Para sa lahat ng nagtatanong:
Wala po akong sinusunod na UP sched. As long as nakatapos ako ng isang chapter + internet connection, automatic na iyon na mag-u-UD ako.:)
Enjoy reading!
_____________________
MISSION #23
[JOEL:]
"Class, next week, mayroong gaganaping Mr. and Ms. Nutrition Month and we need at least a pair. Who's your choice?" anunsiyo ni Sir Andrada sa amin.
Bulung-bulungan ang sumunod na namayani matapos niyon. Aba, ito ang unang beses na kailangan naming mamili ng representatives para sa isang pageant. Ako nga noong third year, kiber lang sa ganyang mga events. Ni wala ngang sumasali sa amin sa mga ganyan, e. Ayaw din nina Justin, Kevin at Stephen sumali dati. Tch, anyways, nabigla na lang kami noon nang biglang nagtaas ng kamay si JD.
"Sir, 'yung kambal, p'wede doon!" aniya, with conviction.
Kahit ako rin noon ay napatango roon. Sino bang hindi, e deserving naman sila roon.
"Ayaw ko," biglang sabi ni Cielo noon. Mahina lang ang pagkakasabi niya noon, pero since katabi ko siya, narinig ko iyon.
"Sira, i-push mo na," sabi ko sa kanya. "Don't worry, number one supporter ninyo ako ni Ciara if ever."
"Nahihiya ako, Joel," ani Ciara.
Napakamot na lang ako ng ulo noon. Ano ba 'yan, masyadong mababa ang self-esteem ng kambal na 'to?
In the end, wala na rin silang nagawa kung hindi ang pumayag. Siyempre, after that, pinadiretso na sila ni Sir sa Auditorium. After that, nagkaroon kami ng activity na by partner. Since wala 'yung kambal at mukhang may ka-partner na ang lahat, no choice ako kung hindi ang harapin ang nag-iisang lalaki sa likod ko.
"Lipat ka rito," tawag ko sa kanya.
"Tss." 'Yan na naman siya sa tss niya. Lumipat na rin siya noon sa tabi ko.
In fairness dito kay Jake. Hindi na talaga niya ako sinusungitan. Well, minsan lang na lang, especially kung may katangahan akong nagawa. Aminado naman kasi ako, e. No need to deny it. Agad na rin noong pinamahagi ni Sir ang papel kung saan nakalagay ang magiging activity namin. Since English class kami kay Sir, more on tenses lang naman ang pinapagawa niya. Siguro, ang medyo mahirap lang doon ay 'yung part na kailangan naming gumawa ng short story na kung saan maipapakita ang paggamit ng mga verb tenses. Tch, bahala na si Jake doon. Hindi naman ako kagalingan dito, e.
"Ako na lang 'yung gagawa ng Activity A. Ikaw sa Activity B. Okay lang ba?" mahina kong tanong sa kanya.
"Oo, sige," sagot naman niya.
After fifteen minutes siguro nang matapos kami ni Jake. Sinigurado ko naman na tama 'yung mga pinagsasasagot ko. Kahiya sa almost one page na short story niya, e.
"Pabasa muna ng ginawa mo," ani ko sa kanya.
Nabigla na lamang ako nang bigla niyang ilayo 'yung papel niya. "Ayoko. Ipasa mo na 'yan."
Ano raw 'yun? Ang labo niya lang, ah? Kung hindi niya alam, magka-partner kami sa activity na 'to. At least man lang, 'di ba? Alam ko 'yung mga pinagsususulat niya roon. Tch.
"Damot," nakasimangot kong sabi sa kanya, sabay talikod.
"Tss, ayaw ko nang ipabasa sa'yo dahil walang kwenta mga pinagsusulat ko roon. Okay na?" sabi pa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)