CHAPTER 6

8.8K 172 0
                                    

CARLYN POV:

Nagmamap ako ng sahig ng biglang dumating si Trace.


"Good morning!" Bati ko sa kanya. Pero wala lang itong emosyon na nakatingin sa akin, napaka-cold talaga niya...sabagay isa siguro iyon sa dahilan kaya ko siya nagustuhan...

"Come with me.." mahinang sabi nito pero sapat para marinig ko. Sumunod naman ako sa kanya. Nasa likod lang niya ako habang nakangiti sa kanya.


Ang gwapo pa rin kasi niya kahit nakatalikod lalo na pag nakaharap tapos ang bango niya...lalaking lalaki.. yung natural na amoy lang hindi yung dahil nagpabango siya... tapos ang tangkad pa niya ang kinis..tapos...yung sa may gym na wala siyang t-shirt ang sexy niya.. dati mas gusto ko babae ang tinatawag na sexy parang ang pangit kasi sa lalaki eh, pero nung nakita ko yung abs niya at well built na katawan bagay sa kanya ang word na yun..ayoko lang kasi sa lalaking sobrang laki ng katawan tapos yung muscle ay parang hindi pang tao yung pang bouncer..ayoko nun!.. tingin ko alaga sa gym si Trace...pero parang hindi rin parang natural na dito ang ganung katawan---


"We're here" sabi nito



Napatigil ako sa pagmumuni-muni ko ng tumigil siya at dahil hindi ako nakafocus tumama ako sa likod niya. Grabe ang sakit ng ulong ko ang tigas kasi ng likod niya!

Napatingin ako sa paligid nasa parking lot pala kami hindi ko man lang napansin dahil lumilipad yung isip ko.

"Tsk! Stupid!" sabi nito na nakatingin sa akin ng masama.

Dinukot nito sa bulsa ang cellphone at may tinawagan. Maya-maya dumating ang butler nito na may dalang damit.

"Tulungan ko na po kayong magbihis sir Trace" nakayukong sabi ng lalaking butler.


"No need" sabi nito at nagulat ako ng duon mismo siya nagtanggal ng polo at nagbihis yung mga babaeng dumadaan nagtilian tapos narinig ko lumalakas pa yung mga boses ng mga babae.

Napatingin ako sa taas ng building. Mga nakasilip din yung mga babaeng nagkaklase sa ibat ibang room.

May nakita pa akong naka-binocular. Naging center of attraction si Trace. Napalunok ako at kinausap ko siya

"eh T-Trace ba-bakit ka nagpapalit ng damit?"


"Because dinumihan mo yung damit ko" sabi nito. Parang nabangga lang sa likod, madumi agad?

"Ahm... T-Trace duon ka na po kaya magbihis sa kotse mo pinagtitinginan ka na po" sabi ko habang nakaiwas ang tingin. Hindi kasi ako makatingin sa kanya nahihiya ako.

"I dont care to them. Besides Im doing them a favor they enjoying the view" parang tinatamad pa nitong sabi sa akin.

Maya-maya ng nakabihis na ito. Humarap ito sa akin. At tumingin sa akin.

"Because I am the one who help you para makapasok ka ulit sa University na ito" may itinuro ito sa gawing kanan nakita ko ang isang truck sa pangatlong hilera ng mga kotse.

"Did you see that truck?" tanong niya sa akin. Napalingon ako dito.

"O-opo" sagot ko.



"Dalin mo iyan sa kwarto ko sa 25 floor nitong building" lumapit kami sa truck at binuksan ito ng driver at nanlaki ang mata ko sa nakita ko

"That is my personal stuff ingatan mo iyan pag may nasira diyan babayaran mo dapat nasa taas na lahat iyan sa loob ng isang oras" malamig na sabi nito tapos ay naglakad na ito palayo tinawag ko siya.

"P-pero masyado itong marami! tapos hindi ako gumagamit ng elevator hindi ko kakayanin ang isang oras ng ako lang..." nanlulumo kong sabi.

"It is not my problem anymore, its you're problem kaya huwag ka ng magreklamo" tapos ay umalis ito.


Napatingin ako sa mga dadalin ko ang daming kahon sa loob. Paano kaya ito? Hindi ko ito makakaya kung aakyat ako ng hagdan...kung elevator hindi pa rin ako sanay. Para akong masusuka pag nakasakay ako dun.


"Kung ako sa iyo hindi na ako tutunganga dadalin ko na yan sa taas! Remember you have only one hour to finish that. The time is running so you better start now!" sigaw ni Trace napatingin ako sa kanya medyo malayo na ang nalakad niya.

Ang bilis talaga niya maglakad ang tangkad niya kasi kaya ang lalaki ng hakbang lagpas 6feet ang taas niya. Samantalang ako 5 feet lang..

Kumuha na ako ng mga box ang bigat pala kahit isang box lang! ano kayang laman nito? pinilit kong gawing tatlo, pinagpatong patong ko yung box bago dalhin.

Medyo mabagal ako maglakad ang bigat kasi! parang mga 10 to 15 kilos ang bigat ng bawat isa.


Kung ordinaryong estudyante mahihirapan bitbitin ito pero dahil halos lahat ng trabaho napasukan ko na simula ng mapunta ako sa Maynila nasanay ako sa mabibigat na gawain.

Pero nung nasa probinsya pa kami madali lang mamuhay tapos hindi ka pa mamomroblema sa pagkain marami kasi kaming tanim na gulay.


Nagtanim din kami ng mapunta kami sa Maynila pero bago pa makuha yung bunga kinukuha na ng kapitbahay at minsan sinisira ng mga bata wala kasi kaming bakod. Kaya ayun namamatay yung mga tanim namin kaya di na kami nagtanim.

Pero kahit ganun ang kapitbahay namin matulungin naman sila pag wala ako hindi nila pinababayaan si nanay.

Nang makarating ako sa elevator lakas loob akong sumakay duon mapabilis lang. Nakasandal lang ako sa sulok dahil nahihilo talaga ako dito. Nang marating ko ang 25th floor.

Nakita ko si Trace na nakasandal sa isang pinto tapos ng makita niya ako tinulak niya yung pinto para makapasok ako.

Pagpasok ko ang ganda pala sa loob ang laki halatang pangmayaman ang bango pa tapos nilagay ko yung mga box sa tabi.

Binuksan ni Trace yung isa at ang laman nun isang base na antique tumingin ulit ako sa paligid ngayon ko lang napansin may mga gamit nga dito na Antique ibig sabihin isa siyang Antique collector?.


"Tsk! bat ang bagal mo? 10 mins agad ang nasayang, bilisan mo 50mins to go" sabi nito.

Nagulat ako ang bilis yata ng bilang niya! sa mantalang sa kalkula ko mga 7mins lang naman.

Dali-dali akong lumabas at sumakay ulit ng elevator at ganun uli ang ginawa ko pero pagkabuhat ko dun sa isang box mas mabigat pala siya kaya yung tatlong box ginawa ko na lang dalawa at umakyat uli sa taas pagbalik ko naman sa truck ganun uli dalawa lang uli ang nadala ko mga nakasampung balik ako bago natapos.

Nang mailapag ko na yung huling kahon kumapit ako sa pader nakakapagod!


"Wow Im surprise! You did it on time kahit pala payatot ka malakas ka pala?." sabi nito habang prenteng nakahiga sa sofa.

"Ma-may e-exam ako ngayon pwede na ba akong u-umalis?" tanong ko hindi ako makapagsalita ng maayos hinihingal ako.

May special exam kasi sa akin dahil nung nakaraan hindi ako nakakuha ng exam dahil na expelled ako. Kaya binigyan ako ng chance makakuha ng exam.

Hindi ito nagsalita tumango lang ito habang nakahiga sa sofa at nakapatong ang isang braso sa noo at yung isang kamay niya may hawak na cellphone.

Lumabas na ako at pumunta na sa faculty ng professor ko para mag-exam.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon