CHAPTER 18 PART 1

7.6K 157 0
                                    

Nandito pa rin kami sa loob ng elevator mga dalawang oras na yata kami dito, wala pa rin yatang nakakaalam na nakulong kami. Sana magkailaw na. Pinakiramdaman ko lang si Trace, relax na ito ngayon sa tabi ko. Nakaupo lang ako sa tabi niya at nakayakap at nakasandal ang ulo ko sa braso niya.

Wala lang itong imik kapag kinakausap ko. Tahimik lang ito pero alam ko kahit hindi ito magsalita hindi na ito natatakot ngayon.

Naiinitan na rin ako sa posisyon namin pero hindi pa rin ako bumibitaw sa kanya. Sabagay okay lang sa akin kahit gaano kami katagal sa elevator na ito. Gustong gusto ko ang amoy ng pabango niya kaysa noon, hindi ko sinasabi na ayoko ng pabango niya nuon kaya lang ewan ko kung bakit ganto ako ngayon...

Napatayo kami ng biglang gumalaw yung elevator pero wala pa ring ilaw tapos tumigil uli. Tapos nagulat na lang ako ng biglang bumaba na naman ang elevator, napasubsob ako sa kanya. Nawalan si Trace ng panimbang at parehas kaming bumagsak. Nakapikit lang ako, nagmulat ako ng mata.

Nang biglang nagbukas yung ilaw , nagulat ako ng mapansin kong nasa ibabaw pala ako ni Trace. Nagkatitigan kami, parang namagnet yung mata namin sa isat- isa, ewan ko kung tama ang nakita ko sa mata ni Trace parang pag-aalala?, naging maamo din ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin kami sa isat-isa pero bigla ding nawala... o namamalikmata lang ako sa nakita ko? Naging seryoso na naman ang mukha nito.

"Umalis ka sa ibabaw ko..." Sabi nito. Nakatulala lang ako sa kanya.

"A-anong sabi mo?" Tanong ko.

"Sabi ko umalis ka." Naasar na sabi nito, bumalik ako sa reyalidad at agad bumangon. Lumayo agad ako sa kanya. Tingin ko ayos na yung elevator at wala ng dahilan para yakapin ko siya dahil may ilaw na.

Nakaramdam ako ng panghihinayang ng malayo ako sa kanya kung pwede nga lang na lagi na lang ako nasa tabi niya... Teka, ano bang nangyayari sa akin parang napaka-clingy ko ngayong araw?

Tiningnan ko si Trace na ngayon ay bumangon na. Biglang nagbukas yung elevator. Hindi ako kumikilos sa kintatayuan ko.

"20th floor dito ka ba?" Tanong nito sa akin. Oo nga nandito na nga ako sa floor na pakay ko. Agad akong lumabas dala yung mga panglinis at humarap uli sa elevator. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa unti- unti mag-sara ang elevator.

_____________________________________

nandito ako ngayon sa quadrangle nakaupo ako sa bench 9:00am palang ng umaga. Nanunuod ako sa mga player, maya-maya tumayo ako ng biglang nakaramdam ako ng pagkahilo at nanlalabo ang paningin, hanggang sa naramdaman kong tumumba na ako pero bago ako mawalan ng malay, naramdaman kong may sumalo sa akin at hindi ko na alam ang nangyari....

"Hon lets go! Bring her na lang to the clinic!" Narinig kong sabi nung babae, dahil nagkamalay na ako pero hindi parin ako nagmumulat ng mata.

"Stop it Mercilien she's my friend hindi natin pwedeng iwanan siya!" Sabi ng isang lalaki, ibig sabihin nandito si Mercilien, parang alam ko kung kaninong boses yun ah?

"Bakit mo ko sinisigawan Kenshin? Are you mad at me...." Narinig kong sabi ni Mercilien sa tinig nito parang iiyak na ito. Si Kenshin pala yung lalaki! Ibig sabihin tama ang hinala ko may relasyon sila!

"N-no I-Im so sorry sweetheart I didn't mean to hurt you..."

Narinig kong biglang tumahimik ang paligid tapos narinig ko uli silang magsalita.

"Bakit kasi nalimutan mo pa yung gamit mo dito dapat di mo na kasi binalikan eh, kala ko pa naman makikilala ko na ang parents mo..." Sabi ni Mercilien.

"Sweetheart don't worry makikilala mo din sila but now unahin muna natin si Carlyn, okay..." Malambing na sabi nito. Narinig kong biglang tumawa si Mercilien.

"Okay...makakatanggi pa ba ako sayo, I love you..." Sabi ni Mercilien.

"I love you too..." Sabi naman ni Kenshin. Nalungkot ako. Paano si Ramiasen, alam ko na seryoso si Ramiasen kay Kenshin.

Gumalaw ako at unti-unti kong binuksan ang mata ko.

"Oh your awake!" Sabi ni Kenshin at lumapit sa akin, nasa labas sila ng kotse, ngayon ko lang napansin na nasa kotse pala ako nito sa parking lot ng school

"Anong nangyari sayo? Bigla ka na lang nawalan ng malay?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Mercilien at tapos ay tumingin uli kay Kenshin.

"Na-nahilo kasi ako kanina" sabi ko pero naiisip ko pa rin silang dalawa bakit hindi sinabi ni Kenshin sa amin na sila na pala ni Mercilien?.

"May masakit ba sayo?" Tanong uli nito.

"Wa-wala napagod lang siguro ako..sige alis na ako." Tumayo ako at lumabas ng kotse niya.

"Ayos na ba talaga pakiramdam mo?" Tanong uli nito sa akin.

"Oo sige salamat sa inyo, alis na ako" sabi ko.

"Sige ingat ka" sabi sa akin ni Kenshin naglakad na ako papalayo.

Nang dumating na ang oras ng klase pumasok na ako sa room namin, nakita ko si Ramiasen na ngumiti sa akin pagpasok ko.

"Car did you see Kenshin my love?" Tanong nito sa akin.

"A-ah ka-kanina nakita ko siya pero may pupuntahan yata." Sabi ko. Bigla nawala ang ngiti nito at naging itsura ng panghihinayang.

"Bakit anong problema?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot.

"Birthday kasi ni Kenshin ngayon at may gift ako sa kanya...hay sayang kala ko maibibigay ko sa kanya..." Malungkot na sabi nito. Birthday pala ni Kenshin ngayon? Hindi kasi ito mahilig magkwento.

"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nag research ako at sabihin na rin natin na...medyo may sinuhulan ako para tingnan yung personal background niya dito sa school" malungkot parin nitong sabi pati ako nalungkot para sa kanya, hindi niya alam na si Kenshin at Mercilien na.

"Maibibigay mo pa rin nman sa kanya yan eh, kaya huwag ka ng malungkot." Sabi ko sa kanya.

"Sabagay tama ka....sige...next week ko na lang ibibigay" ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito.

Nang matapos ang pangalawa naming subject, nagpaalam si Ramiasen sa akin, may pupuntahan daw siyang emergency kaya umalis ito.

Kaya ako lang mag-isa sa pangatlong subject namin. Nang matapos ang klase at naglalakad ako sa parking lot. Nakita ko si Trace na nakatayo sa kotse nito at may kasama na namang bagong babae.

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan ko lang sila, inalalayan ni Trace na sumakay ang kasama nito tapos ay sumakay na rin ito at in-start ang kotse.

Nalungkot ako sa nakita ko pero pilit ko na lang siyang inalis sa isip ko. Ayoko siyang isipin dahil mahihirapan lang ako. Dalawang araw na simula ng mangyari yung sa elevator.

Pinapansin naman niya ako kaya lang pag may ipag-uutos lang siya. Nung isang beses na inutusan niya akong pumunta sa Condo niya, dahil may mga bitbit na gamit na naman ito. Syempre tagabuhat na nan niya ako. Inilagay ko yun sa kwarto niya.

Nang makita ko ang polo niyang nakakalat lang duon, Ewan ko pero kinuha ko yon dahil nandun ang pabango ni Trace, itinago ko pa nga sa bag ko. Tingin ko naman hindi niya mapapansin iyon sa dami ba naman ng damit niya.

Nang umuwi ako nun, ginawa ko siyang punda ng unan ko at ang gaan sa pakiramdam, gusto ko iyon ang naamoy ko sa umaga.

Maski ako nagtataka na rin ako sa sarili ko kung bakit ako ganun...



UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon