MISSION #31

14.7K 398 38
                                    

MISSION #31

[JAKE:]

Gabi na rin noong nakauwi ako sa amin galing kina Joel. Doon na rin ako kumain ng dinner, gaya ng anyaya sa akin ng tatay ni Joel-- na si Tito Joselito. Alam kong naguguluhan sa kinikilos ko kanina si Joel, pero pinilit kong huwag sabihin ang lahat ng napag-usapan namin ni Tito. Bahala na si Tito na magsabi ng lahat ng iyon sa kanya. Hindi ko na nakuha pang kumain noong nakarating sa bahay. Naiintindihan naman ni Mama, since nagpaalam nga ako sa kanya kanina through text. Agad na akong umakyat noon sa kwarto ko para makapagbihis at makapagpahinga na. Sakto naman at tumunog ang phone ko. Sino kaya 'yung tumatawag na 'yun? Agad kong kinuha iyon para kumpirmahin. Tss, ano na naman kayang kailangan ng baklang iyon?

"Nakakainis ka!?" pauna niyang sigaw mula sa kabilang linya-- dahilan para awtomatiko kong ilayo sa tenga ko ang phone.

Tss, mukhang sinabi na sa kanya ni Tito.

"Hindi ako bingi!" pasigaw ko ring sagot sa kanya. Nahahawa na ako sa pagiging loud mouth niya. Tss.

"Wala akong pake. Ano 'tong sinasabi mo na boyfriend na kita!? Ha!?" pasigaw pa rin niyang usisa sa akin.

Tss, oo na. Tinutulungan ko lang naman siya doon sa nangyari kahapon. Wala kasi akong maisip na paraan, kung hindi ang mag-imbento. Tss, pasalamat siya at ginagawa ko 'tong pabor na 'to para sa kanya. Mukha namang epektibo dahil wala namang tutol si Tito sa amin, basta huwag na huwag ko raw sasaktan ang anak niya dahil kung nagkataon, baril daw niya ang makakaharap ko. Tss, takot ko lang.

"Napasubo ako sa Tatay mo, okay? Wala na akong maisip na palusot. Isa pa, huwag kang mag-inarte dahil hindi ka babae. Pasalamat ka nga at ginawan pa kita ng pabor, e," paliwanag ko sa kanya.

"So, ako pa ang dapat matuwa dahil naging boyfriend ko ang isang Jake Pangilinan  gano'n ba?" pasarkastiko niyang sabi. Tss, kung kaharap ko lang 'to, kanina ko pa ito hinalikan-- este, sinuntok, e. Tss, masyadong pabebe.

"Oo. Tss," nasabi ko na lang.

"Nababaliw ka na. Pa-mental ka na nga!" Bigla ba naman akong binabaan ng telepono?

Tawang-tawa ako noon habang tinatapos ang pag-aayos. Grabe, ginawa talaga niyang big deal ang nga nangyari. Nahiga na ako noon nang matapos. Agad kong kinuha ang phone ko para i-text siya.

To: Joel Mari Ballesteros
Isipin mo na lang na paraan ito para hindi matuloy ang plano nila sa'yo saka doon sa Calyx na 'yun. Good night, sweet heart. Hahahaha.>:D

Tss, nagiging weirdo na talaga ako. Hindi bale, kung ang gutom nga, lumilipas. Ito pa kaya?

______________________________________________________________________________

Maaga akong nakarating sa school kinabukasan. Dala-dala ko na rin noon ang portfolio namin ni Joel na ako lang ang tumapos. Hindi, ayos lang naman sa akin iyon. Hindi pa naman ako heartless para isisi o isumbat iyon sa kanya. Nabigla ako nang may maabutang estudyante sa tapat ng pinto ng Theater Room. Sa angas pa lang nito, hindi ko na siya makakasundo.

"Ano'ng kailangan mo?" maangas kong tanong sa kanya.

Nangisi naman siya. Aba, gago 'to, ah? "Dito ba ang home room ng IV - SSA-T?"

Maangas nga, bulag naman. "Sa tingin mo? Tss."

Again, nginisian na naman ako. "Naniniguro lang. Gusto ko lang makita agad ang pinakamamahal ko."

Doon pa lang, mukhang kilala ko na kung sino 'to. So.. ito pala 'yung Calyx na sinasabi ni Tito na may gusto kay Joel? Hindi hamak na mas gwapo pa ako sa kanya.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon