MISSION #01

47.3K 804 137
                                    

NOTE: Mayroon lang akong binagong word dito. Sorry sa mga na-offend sa F-word na 'yon.:)

- shnmtc

_____________________

MISSION #01

STEP 1: Know who's your target-Mr. Homophobe, before starting your plan.

[JOEL:]

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, kaya nga siguro hindi rin maayos ang gising ko ngayon. Kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari mamaya. Pilit ko mang ibaling ang atensiyon ko sa ibang mga bagay, hindi ko magawa.

Alam niyo ba kung bakit?

Makikita ko na naman ang supposedly, ang taong kinatatakutan ko-si Papa.

Isang sundalo kasi si Papa, kaya lumaki kaming tatlong magkakapatid na busog sa pangaral at tamang pagdidisiplina. Ngunit, hindi sa parte ko.

Mula nang umamin ako, mainit na ang ulo sa akin ni Papa. Ang alam ko lang, ayaw niyang magkaroon ng kahihiyan sa pamilya namin-na ako nga. Lahat, ginawa ko, para bumawi at ipakita sa kanya na kahit bading ako, p'wede pa rin niya akong ipagmalaki.

Pero, ano?

Tila invisible lang ito sa kanya.

Wala namang magawa noon si Mama, kung hindi ang damayan na lang ako at ihingi si Papa ng tawad sa akin.

"Anak, huwag mo na lang pansinin ang Papa mo, ah? Hayaan mo, ipakita mo lang na worth it ka sa pagmamahal niya.." Iyan ang laging litanya ni Mama sa akin.

Hay! Nagda-drama na naman pala ako.

Tumayo na ako noon kahit parang mabigat ang katawan ko. Hindi pa naman ako mahuhuli sa klase. P'wede pa akong mag-relax. Agad akong tumungo sa banyo for my daily routine. As usual, dinala ko na naman ang phone ko sa loob para kahit paano, ma-uplift ang mood ko. May pakanta-kanta pa akong nalalaman noon, kahit na hindi ko naman alam ang exact lyrics ng kinakanta ko. Nang matapos ay agad na rin akong nagsuot ng magiging uniform ko for my last year of being a high school student.

Patapos na ako noon nang may kumatok. Napailing na lang ako noon dahil 101% sure ako kung sino 'yun. Agad ko itong sinilip sa peephole. Tama nga ako.

Si Jonathan, nakakabata kong kapatid.

Kinuha ko muna ang bag ko bago ko siya pagbuksan ng pinto.

"Good morning, Kuya!" Agad niya akong niyakap-tulad ng lagi niyang ginagawa. Good thing is, pareho na kaming naka-uniform.

"Nasa loob, kunin mo na," natatawa kong sabi. Paano, manghihiram na naman ito ng bonnet.

Nga pala, kolektor ako ng mga bonnet. Hindi lang halata, pero kapag umaalis ako sa bahay, lagi akong may suot na gano'n. Siyempre, except kapag nasa school ako.

"Si Kuya naman, oh," maktol pa niya. "Siyempre, hindi lang naman bonnet ang kailangan ko, 'no?"

Kumunot naman ang noo ko. "E, ano pa?"

"Siyempre, pati ikaw, Kuya! Labs kaya kita!" At niyakap pa niya ako nang mas mahigpit.

"Sus! Pabebe ka talaga, 'tol! Labyu, ah?"

"O, tara na. Magtampo pa si Cassie 'pag nakita tayo no'n," natatawa kong sabi.

Inakbayan naman ako ni Jonathan at sabay na naming tinahak ang hagdanan pababa. Doon ay nasalubong namin sina Mama at Cassie-bunso namin. Naghahanda na noon si Mama ng agahan namin habang kumakain na rin ang bunso namin. Nang makita kami ay binati nila kami.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon