espesyal na kabanata

90 8 0
                                        

"tito dada!!" Malakas na sigaw ni sky sabay takbo papunta kay Manuelito. Si heaven naman ay hawak parin ang kamay ko.

"Kumusta ang aming munting princesa?" Sabay karga kay sky. Agad na humalik si sky sa pisngi nito eto naman ay kinurot ang pisngi, medyo malaki kasi ang pisngi ni sky kaya ang sarap pang gigilan, parang siopao.

"Ready na kayo?" Tanong nito ng makalapit ako sa kanya. Nagmano naman si heaven sa kanya.

"Opo ready na kami, I'm so excited to see baby caleb." Si sky na patili tili pa.

"Sky! You're so maingay nakakairita yung boses mo!" Si heaven sabay hawak ulit sa kamay ko.

"Ingit ka lang palibhasa panget boses mo, ako maganda!"

Napahilamos nalang ako ng muka dahil nag uumpisa nanaman magbangayan ang dalawa. Kung ano kinaingay ni sky ay syang ikinatahimik ni heaven, magkambal sila paro nagkasalungat ang ugali.

"Anong sabi ko sa inyo?" Si Manuelito at ibinaba si sky. Napayuko naman ito at ganon di heaven.

"I'm sorry po tito dada hindi ko napo aawayin si sky, but please tito tell her na pakibawasan ang pagiging madaldal nya."

"Sky?"

"I'm sorry, but this is me.. maganda naman ang boses ko tsaka im not madaldal kuya heaven."

"Yeah you're not madaldal, malakas lang ang boses, like you're mommy." Si Manuelito na ginaya pa ang boses ng anak ko. Tsk!

"Aba! Bakit nasali ako? Ang tahimik ko nga rito." Tumawa lang ang isang to at hinawakan ang dalawang anak ko.

"Oo na, tara na. Baka nandon na lahat sila."

Limang taon na ang lumipas ng makabalik na nga kami rito, at sa limang taon na yon, naging maayos ang lahat. kasama ko sa bahay si kuya joselito na abogado na ngayon, si maria at kambal naman ay kinasal na nakalibas ang dalawang taon na pananatili nga namin rito, at nagbunga agad ang pagmamahalan nila, si baby caleb nga. Ako naman at si maria ay natuloy ang negosyo namin, sinwerte kami dahil may tatlong branch na kami ng "tres marias".

Si Manuelito ay sya lang naman ang  nagmamange ng mga hotel and restaurant nina tita, hindi nako magtataka kung sa kanya ipapana nina tita ang mga ito dahil nga sa galing nyang mag handle.
Busy parin syang tao pero bilid rin ako sa kanya dahil laging may time pagdating sa mga anak ko.

"Tito uno is there mommy?" Tanong ni heaven sakin ng nasa sasakyan na nga kami.
Nag-aya kasi si kuya cloud na kumain daw kaming lahat sa labas. Kaya sinundo kami ni Manuelito.

"Yes anak, baka nandon na yon." Naging close na rin kami ni uno dahil lagi nya rin binibisita ang mga bata.

"Mommy, i have a question po."

"Yes anak?"

"D-do you like tito uno? Because i saw you..binigyan mo sya ng flower and a gift." Halos napangnga ako sa diretsong tanong ng anak ko, like talaga? Aba kabata bata bakit alam nila ang nga ganon?

Sasagot na sana ako ng magsalita naman si heaven.

"There's nothing wrong about that sky, ayaw mo bang magkaroon ng daddy?" Four years old palang sila Bakit ganyan yung usapan nila?

"I want, but mas gusto ko si tito dada maging daddy, kahit kambal ni tito uno si papa juan. I don't like him to be our dad." Nakasimangot sa saad nito.

"Tama na yan." Saad ko sa kanila. Alam ko naman naman na kahit nandito ako at marami silang tito ay maghahanap parin sila nag tatay, kaya nga kahit bata pa sila at sinabi kong maayos ang nangyare sa tatay nila, pwera lang doon sa pagpunta nga sa ibang panahon.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon