntis ko ng walang ama, sabi ng iba malandi daw ako kunwari daw mahinhin pero nasa loob ang kulo. Yung iba naman pinagkakamalan nila na ang nakabuntis sa akin ay yung isa sa anak ni ka Siony na si Jack dahil malapit din ako dito pero magkaibigan lang talaga kami at alam iyon mismo ni Aling Siony at yung iba sabi nila baka daw may nakabuntis sa akin sa bar, iniisip nila na isa akong prosti. Yung iba naman nakikisimpatya na lang sa kalagayan ko. Marami akong naririnig at karamihan nakakasakit nung una hindi ako sanay at talagang nahihiya ako sa kanila kahit hindi naman dapat dahil buhay ko to at kung tutuusin wala silang pakialam. Hanggang sa makasanayan ko na lang lahat.

Nang-iingat din ako sa mga kilos ko. Pag naiisip kong dalawang buwan na lang manganganak na ako sobrang saya ko dahil makikita at mayayakap ko na ang anak ko, gusto ko na siya makita para iparamdam kung gaano ko siya kamahal. Nang nag-susukli ako sa isang babae ng mga pinamili niya bigla akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan ko.

"Ahhh..." Daing ko. Napahawak ako sa counter.

"Miss ayos ka lang?" Sabi ng babaeng sinusuklian ko. Hindi ako nakapagsalita dahil lalong tumitindi ang sakit ng tiyan ko.

"Ahhh...a-aray!" Napalakas na ang daing ko naramdaman kong may umaagos sa pagitan ng mga binti ko. Pumutok na pala yung palubigan ko. Hinawakan ako nung babae sa balikat. Nagsilapit na rin yung mga katrabahador ko pati yung amo ko. Lumapit ang kasamahan ko na si Lisa at inalalayan.

"Carlyn anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong nito, bumaba ang tingin nito sa mga binti ko at napasinghap na ito. "Naku! Tulungan niyo ko! Manganganak na si Carlyn!" Sigaw nito sa mga kasamahan namin nagulat yung amo namin. Binuhat agad ako nung isa kong katrabaho at dinala sa labas sumunod din yung babae na bumili sa amin kanina.

Sumakay agad kami ng taxi, ng makarating kami sa pinakamalapit na hospital agad akong dinaluhan ng mga doktor. Natatakot ako sa panganganak ko. Ganto pala kasakit pag manganganak hindi mo alam ang gagawin para maibsan ang sakit.

Nang ipapasok na ako sa kwarto bigla kong naalala si Trace gusto ko hawak ko ang kamay niya sa oras na ito dahil natatakot ako, gusto ko hawak ko ng mahigpit ang kamay niya at sa kanya ako kukuha ng lakas. Pinagpapawisan na ako ng malamig at umiiyak na rin ako ng may humawak sa kamay ko. Nasa loob na ako ng labor room nakapikit lang ako ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Napamulat ako ng mata nakita ko yung babaeng sinuklian ko kanina sa grocery store, nakatingin ito sa akin at nakangiti kahit nasa itsura nito ang pag-aalala.

"Kaya mo yan, sasamahan kita..." Masuyong sabi sa akin nito. Napaiyak ako lalo dahil hindi ko kaano-ano ang babaeng kaharap ko pero may malasakit siya sa akin at siya ang kasama ko sa halip na si Trace. Hanggang sa magsimula na akong umire.

Ang hirap ang sakit talaga at panay ang pag-ire ko.

"Ahhhh!!! A-ang sakit!" Sigaw ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay nung babae.

"Kaya mo yan! Sige pa!" Sabi nito sa akin.

"Nakikita ko na ang ulo" sabi nung doctor.

"Yan konti na lang! Kaya mo yan!" Muling pagpapalakas nito ng loob ko.

"Ahhhhhh!!!!" Ilang beses pa ako umire. Nahihirapan na talaga ako. Napapapikit na rin ako. Hinang hina ang pakiramdam ko.

"Nahihirapan na siya Doc" narinig kong sabi nung nurse.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon