MISSION #34
#EpicFailDatePart2
[Calyx:]
"Ang bagal ninyo, ano ba!?" halos pabulong kong untag sa mga kasama ko
Actually, by chance lang ang pagkikita namin dito-- ako, sina Lala at Ciara, Keisha, Dylan (JD), at 'yung self-proclaimed boyfriend ni Joel na si Jake. Oo, sinusundan ko sina Joel at 'yung grumpy na Cielo na 'yun. Nag-aalala kasi ako dahil hindi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon. Iyon bang, parang any time, may gagawin siyang masama? Idagdag pa ang katotohanang isa pa siya sa kaagaw ko sa p'westong noong una pa lang ay akin na. Walang halong biro, minahal ko na si Joel dati pa lang.
"Calm down, CJ. Hindi naman sila mawawala sa landas natin," nakasimangot na sagot sa akin ni Lala.
"Tss," dagdag pa ni Jake.
"Sorry, nag-aalala lang," paghingi ko ng dispensa.
"Hindi naman gagawa ng masama si Kuya," sagot pa sa akin ni Ciara.
"Oo, alam ko, Cia. What I mean is, hindi ko maiwasang hindi mapraning kapag hindi ko nakikita ang dalawang iyon."
Si Keisha naman ang nagsalita. "Kalma ka lang, CJ. Hindi naman masamang tao si Cielo."
Gusto niyo bang malaman kung paano nagsimula itong kakaibang pakiramdam na ito?
Magkumpare ang mga tatay namin. Parehas kasing sundalo, kaya naging ganoon na ang turingan nila. One time, naanyayahan ang parehong pamilya namin sa isang pagtitipon, at doon ay una ko siyang nakilala. Sa totoo lang, ang buong akala ko talaga ay babae siya-- na tomboy. Masyado kasing feminine ang hitsura niya dati. Well, mga bata pa kasi kami noon, kaya wala pa 'yung tinatawag na pisikal na pagbabago. Naaalala ko pa, pinilit ko talaga sina Mama at Papa noon na sa St. Therese ako mag-aral ng highschool para makilala ko pa siya lalo. Hindi naman ako nagkamali roon dahil unang araw pa lang, nakita ko na siya. Doon ko rin nalaman na binubully pala siya roon dahil sa pagiging bakla niya. Para makatulong, palihim kong inaabangan sa labas ang mga nambubully sa kanya at tinuruan ng leksiyon. Mabuti na lang at nai-apply ko ang mga natutuhan ko sa martial arts at self defense. Para makuha ang atensiyon niya, inaasar-asar ko siya ng kung anu-ano, except sa kanyang sexuality. Second Year naman kami noon nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na umamin sa kanya. Iyon nga lang, hindi naging maganda ang kinalabasan. Akala niya noon, I'm just fooling around; playing his feelings, and such. Masakit ma-reject, oo. Pero ang mas masakit? Iniwan niya ako bigla roon-- umaasa na sana ay maitama ko ang mga nagawa kong mali sa kanya noon. Dahil doon ay nagpasya akong ipagpatuloy ang pag-aaral kahit wala siya. Naging boring ang buhay ko noon. Wala na 'yung kaisa-isang taong minahal ko at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa akin.
Nagbago lang iyon noong nakita ko siya nitong nakaraan lang sa convenience store. Doon ay muling sumigla ang puso ko. Katulad noon, pinilit ko ulit sina Mama at Papa na lumipat sa public school na pinapasukan niya, kahit pa hindi iyon ang nakasanayan kong lugar. Wala, e. Kapag mahal mo talaga, gagawin mo ang lahat, mapalapit lang sa kanya.
"Tingnan mo 'to. Ikaw itong nagpipilit sa aming dalian natin, pero ikaw itong nakahinto riyan," narinig kong reklamo sa akin ni Keisha.
"Sorry, Kei. May naisip lang. Tara na-- o, nasaan si Jake?" Biglang nawala kasi 'yung isang iyon.
"Nauna na. Isa pa, hihiwalay na muna siya sa atin," ani Ciara.
Tumango naman ako, saka naglakad na rin. Ano ba 'yun? Masyadong makasarili. Threathened masyado sa akin. Tsk. Agad naming nakita ang dalawa na nakapila sa may sinehan.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)