CHAPTER 33 PART 1

7.8K 161 1
                                    

Nandito ako sa bahay at pinatutulog ang baby ko. Nang marinig kong tinatawag ako ni Shirly. Lumabas ako at iniwan ko sa crib si baby Travis. Ang pangalan ng baby ko ay Travis Buenvenido kinuha ko pa rin ang pangalan niya sa pangalan ng ama niya kahit man lang iyon ay makuha ng anak ko kay Trace.

"Oh, ate Shirly, anong atin?" nakangiti kong sabi, lagi rin nila akong tinutulungan at inaalalayan kung paano aalagaan ang anak ko lalo na at bago lang akong naging ina.

"Ahm... Carlyn.. Aalis na kami bukas nina nanay at ng mga kapatid ko sa isang linggo babalik na kami sa probinsya namin sa Davao." Sabi nito. Nagulat naman ako at nalungkot dahil aalis na sila itinuring ko na sila na parang tunay na kamag-anak kahit kapitbahay ko lang sila.

"Ganun ba nakakalungkot naman.." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay ko.

"Kaya nga kita sinadya dito dahil may gusto akong itanong sayo" napakunot naman ang noo ko. Ano kaya iyon?

"Ate ano yong gusto mong itanong?" Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Gusto sana namin sumama ka dahil parang kapatid ka na rin namin at pag-umalis na kami wala kang mapag-iiwanan ng bata pag nagtrabaho ka na ulit at saka duon makakahanap ka ng trabaho at mababantayan namin ang baby mo." Sabi nito. Napaisip ako. Tama ito walang mag-aalaga sa anak ko sa kanila ko lang ipinagkakatiwala si Travis, hindi naman sa sinasabi ko na hindi katiwa-tiwala ang mga kapitbahay ko pero nag-iingat lang ako.

At saka duon madali kong malilimutan si Trace at ang lahat ng masasakit na bagay na pinagdaanan ko. kaysa nandito parin ako sa Maynila at patuloy ko lang siya naaalala lalo na pag dumadaan ang jeep na sinasakyan ko sa tapat ng condo niya. Tumingin ako sa anak ko.

"Kung hindi mo pa kayang magdesisyon okay lang pag-isipan mo muna." Sabi ni ate Shirly. Lumingon uli ako sa kanya at ngumiti.

"Sige ate sasama ako sayo." Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil alam ko ito rin ang gusto ng nanay ang makalimot ako..

Umaliwalas ang mukha nito.

"Huwag kang mag-alala Carlyn hindi ka namin pababayaan, tutulungan kitang maghanap ng trabaho."

"Salamat ate Shirly..." Ang swerte ko at may kapitbahay akong katulad nila. Kahit na may hindi magagandang bagay na nangyari sa akin. May mga mabubuting tao naman ang tumutulong sa akin...

Pinaalam ko kay Ramiasen ang balak ko nung una ayaw niyang pumayag pero ng sinabi kong mas mabilis akong makakalimot doon at magsimula ng bagong buhay ay pumayag din siya at dadalawin na lang niya ako, nagpaalam din ako kay Reese.

_________________

Ngayong araw na ang alis namin nilibot ko ng paningin ang buong bahay naaalala ko si nanay...

Binuhat ni Jack ang bag ko.

"Carlyn labas ko na to, hintayin ka na lang namin sa labas." Tumango na lang ako at nauna na itong lumabas ilang saglit ko pang tiningnan ang apartment, marami akong alaala dito.. Tiningnan ko si baby Travis na nasa bisig ko.

"Baby aalis na tayo ha... Pupunta tayong Davao... Duon magbabagong buhay tayo at duon kita palalakihin..." Sabi ko dito. Bigla naman itong ngumiti sa akin. Napangiti ako at naglakad na papunta sa pinto. Papalabas na ako at sinulyapan pa sa huling beses ang bahay bago ako tuluyang lumabas..

__________________________

"Ito ang bahay namin, Carlyn halika pasok ka. Huwag kang mahiya." Sabi ni Aling Siony. Nginitian ko sila. Simple lang ang bahay gawa sa bato at dalawang palapag ito. Pumasok na sa loob ang mga anak nito.

Nang may lumapit na isang matandang babae at may pagkakahawig kay Aling Shiony.

"Nora kamusta na kayo dito.?" Yumakap si Aling Shiony sa babaeng tinawag niyang Nora.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon