huling kabanata

154 6 3
                                        

Sobrang lamig ang bumabalot sa katawan ko, ni hindi ko rin maramdaman ang mga kamay at binti ko kaya pinilit kong buksan ang mga mata ko at halos masilaw ako sa tumambad sakin na liwanag, hindi pa naayos ang paningin ko ng may na aninagan akong gumagalaw malapit sakin.

marahil ay patay na nga ako dahil sana tabi ko ang taong mahal ko, si juan. Ngunit hindi ito naka tingin sakin kundi sa hawak nyang maliit na bagay na nakabalot ng puting tela.

"Mahal." Mahinang sambit ko, ngunit hindi man nya ako binalingan ng tingin. Muli akong pumikit ng ilang sandali at parang naririning ko na ang mga boses sa paligid ko, kaya dahan dahan ulit akong nagmulat ng tingin, ng ilang segundo ay malinaw na ang nakikita ko, puting kisame, may ilaw? Medyo pamilyar sakin ang lugar pero..

"Tawagin mo ang iyong kapatid tan! Sabihin mo gising na si luna." Tita Marie? Si tita marie nga.

Nakabalik nako? Pero paano? Tulala man ay pinilit kong binabalikan kung bakit ako nandito, ang naalala ko ay nasa sasakyan kami at hinahabol kami ng mga guardang sibil. Pero kung nakabalik nako, paano sina kuya?

"S-sina kuya po?" Kasabay ng pag hagod ko sa aking tiyan. "N-nanganak na po ba ako?"

Narining ko ang pagbukas ng pintuan at pumasok nga si kuya cloud. Mukang naka duty sya ngayon dahil na rin sa suot nya.

"Luna.." masayang bati sakin nito."Napilitan akong i-cs ka dahil pumutok na ang panubingan mo at wala ka rin malay kaya hindi mo nakayang inormal delivery ang kambal mo." Huh? Kambal?

Hindi pa nga ako nakapagsalita ng bumukas ulit ang pintuan, sakay ng wheelchair si kuya joselito, na puro pasa, nasa likod naman nya si maria sa tabi rin nito si Manuelito na medyo iika ika pa.

"Nakita ka ni uno sa lumang bahay, nandon kasi sila ni lola conching at sinusubukan ngang buksan ang portal para makabalik ka, nagtagumpay nga sila pero hindi nakayanan ni lola conching kaya... p-pumanaw na sya." Paliwanag sakin ni kambal. Ibig sabihin si lola ang dahilan kaya nakabalik kami? At si uno pala ito? akala ko si juan.

"Pero wag kang mag-alala alam kong masaya si lola conching dahil nakabalik ka luna." Si uno "kung kaya mo nang maglakad pwedi mo silipin, naka burol pa naman sya, dumalaw lang ako rito para tignan ang mga pamangkin ko." Wala na si lola conching? At si uno nga ito..

"Baka hindi rin sya makadalaw dahil nga kapapanganak lang nya." Si tita Marie.

"Pero need nyang tumayo ngayon ma, mukang okay naman din sya kailangan ko munang lumabas para i check ang ibang pasyente." Lumapit sakin si kuya cloud at ramdam ko ang pag halik nya sa akin ulo. "Need mong umupo ha, babalik ako mamaya. Sobrang pinag-alala mo kami. Namiss ka namin." Yakap nito sakin.

"Kailangan ko na rin bumalik, pero pwede ko ba ulit dalawin ang mga pamangkin ko kapag nakalabas kana?" Si uno na nakatingin sakin. Napakagat nalang ako ng labi dahil nakikita ko talaga si juan sa kanya, dahil nga kakambal nya to. Ni hindi ako nagtagumpay sa promise ko sa kanya na isasama ko si juan dito kung saang panahong sya dapat.

"S-sorry uno." Kita ko ang gulat sa kanya muka dahil siguro nakita nya ang pagtulo ng luha ko.
Add
"A-ano kaba, naikwento na nila sakin. M-mahirap pero tangap ko na luna, siguro sa susunod nalang tayo magkwentohan " Muli syang nagpaalam samin tsaka na umalis.

"G-gusto ko pong makita ang mga anak ko." Mabilis akong hinawakan ni tita marie at inalalayan upang makaupo. Si maria naman ang naglapit sa dalawang batang mahimbing na natutulog.

Halos maluha rin ako ng hawakan ko ang kamay nila, "maraming salamat po panginoon at walang nangyareng masamasa sa kanila."

Habang pinagmamasdan ko sila ay naalala ko ulit si juan ng minsan namin mapagkwento kung ano nga ang ipapangalan namin sa anak namin kung babae o lalake, at dahil nga dalawa ang anak ko, isang babae at lalake ay hindi nako nahirapan mag isip pa. Natawa ako sa isip ko dahil sa gustong pangalan ni juan, yung daw dapat magkatugma sakin, okaya naman ay tungkol rin sa kalikasan, wag daw yung pangalan nya, na napag-awayan pa namin noon dahil gusto ko ay juan jr, pero sya ayaw na ayaw nya.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon