MISSION #39

12K 339 47
                                    

May naughty scene po dito kaya beware. Don't worry, hindi naman siya level 2. HAHAHA. Enjoy reading!

Si Jairus Aquino po ang Imaginary Character ni Jonathan.:D

______________________________________________

MISSION #39

#BadBlood

[JOEL:]

Masama ang panahon kinabukasan, kaya agad pinasuspinde ang klase. Kaya pala maalinsangan ang panahon kahapon. Ngayon pala itotodo ang buhos ng ulan. At, since wala ngang pasok ngayon, tinodo ko na ang pagtulog. Ganoon din naman ang ginawa ni Calvin, e. Halos tulog mantika ang gago. Kung sabagay, naging busy rin ito dahil kabi-kabila ang groupworks nila, na most of the time ay siya ang leader. Parang reward na rin niya iyon sa kanyang sarili.

Agad na rin akong bumaba nang tuluyan nang magising. Sakto at naabutan ko sa sala sina Mama at Cassie na kasalukuyang naghahanda ng agahan.

"Good morning, Ma. Good morning, Cassie," bati ko sa kanilang dalawa.

"O, gising ka na pala. Maupo ka na riyan at mauna na tayong mag-agahan. Pupunta kami ni Cassie ngayon sa Supermarket para mag-grocery," aniya.

"Maulan po ngayon, Ma?" sabi ko naperpo Aba, siyempre, baka mapaano pa sila sa daan.

Magsasalita pa sana si Mama nang biglang sumabat si Calvin na kakababa lang galing taas.

"P'wede po ba akong sumama?" aniya.

Without hesitation, tumango si Mama. "Sure, Calvin. For now, kumain na muna tayo ng agahan. Cassie, tawagin mo na si Jonathan para sabay-sabay na tayong lahat," utos ni Mama kay Cassie-- na agad naman nitong sinunod.

Ilang saglit pa ay kumpleto na kami sa hapag. Saglit kong pinagmasdan noon si Jonathan. Ang tahimik kasi nito these past few days, e. Ayaw ko namang tanungin dahil may bad blood pa nga kami. Baka magsabi na naman siya ng kung anu-ano. Napansin ko rin na hindi nito gaanong hinahawakan ang cellphone nito. Nakakapagtaka naman kasi iyon dahil bukod sa bola ng basketball ay cellphone ang isa sa madalas kong makita na hawak niya. Pero, gaya nga ng sabi ko, pinili ko na lang na huwag mag-usisa. Matapos kumain ay nagpaalam na sina Mama at Cassie para makapagbihis. Sumunod na rin noon si Calvin na kakatapos lang din noon na mag-agahan. Bale, kami na lang ni Jonathan ang nasa hapag-- dahil para magkaroon ng awkward moment sa pagitan namin. Hindi ko na tuloy siya magawang mapagmasdan man lang. Agad ko na ring tinapos noon ang pagkain ko at nagpunta sa lababo para hugasan ang mga nakatambak na mga plato't kaldero roon.

"Bro, pahiram ng isang bonnet, ah?" Napapitlag ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Si Calvin iyon, obviously. Alangan namang si Jonathan?

"Nyemas ka naman, Calvin. Hindi mo kailangang manggulat," mahina kong sabi sa kanya. Baka marinig pa ni Mama. May pagka-disciplinarian pa naman iyon.

"Sorry na. Uy, akala niya si Jonathan," asar pa ng loko.

Loko talaga 'to. Parang may sinabi ako, ah?

"Loko. Manahimik ka na. Sige na, basta ingatan mo, ah?"

Nagpasalamat naman siya sa akin, bago ako tuluyang iwanan. Agad din naman akong natapos doon kaya agad akong umakyat sa kwarto para kunin ang hoodie ko. Kanina pa talaga ako nilalamig. Hindi lang halata. Hahaha! Anyways, pabalik na sana ako ulit noon sa baba nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkatingin roon, naningkit bigla ang mata ko. Paano, 'yung dakilang kupal na naman! Jusmiyo, ano na naman kayang kailangan nito sa akin!?

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon