MISSION #05

20.1K 648 36
                                    

MISSION #05

[JOEL:]

Nagising ako kinabukasan sa lakas ng tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-silent mode kagabi. Nagising din noon si Jonathan.

"May lakad ka, Kuya?" tanong niya sa akin habang kinukusot-kusot ang mga mata.

"Oo, e. Gagawa kami ng project." Agad kong tiningnan kung sino 'yung istorbo sa tulog ko.

Alam niyo ba no'ng nakita ko kung sino? Aba naman!? Biglang taas ng blood pressure ko! Letsugas na Jake Pangilinan na 'yan!? Ang aga-aga pa, nang-iistorbo na!

"Napaano ka!?" mataray kong sagot sa kanya sa kabilang linya.

"Sinisiguro ko lang na magigising ka ng maaga, bakla," nakaangil din niyang sagot.

"Aba naman, Jake! Alam ko kung ano'ng oras ako pupunta sa meeting place, kaya huwag mo akong guluhin!" Beast mode na beast mode ako noong mga oras na 'yun. Aba, siyempre! Tinawagan niya ako para lang i-remind sa akin ang meeting namin mamaya!? Bwisit!

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at in-end ko na iyon. Bastos? Nah, hindi naman. Respect begets respect, guys! Deserve kong irespeto ng iba dahil marunong akong rumespeto. Pero, sa mga katulad ni Jake? Nah uh! Hindi ko sasayangin ang effort ko para sa kanya! At since hindi ko na mabawi ang tulog ko, inanyaya ko na lang si Jonathan sa baba. Panigurado, nasa baba na rin si Mama.

Sakto naman at nakaluto na siya noon ng agahan, kaya agad na kaming pumwesto roon.

"Good morning, Ma!" bati namin ni Jonathan sa kanya.

"Morning. Teka, ba't pala sumisigaw ka, anak, kanina?" usisa naman niya sa akin.

Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kanya noon. "Uhm, nakakaurat po kasi 'yung kaklase ko. Hindi ako na-inform na nabago ang time ng meet-up namin ngayon. And, speaking of, Ma, may meeting po kami ng 9 AM. Tatapusin lang po 'yung project namin sa Trigo," paalam ko na rin.

"Basta huwag kang magpapagabi, anak," nakangiti naman niyang sagot sa akin.

"Thank you, Ma." Sabay yakap sa kanya.

______________________________________________________________________________

At exactly 8:10 AM, umalis na ako sa bahay. Mahirap na at masigawan na naman ako ng kupal lord na si Jake. Grabe, badtrip na badtrip na ako ngayon. The eff lang kasi, e. Parang akala mo, iindiyanin siya. Mabuti na lang talaga, hindi masyadong matrapik. Natanaw ko pa nga noon sina Justin at Michael sa McDo malapit sa kanila, e. Mukhang naka-trip ang dalawang 'yun na magbisikleta. Nang makarating sa city proper ay agad ko nang tinungo ang 7 Eleven. Pumasok muna ako sa loob, para bumili ng makakain. Mayroon kasi akong pakiramdam na baka hindi ako pakainin ng tanghalian ng kupal na 'yun. At least man lang, 'di ba? Hindi ako gutumin doon. Mga five minutes before 9 ay nakita ko na siyang patungo rito sa kinauupuan ko.

"Bastos ka rin, 'no?" Nakaangil na naman siya ngayon. Letsugas na 'yan.

"E, sa bastos ka rin, e." Hindi ko nga nilingon.

"Tss, tara na nga! Tapusin na natin itong punyetang project na 'to!"

Nauna na siyang naglakad noon. Tama lang 'yun  dahil ayaw ko siyang makasabay. Makita ko pa nga lang ang pangalan niya sa phone ko, nabi-beast mode na ako, sa presensya pa kaya niya?

"Ano pa'ng tinatanga mo riyan? Sakay," aniya. Hindi ko napansin na may dala pala siyang motor.

Hindi ko alam kung sasakay ako o hindi. E paano naman kasi, may tendency na baka ihulog niya ako basta-basta. Isa pa, homophobe nga siya, 'di ba? Paano naman kaya 'yun?

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon