CHAPTER 33 PART 2

7.6K 153 0
                                    

Nakatitig lang ako sa kanya, parang may mga kabayong nagkakarerahan dito sa dibdib ko dahil nakita ko si Trace halata ang pagkagulat sa mukha nito pero agad ding nawala. Napatingin ako kay Shasha.

"Sir siya po yung prostitute na pinadala ni Jojo, sige na po tanggapin niyo na po siya, malinis po iyan at walang sakit at siguradong mag-eenjoy kayo!" pa-sales talk na sabi ni Shasha. Pagtingin ko kay Trace nakatiimbagang ito habang nakatingin sa akin. Hinagod din ako ng tingin nito, at tiningnan ako sa mata na para bang isa akong maduming babae.

"Sir---" hindi na nakapagsalita si Shasha ng hilahin ako ni Trace papasok.

"Sige" maikling sagot lang nito kay Shasha tapos sinara na nito ang pinto.

Marahas niya akong isinandal sa pader.

"What are you doing here? Mahina ba ang kita sa Maynila kaya dito ka naman sa Davao? Huh, tell me" hindi ito sumisigaw pero nandun parin ang intensidad ng bawat salita ni Trace.

"M-may dahilan ako, kaya ko ito ginagawa..." Sabi ko habang nakatitig sa mata niya.

"Yes.. You have your reasons... At iyon ay dahil sa pera." Mariin nitong sabi. Tumango na lang ako.

"B*llshit! Ang dumi mo! Pokpok ka! Ilang lalaki na ang naging customer mo ng mapunta ka rito ha? Marami na rin siguro no, hindi na mabilang sa daliri, ano yayaman ka na ba sa ginagawa mo." Ayan na naman ang masasakit nyang salita. Ang sakit gusto ko man umiyak pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Wala ka ng pakialam dun!" Matapang kong sagot. Ayokong malaman niya ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, pag nalaman niya na may anak ako sa kanya, maaaring hindi niya tanggapin o kaya kunin niya sa akin at ayokong mangyari iyon... Ikamamatay ko...

"Tama... Wala nga akong pakialam sayo, hindi ka naman kasi mahalaga." Sabi nito sa akin. Gusto ko ng umiyak, sumasakit na yung lalamunan ko.

"Tama! Kaya ano pang hinihintay mo? Simulan na natin?" Matapang kong sagot gusto kong matapos ito agad at makaalis na sa lugar na ito. Ayokong magtagal dahil lalo lang akong nasasaktan...

Ngumisi ito. Tapos ay binitawan ako lumapit ito sa isang pinto. Tingin ko iyon ang kwarto niya. Binuksan niya ito.

"Come in... Just make sure that I will enjoy your service whore..." Sabi nito sa mapanganib na tono. Napalunok ako. Lulunukin ko na ang lahat kahit na isipin ni Trace na masama akong babae wala na akong pakialam basta para sa anak ko.

Lumapit ako at tumigil bago pumasok sa pinto. Sa oras na pumasok ako dito ibig sabihin tinanggap ko narin ang lahat ng sinabing masama sa akin ni Trace. Napakuyom ako ng kamay at taas noong pumasok sa kwarto.

_______________________

Nagising ako ng yugyugin ako ni Trace. Nakatulog pala ako matapos nung nangyari. Napalingon ako sa kanya.

"Leave, nandito si Millena" seryosong sabi nito. Napakunot noo ako hindi ko naintindihan agad ang sinabi niya. Nang biglang dumako ang mata ko sa likod niya. Biglang nag-init ang ilalim ng mata ko.

Nakita ko ang isang magandang babae na nakarobe lang at nakatingin sa amin. Nasasaktan ako... Napabangon ako nung una ayoko pang alisin ang kumot at balak kong magbihis sa cr na magsalita si Trace

"Dito ka na magbihis nakita ko na yan at dapat ang mga babaeng katulad mo hindi nakakaramdam ng hiya." Tumitindi ang sakit. Tumayo ako at nagbihis nga ako bahala na sila kunwari walang tao sa paligid.

Lumapit sa akin si Trace at may inabot na tseke.

"50 thousand for your service its big enough you know kahit na hindi ka ganoong kagaling" sabi nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon