CHAPTER 9

8.2K 164 0
                                    


T-Trace ibaba mo na ako please..." sabi ko ayoko talaga. Pero hindi ito nagsasalita mas bumilis pa nga ang pagpapatakbo nito ng sasakyan.

"T-Trace..."

"Shut up! Or you will pay 1000 pesos each sa bawat letra ng words na sasabihin mo!" sigaw nito sa akin. Napalunok ako.

Wala akong pangbayad...patuloy lang sa pag-drive ang lalaking ito tapos tinatakot pa ako...pero san ba ako talaga dadalhin nito?... Maya-maya tumigil ito sa isang bar.

"Out..." sabi ni Trace sa akin kung ganun sa bar lang pala kami pupunta kala ko.... natigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya ulit.

"Why are you staring at me? I said lumabas ka na!" nagulat ako.

Napatulala na pala ako sa kanya hindi ko namalayan.Bumaba na ako at bumaba na rin siya.

Nauna siyang maglakad ako naman nakasunod lang sa kanya. Pumasok siya sa loob ng bar. Nang ako na ang papasok ay bigla akong pinigilan nung usher.

"Miss bawal kang pumasok" sabi nito sa akin.

"Ah..eh..kuya kasama ko po yung lalaking pumasok ayon po siya" tinuro ko si Trace.

"Miss hindi talaga pwede" ayaw pa rin akong papasukin. Tinawag ko si Trace.

"Trace! Trace! Teka lang hintay!" pero hindi niya ako nilingon siguro kasi maingay sa bar kaya di nya ako narinig, pagbibigay dahilan ko sa sarili ko. Umalis na lang ako. Maghihintay na lang ako sa kotse.

Nang nasa kotse na ako hinawakan ko yung pinto pero ayaw magbukas sinubukan ko yung isa pang pinto ayaw din.

Paano yan mukhang ni-lock ni Trace yung pinto? ano yon maghihintay ako dito sa labas? Wala na akong nagawa kundi antayin na lang siyang lumabas ng bar.

Bakit ganun hindi ba niya alam na hindi ako nakapasok kaya hindi niya ako binalikan dito sa labas? Nandito lang ako sa labas naghihintay ang tagal niya...ano na kaya ginagawa niya sa loob? 12:00am na at nandito pa rin ako sa labas ng bar at medyo ramdam ko na ang lamig ng simoy ng hangin ng pang-umaga.

Nakita ko siyang lumabas at tingin ko lasing na siya dahil hindi na ito makatayo ng maayos. Nakita kong susubsob na ito sa semento kaya agad akong lumapit at inalalayan siya.

Lumapit kami sa kotse at isinandal ko muna siya duon dahil medyo mabigat siya. Nakita kong may kinuha ito sa bulsa at nakita kong hawak nito ang cellphone at may tinawagan.

"Bruce...come here...you know where I am right now...Ill wait you here..." sabi nito sa kabilang linya at pagkatapos ay ibinalik nito sa bulsa ang cellphone tapos tumingin sa akin habang namumungay ang mata. Parang ngayon lang napansin nitong nasa tabi niya ako.

"Who are you? why are you here?" tanong nito. Dahil siguro sa kalasingan hindi agad ako nakilala pero lumapit ito sa mukha ko.

Masyadong malapit naaamoy ko na ang alak sa kanyang hininga pero lumayo ako at nakita kong naningkit ang mata niya.

"Y-you are t-the ugly janitress right?" tinulak ako nito palayo dahil nakahawak ako sa braso niya bilang suporta dahil kung hindi mapapaupo ito sa lupa.

Tuluyan ko na siyang nabitawan dahil medyo malakas siyang manulak at dahil duon dumausdos ito sa kotse at napaupo.

Lumapit ako agad at itinayo siya at nakita kong nakatulog na siya dahil sa kalasingan.

Maya-maya nakita kong may tumigil na isang kotse at lumabas duon ang Butler nito lumapit kaagad ito sa amin at kinuha si Trace.

Nagising naman agad si Trace at tumingin sa paligid at ng nakita ako.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon