CHAPTER 27 PART 2

7.5K 144 0
                                    

"Carlyn!" Tili ni Ramiasen ng makita na akong papasok ng pinto. Nginitian ko siya at naupo sa tabi niya. Bumulong ito sa akin.

"Musta weekends ha?..." Tanong nito sa akin.

"Mabuti naman" masigla kong sabi sa kanya.

"Alam ko, ang sinasabi ko magkwento ka naman..." Tanong nito sa akin parang may kung ano sa boses nito. Parang tonong nanunukso.

"Ha ano man ang ikukwento ko sayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Ay! Im your bestfriend tapos hindi mo balak ishare yung happenings kahapon, I saw you and Trace together on a italian restaurant" sabi nito biglang nawala ang ngiti ko at namula tumingin ako sa kanya.

"Na-nanduon ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman sa wala akong balak ikwento sa kanya, hindi pa lang ako handang magkwento.

"Yeah we're there and we saw the two of you" nakangiti ito ng nakakaloko. Napalunok naman ako. Mukhang magkukwento ako ng wala sa oras ah! Teka... We? Ibig sabihin may kasama siya? Baka parents niya?

"Ha? Sinong kasama mo?" Tanong ko sa kanya. Lumayo ito sa akin at tumingala habang nangingislap ang mata tapos bigla na lang itong sumigaw.

"Si Kenshin my loves!!!!" tili nito. Napatingin sa amin ang ibang mga estudyante. Hinawakan ko siya at binulungan.

"Huwag kang maingay! Nakakahiya!" Matigas na sabi ko sa kanya. Tapos tumingin ito sa paligid. Nakita namin na inismiran ito ng iba naming kaklase. Tinaasan ito ng kilay ni Ramiasen.

"Pake nila!. Inggit lang sila! Mind their own business may business din ako so dedma!" Tapos tumawa ito ng malakas. Mukhang may sanib na naman siya. Tapos biglang pumasok si Kenshin napatigil ito sa pagpasok ng makita si Ramiasen.

Nagkatitigan sila pinagmamasdan ko sila. Si Ramiasen halatang masaya, si Kenshin naman mukhang galit. Hay! Ewan ko dito sa dalawang ito.

"Later magkwentuhan tayo ha... Medyo busy lang ako" bulong nito sa akin tapos naupo na si Kenshin sa tabi nito at pinagmasdan na ito ni Ramiasen.

Pinabayaan ko na lang siya dahil mukha siyang masaya pero kung may problema man, nandito ako para tulungan siya.

NAKAUPO ako sa bench mag-isa si Ramiasen naman ay nagpaalam sa akin aayusin lang daw niya ang future niya with Kenshin kasi ako daw may future na kay Trace kaya kailangan maayos na rin niya yung kanya. Naikwento ko na sa kanya yung pagiging mabait ni Trace sa akin na parang ibang Trace na ang kaharap ko. Ang tanging hindi ko lang kinuwento sa kanya ay yung nangyari sa amin ni Trace. Nakakahiya naman pag sinabi ko iyon, lalo lang ako tutuksuhin ng kaibigan ko pag pati iyon sinabi ko.

Naisipan kong umakyat sa kwarto ni Trace dahil yung bag ko hindi ko pa nakukuha. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto niya. Walang nagbubukas ilang beses pa akong kumatok wala parin. Siguro wala siya ngayon dito sa school kanina ko pa kasi siya hinahanap pero wala. Hindi rin siya tumawag o nagtext ngayon. Ano ba yan, dalawa na ang bag na naiiwan ko sa kanya. Tama. Naiwan ko rin kasi yung bag ko sa condo niya, lagi na lang ako nakakaiwan ng gamit sa kanya.

Napabuntong hininga na lang ako at umalis. Nang matapos na ang lahat ng klase ko. Nagsimula na akong maglinis. Nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko kung sino ang nakaregister na pangalan sa screen.

Agad kong sinagot ang tawag ni Trace. Sobrang namiss ko siya kahit isang buong araw ko lang siya hindi nakita.

"Hello!" Masigla kong sabi narinig ko siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya.

"Its really obvious that you missed me." He said and I know my face turned red. Masyado yata akong naexcite dahil namiss ko siya, kaya halatang halata ako.
Napalunok ako at nagsalita.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon