MISSION #45

13.7K 359 77
                                    

MISSION #45

#MakingMoves

[JAKE:]

“Kanina ka pa tulala riyang kupal ka? Ano ba’ng problema mo?”

Napapitlag ako ng bigla akong tapiking ni Joel sa balikat, dahilan para bumalik ako sa ulirat ko. Tss, hanggang ngayon, ‘yung pag-uusap pa rin namin ng gagong Vice President na ‘yun ang iniisip ko.

●~●~●~●~●

[Flashback:]

Tahimik kong tinahak ang kahabaan ng kalye sa amin. Alas-dos y media pa lang naman iyon ng hapon, kaya medyo mainit ang panahon.

“Oy, Jake! Saan ang punta?” tanong sa akin ng kababata kong si Armin. Kasama nito ang ilan pa sa aming mga kababata na naglalaro ng Basketball.

“Oo nga? Hindi ka na nakakasama sa liga natin,” dagdag pa nitong si Jimboy.

Tss, alam na nga nilang ayaw ko ‘yung masyadong nagbibilad sa araw, e. Maarte na kung maarte, gwapo naman.

“Next time na. Masyado akong busy, e,” palusot ko na lang.

“Sus, chikas lang ‘yan, e,” gatong pa ng iba naming kaibigan.

“Mauna na ako. Naghihintay na ‘yung kikitain ko.” Nag-wave lang ako ng kamay, saka umalis na.

Sakto namang naabutan ko siya sa labas ng McDo. Mukhang may kausap pa sa telepono. Tss, awtomatiko tuloy na napakunot ako ng noo dahil doon. Basta ‘pag siya ang pinag-uusapan, mainit na agad ang ulo ko sa kanya.

“Oy,” walang kagana-gana kong tawag sa kanya.

Agad naman siyang lumingon, saka nag-sign na tatapusin lang niya ‘yung call. Tss, ako pa talaga ang pinaghintay niya. Kung umuwi na lang kaya ako? Nang matapos siyang makapagpaalam ay saka niya ako hinarap.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon