CHAPTER 44 PART 2

8K 156 0
                                    

"Carlyn there's something bothering you?" Tanong sa akin ni Brian. Nag-angat ako ng tingin at nginitian siya. Kanina ko pa naiisip si Trace, simula ng iwan namin siya sa office ko.

Kahit kumakain na kami siya pa rin ang tumatakbo sa isipan ko.

Ano kayang ginagawa niya ngayon?

"Nothing...may naalala lang ako..." Simpleng sagot ko.

"Akala ko naiisip mo siya" napakunot ako ng noo. Ewan ko lutang ang isip ko para marecognize agad ang sinabi niya.

Nabasa naman nito sa mukha ko na hindi ko siya maintindihan ngumiti ito sa akin.

"That man on your office"sagot nito tsaka ko lang naunawaan.

"N-no... Hindi ko siya naiisip bakit ko naman siya iisipin ano bang pakielam ko sa kanya? Bahala siya sa buhay niya" sagot ko. Masyado yata akong nagreact sa sagot ko, kaya tiningnan ako nito na parang binabasa ang laman ng isipan ko.

"I feel that there's something between you and that man"

"You know, let's just eat nandito tayo para kumain at mali ang iniisip mo, huwag na natin pag-usapan ang bagay na yan.." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain hindi na ito nagkomento pa at nanahimik na lang.

"Carlyn can I court you?" Natigilan ako sa pagsubo at napatingin sa kanya.

"What?"

"I said can I court you, lagi ko namang sinasabi na I like you and I really do... So please give me a chance..."

Natahimik ako at ibinaba ko ang kubyertos.

"B-Brian... I like you..." Nagliwanag ang mukha nito. "But... Hindi katulad ng nasa isip mo... I like you as a friend..." Nakita ko ang bahid ng lungkot sa mata nito pero kailangan kong maging totoo sa kanya ayokong paasahin siya sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya... Ang puso ko....

"Im happy when Im with you, you made me laugh... And your special to m-----"

"But not as special as the man you love in your past... Are you still love him? Even that he hurt you?" Alam kong pinatutungkulan nito ay ang ama ni Travis. Hindi nga lang niya alam na si Trace ang lalaking iyon...

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.

"I hate to say this... But... Yes... Kahit sinaktan niya ako ng maraming beses... Mahal ko pa rin siya.." Amin ko sa kanya.

"What if kung hanapin ka ng lalaking iyon babalik ka pa ba sa kanya?" Tanong nito. Hindi... Hindi ko na kayang ipagkatiwala ang sarili ko at masaktan dahil hindi na lang ako ang masasaktan maging si Travis ay masasaktan din...

"No! Hindi ibig sabihin na mahal ko pa rin siya ay tatanggapin ko na siya sa buhay ko, marami akong pinagdaanan ng nag-aaral pa ako dahil sa kanya.. Maraming masasakit na bagay ang nangyari... Pero kinaya kong lahat iyon dahil sa mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin... Ngunit akala ko hanggang duon lang ang paghihirap ko,ngunit namatay ang kinilala kong ina... Sobrang sakit... Siguro kung hindi ako buntis kay Travis baka di ko kinaya ang lahat at kung ano na ang nangyari sa akin... Ginawa ko ang lahat para mabuhay kami ng anak ko... Pitong buwan na siya sa sinapupunan ko pero nagtatrabaho pa rin ako para sa kanya.. Para sa panganganak ko... Hanggang sa manganak ako pakiramdam ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko naglaho ng parang bula... Nang masilayan ko ang anak ko... Lalo akong nagpursige para mabuhay kaming dalawa isinama kami sa Davao ng kaibigan ng nanay at duon ako nagsimula muli..." Nakikinig siya sa kwento ko. Magaan na ang loob ko sa kanya kaya ikinuwento ko ang nangyari sa akin. "Pero hindi pa pala don natatapos ang lahat... Nagkasakit ang anak ko... At nahihiya na akong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko lalo na kay Ramiasen dahil sa simula pa lang na pinagbubuntis ko si Travis laging siya ang tumutulong sa akin... Hanggang sa... Magkita kami ng ama niya, hindi maganda ang nangyari sa muli naming pagkikita... Ibinaba ko na lahat kinalimutan ko na ang hiya at dignidad ko para maipagamot ang anak ko kahit inalis na niya ang katiting na respeto na natitira sa sarili ko... Ginawa ko parin wala na akong pakielam sa iisipin niya... Hanggang sa makilala ko ang pamilya ko at tinulungan nila ako at ginabayan hindi nila ako pinabayaan..."

UNEXPECTED YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon