CHAPTER 42 PART 1

8.2K 166 5
                                    

Pagkatapos ipakilala ni Gelal si Ramiasen ay dinala na niya ito sa mga taong dumalo sa party at ipinakilala ng personal, kita sa mga mata nito ang saya dahil kay Ram, kabaligtaran naman ang nakikita ko sa mga mata ni Kenshin, lungkot, sakit at panghihinayang ang mga emosyong nasa mga mata nito.

"Carlyn what's the problem?" Puna ni Trace sa akin, nilingon ko siya at inirapan.

"Wala! Umalis ka na nga!" Galit kong sabi sa kanya.

"Let's dance" sa halip ay aya nito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tingin mo naman sasama ako sayo? Hindi no!" pinal kong sagot sa kanya. Nag smirk lang ito at tiningnan ako.

"Sasayaw ka ba kasama ko...o...sasabihin ko kay Kenshin ang namagitan sa ating dalawa." Napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko.

"Are you blackmailing me?" Tanong ko sa kanya, painosente lang ako nitong tiningnan at itinuro pa ang sarili na para bang may iba pang Tao akong pinatutungkulan.

"Me? Blackmailing you? No sweety I can't do that!" Sabi nito. Napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Gusto ko ng saktan ang lalaking ito!

"Then, what do you think your doing?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa ibang direksyon at anyong nag-iisip pa. Then he look at me and smile sweetly.

"Im just trying to tell the truth, dahil hindi mo sinabi sa kanila ang totoo tungkol sa ating dalawa." Sabi nito. Bumangon ang galit ko. Ano bang tinira ng lalaking ito at ganito siya ngayon, samantalang dati siya ang laging nagsasabi sa akin na walang namamagitan sa amin, tapos kung ipangalandakan niya sa akin na MERON eh! ganun na lang!

Napangiti ako ng mapait nararamdaman ko na naman ang pag iinit ng ilalim ng mga mata ko ng maalala yon, tiningnan ko siya, nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"Trace kailan may naging meron? Sa ating dalawa? Diba wala? At ikaw mismo ang nagsabi nun sa akin, ng paulit- ulit, tapos ngayon sasabihin mo iyan? Anong problema? Naisip mo ba na hindi pa sapat ang lahat ng paghihirap ko at gusto mong mas lalo akong magdusa? Ganun ba Trace? Ganun ba talaga kalaki ang galit mo sa akin." Puno ng hinanakit ang tinig ko. Hindi ko maitago ang emosyon lalo nat pag naaalala ko ang nakaraan, masyadong masakit... Pilit ko na ngang kinalilimutan tapos pinapaalala naman ng lalaking ito!

I saw sadness and guilt in his eyes, but I need to ignore that, Im afraid that he'll just going to hurt me, I don't want to cry again because of him, im doing my best to move on eventhough that is the hardest part I need to go through...

"Im sorry, I know saying sorry its not enough for all the pain I cost to you, but I regret all the things I've done in the past, papatunayan ko sayong nagsisisi ako kung bibigyan mo ko ng pagkakataon, ipaparamdam ko sayo na mahalaga ka sa akin, hindi katulad noon na pinaiyak lang kita, hayaan mo palitan ko ng ngiti ang bawat luhang idinulot ko sayo, hayaan mong ipakita ko sayo na wala na ang dating Trace na nanakit sayo.." Sincere na sabi nito pero ayoko, ayokong umasa,... Dahil ayoko nang masaktan ng maraming beses...

Aalis na dapat ako ng hapitin niya lalo ang bewang ko tiningnan ko siya ng masama tsaka naman lumapit si Kenshin.

"What's happening here? And you Mr. Winchester what are you doing to my sister huh?" Seryosong sabi nito. Nagtitigan ang dalawa napatingin si Kenshin sa braso ni Trace na nakalagay sa bewang ko. Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito.

"Bitawan mo ang kapatid ko" utos ni Kenshin pero hindi man lang natinag si Trace. Mukhang susuntukin na ni Kenshin si Trace ng magsalita ako.

"Ahm, don't be so serious Kenshin, nakakahiya kay Mr. Winchester muntik na kasi akong ma out of balance kaya inalalayan niya ako" sabi ko. Si Mercielien naman ay nakikinig lang sa amin.

"Really? Then, why he still holding your waist?" Tanong nito sa akin.

"Da-dahil inaya niya akong sumayaw, so kuya sasayaw muna kami, bye!" Sabi ko sabay hila kay Trace baka pag hindi ko pa ilayo ang lalaking ito baka magkaroon pa ng gulo. Simula ng maging kuya ko si Kenshin ay naging overprotective na ito pagdating sa mga lalaking lumalapit sa akin, kaya ang mga manliligaw ko hindi ako pwedeng hawakan sa kung saan, hanggang yakap lang sila at beso.
Naaalala ko pa yung dati kong manliligaw na hahalikan sana ako sa labi, sinapak ni Kenshin yon. Kaya takot ang iba kong manliligaw sa kanya.

Nang nasa dance floor na kami ay nakatingin parin ang kapatid ko sa amin, si Trace naman hayun nakipagtitigan din, gusto yata talaga ng away eh! Kapag gantong may problema si Kenshin at sasabayan pa ng lalaking ito, gulo ang mangyayari!

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at iniharap sa akin. Nang nagkatitigan na kami ay ngumiti ito sa akin.

"Huwag kang mag-alala sayo lang ang mga mata ko." He said, I rolled my eyes.

"Gusto mo bang masuntok ng kapatid ko? Parang hinahamon mo pa siya kung makatingin ka ha!" Sabi ko pero parang wala lang dito, napabuntong hininga pa ito na para bang nakakatamad ang sinasabi ko.

"I don't care then if he wants to beat me, its fine with me" sagot nito. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Abnormal talaga ito!

"So gagawa ka pa talaga ng gulo sa party ng iba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes para sayo, basta ba pagkatapos niya akong sapakin papayag siya na maging akin ka" diretsang sagot nito. Wala, hindi ito matinong kausap.

"Pare, change partner" narinig kong sabi ng kalapit namin na sumasayaw din. Napalingon ako at nakita ko si Brian ngumiti ito sa akin at kinindatan ako.

Napangiti rin ako. Magsasalita sana ako para pumayag pero si Trace na ang sumagot.

"I dont change my partner kung gusto mo sa iba ka makipagpalit." Malamig na sabi nito kay Brian. Napasimangot ako anong karapatan niya para magdesisyon ng ganun. Nagsalita ako.

"Dont mind him, okay lets change." Nakangiting sabi ko kay Brian na nakatingin na ng seryoso kay Trace tumingin ito sa akin at nginitian ako.

"Okay" binitawan ni Brian ang partner niya, hihiwalay na sana ako kay Trace ng hapitin ako nito at bulungan.

"Dont you even dare Carlyn, kung ayaw mong basagin ko ang mukha ng lalaking iyan..." Sabi nito sa akin, kinabahan ako sa sinabi nito alam kong hindi ito nagbibiro kaya napatingin ako kay Brian, naghihintay ito sa akin.

"A-ahm Brian huwag na pala I enjoy dancing pa kasi with him eh" sabi ko na lang nakita ko ang panghihinayang dito pero bumuntong hininga ito.

"Okay I understand" nakangiting sagot nito tapos nagsayaw ito kasama muli nung babae. Tiningnan ko si Trace ng masama pero nginitian lang ako nito ng nakakaloko.

"Hes not a good dancer, siguradong mababagot ka lang sa kanya." Sabi nito hindi na ako nagkomento pa at nanahimik na lang ayoko na siyang kausap mas lalo lang akong naiinis.

Hindi ko siya matingnan habang nagsasayaw kami dahil naiilang ako. Ramdam ko pati ang mga titig niya sa akin, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero parang tinatambol parin ang dibdib ko sa kaba.

Paano ba ako masasanay sa presensya ni Trace?....

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon