CHAPTER 21 PART 1

7.5K 153 1
                                    

Hay! Hindi ako makatulog! Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Trace. Isang oras na ang nakalipas pero gising parin ako.

Napahawak ako sa tiyan ko at kinausap ang baby ko.

"Anak bakit ganun ang tatay mo? Sobrang sumpungin... Sana hindi ka maging ganun kasumpungin ha..." Sabi ko para akong sira na kinakausap ang anak ko para namang naririnig niya ako.

"Sana talaga...kapag sinabi ko sa kanya ang totoo... Matanggap ka niya.." Habang naiisip ko ang bagay na iyon, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Trace.

Nung una kong malaman na buntis ako parang ayaw kong sabihin sa kanya dahil baka hindi niya tanggapin, pero ngayong nakikita ko uli yung mabait na Trace, nagkakaroon ng pag-asa sa puso ko na baka matanggap niya ang anak ko.

Namaluktot ako sa sofa ang lamig dito sana man lang may kumot.

Habang iniisip ko ang maaring mangyari pag nalaman niya ang totoo. Nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako, pakiramdam ko nakalutang ako, sa inaantok na diwa medyo idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Trace na buhat ako, hindi ito nakatingin sa akin.

Napangiti ako, lagi na lang talaga laman ng panaginip ko si Trace. Pumikit na lang ulit ako at nakatulog.

Nagising ako sa pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. Nag-inat ako. Grabe ang sarap ng tulog ko binuhat daw ako ni Trace at inilagay sa kama niya!.

Napatingin-tingin ako sa paligid at napangiti ng makitang nasa kama niya ako.

Nananaginip pa rin ako ano ba yan, niyakap ko ang isang unan na kalapit ko. Hay... Ang gandang panaginip naman nito at pumikit uli.

Mga ilang saglit pa, tuluyan na akong napamulat ng mata.

Teka lang! Totoo ba to?" Bumangon ako at tiningnan ang buong paligid.

Hindi nga panaginip! Totoo ngang nasa silid ako ni Trace! Pero wala siya dito.

Napatingin ako sa kumot na nakatakip sa akin. Napangiti ako, ibig sabihin totoo ngang dinala niya ako sa kama niya at hindi lang iyon, kinumutan pa!

Sobrang kinikilig ako. Tumayo ako sa kama at gusto kong tumalon. Nang matigilan ako.

Oo nga pala yung baby ko baka mapaano ako.

Nahiga uli ako at nagpagulong gulong sa kama tapos naupo ako at kinuha ko yung unan niya at inamoy. Hay... Yung amoy niya napaglilihian ko eh, itong baby ko talaga tatay pa niya napaglihian niya eh ang sungit nun. Napangiti na lang ako.

Patuloy lang ako sa pagsinghot ng unan niya. Nang marinig kong may tumikhim.

"Ehem! What are you doing?"

Naninigas ako sa pwesto ko at unting-unting lumingon. Gusto ko ng lumubog o maglaho sa harapan nito.

Nakakahiya! Nakita niya ang ginawa Kong pagsinghot sa unan niya!!!??

Pakiramdam ko pati talampakan ko namumula. Napalunok ako. Dahan-dahan kong ibinaba ang unan niya.

"Ka-kanina ka p-pa b-ba dyan?" Nauutal kong tanong pero hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Bakit mo sinisinghot unan ko?"

Sana talaga panaginip na lang ito!!! Sobra-sobrang kahihiyan!!

Nag-isip ako ng idadahilan.

"Ah, ka-kasi tini-tingnan k-ko ku-kung madumi na" sabi ko sabay lunok.

"Really?" Naniniguradong tanong nito sa itsura nito ngayon parang hindi ito naniniwala. Hindi ko rin mabasa nasa isip nito. Ang galing talaga mag poker face nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon