CHAPTER 12

8.4K 172 1
                                    

Sabado Nandito ako ngayon sa labas ng pinto ng Condo ni Trace.7:00am ako pumunta.

Nakasuot ako ng white t-shirt at maong na pantalon na medyo kupas, 30mins na akong nakatayo panay ang doorbell ko pero walang nagbubukas another 5mins pinagbuksan na ako ni Trace ng pinto halatang bagong gising.

Gulo-gulo pa ang buhok nito at nakapikit pa. Minulat nito ang isang mata ng makilala ako, pinapasok niya ako sa loob.

Tapos ay dumiretso na ito sa kwarto nito hindi man lang ito nagsalita, sinundan ko siya at nakita kong nakadapa ito sa kama at tulog na tulog.

Hinanap ko na yung mga panglinis niya at nagsimulang maglinis.

Hindi naman mahirap maglinis sa bahay niya nalilibang pa nga ako kasi ang gaganda ng gamit niya. Pati loob ng kwarto niya nilinis ko pinalitan ko rin ng kurtina. Buti na lang madali lang mahanap ang mga gamit niya dito sa condo.

Hindi ko naman mapalitan ang bedsheet niya kasi tulog pa siya. Natapos ako ng mga 9:00am saglit lang ako natapos mga dalawang oras lang.

Sumilip ulit ako sa kwarto niya tulog pa rin siya. Naisip ko ano kaya kung ipagluto ko siya? agad akong pumunta sa kusina.

Kumuha ako sa ref ng bacon, hotdog at eggs nagsimula na akong ipagluto siya ng breakfast.

Nang tapos na ako inilagay ko ito sa plato at inihanda na sa mesa. Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.

"What are you doing?" narinig kong sabi ni Trace bigla akong napaharap nasa likod ko na pala siya isang dangkal lang ang pagitan namin.

Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Napayuko naman ako hindi ko talaga kayang salubungin ng matagal ang mata niya...

Ganun ba talaga pag may gusto ka sa isang tao parang ang hirap niyang titigan sa mata?

"Nagluto ako ng breakfast mo kumain ka na..." sabi ko.

Nilagpasan ako nito at pumunta sa upuan at nagsimula na itong kumain. Ako naman nakatayo pa rin sa harap niya, nahihiya naman akong magsalita para magpaalam na aalis na ako.

"Why are you still standing there? Come on sabayan mo akong kumain.." sabi nito habang kumakain.

Nagulat ako. Si Trace inalok akong sabayan siyang kumain!?

Bakit? Si Trace ba talaga ang nasa harapan ko? Baka naman may kakambal siya? Tumingin ito sa akin ng hindi pa rin ako kumikilos.

"Mukha kang tanga dyan, kumain ka na dito at may iuutos pa ako sayo para may lakas ka pa mamaya.

Mukhang hindi ka pa nag-aalmusal mamaya mag collapse ka na lang bigla marami ka pang gagawin" si Trace.

Ah kaya pala gusto akong kumain kasi marami pang iuutos...

Oo nga naman mamaya magcollapse ako bigla eh di hindi ko nagawa ang utos niya.

Hays... Kumuha pa ako ng isang plato at kumuha na ng pagkain at sinabayan na siya. Sinusulyapan ko siya habang kumakain.

Nakakatuwa lang na kasabay ko siya sa pagkain naiimagine ko tuloy na mag-asawa kami wala namang masama imagine lang naman hindi naman ako naghahangad na maging kami, libre lang naman mangarap, napatingin ako sa labi niya...

Napalunok akong bigla ng maalala na naman iyon... Nakita kong napatingin siya sa akin agad akong nag-iwas ng tingin, nakakahiya! nahuli niya akong nakatingin sa kanya!.

Buti na lang hindi ito nagkomento. Sinulyapan ko uli siya. Napapatulala na naman ako sa kanya.

"Trace kamusta na kayo ng girlfriend mo yung kasama mo dun sa kwarto sa school?" maski ako nabigla ako sa tanong ko bakit ko ba naitanong iyon? Oo kanina ko pa naiisip na itanong iyon at sana ang sagutin niya wala lang sila ng babaeng yon.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon