CHAPTER 45 PART 1

8.5K 164 0
                                    

Habang nasa meeting ako. Naalala ko parin ang nangyari kahapon nang makita ko ang box na may lamang patay na pusa.

Hanggang sa matapos ang meeting ay yun pa rin ang nasa isip ko.

"Maam you have lunch meeting with Mr. Crisostomo at 12:00pm and to the Japanese investors at 2:00pm" sabi ng secretary kong si Heizel habang papasok kami sa office ko, naupo ako sa executive chair ko. Sumandal ako at pumikit.

"I want another vacation..." Sabi ko kahit nakapagbakasyon na ako dahil na rin sa tensyon kaya gusto kong magrelax. narinig ko ang mahinang hagikhik ni Heizel. Kasundo ko si Heizel secretary na siya dito nung una pa lang akong umapak sa company namin, mabait ito at madaldal dahil na rin siguro na maganda ang sense of humor nito kaya ko siya nagustuhan at magaan na ang loob ko sa kanya at kaibigan na ang turing ko sa kanya..

"Maam malapit na kayo makapagrelax! Ilang araw na lang!" Napamulat ako ng mata at napakunot ng noo.

"Ha? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Nalimutan mo ma'am?!" Nanlalaki ang matang sabi nito. Napaayos ako ng upo at isinandal ko ang siko ko sa table habang nakatingin sa kanya.

"Ma'am boracay?" Nakataas pa ang dalawang kamay nito habang sinasabi iyon. Hindi ako nagsalita at nakinig lang. Ibinaba nito ang kamay at yumuko bago tumingin muli sa akin.

"Ay...hindi mo nga naalala dahil anniversary ng company diba? Kaya lang naisip ni sir Kenshin sa boracay na lang natin icelebrate ang company anniversary para lahat mag-enjoy." Nagsalikop ang dalawang kamay nito at tumingala habang kumikislap ang mga mata. "Maraming gwapo sa boracay! Waaah! Mabubusog na naman ang mata ko sa magandang tanawin!" Impit na tili nito napangiti na lang ako. Oo nga pala may tour nga pala kami.

"Ma'am balik na po ako sa table ko." Paalam sa akin ni Heizel. Nginitian ko siya at tumango.

"Okay, you can go back" tapos ay yumuko na ako at sinimulan ang trabaho ko.

Hindi pa tumatagal na lumabas si Heizel ng bumalik muli ito.

"Oh? Anong problema? May nakalimutan ka ba?" Tanong ko sa kanya nakangiti sa akin ito ng nakakaloko at nasa likod ang mga kamay nito.

"Hmm... May delivery ka" sagot nito. Tumaas ang isang kilay ko at inilabas nito ang tinatago nito sa likuran may hawak itong botique of roses. Napangiti ako. Si Brian talaga!

Inabot niya ito sa akin.

"Maam, haba ng hair ha! Sinong nagpadala? Yun bang pumunta dito kahapon? Sino sa dalawang gwapong yon? Yun bang si mr.goody ang gwapo nun!" Patungkol nito kay Brian "oh yung isa mukhang masungit pero napakagwapo at super hot!" Patungkol naman nito kay Trace. Halatang kinikilig.

Umiling iling ako at tiningnan ang card. Natigilan ako sa nabasa ko at inilapit ko sa mukha ko kung tama ba ang nabasa ko ngayon.

'Your so hot on your office attire sweetheart but I prefer to see you wearing that clothed by myself and I hate it when some men drooling on your body I want to kill'em all...'

From: Trace

P.S: I LOVE YOU...

Namula ako sa nabasa ko. Kahit wala si Trace at hindi mismo siya ang nagsabi ng mga sinulat niya pakiramdam ko nandito siya at sinasabi sa akin ang bagay na ito.

"Uy! Anong sabi ma'am? Kanino daw galing?" Tanong sa akin ni Heizel agad kong sinara ang card.

"A-a w-walang pa-pangalan eh at saka have a nice day lang ang nakalagay.." nauutal kong sabi.

"Bagong admirer!?" Hindi ko siya sinagot.

"Naku wala na akong masabi ang gwapo ng mga papa mo, sige na nga labas na ako ma'am" paalam nito.

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon