MISSION #17
[JAKE:]
Magkaibang jeep ang sinakyan namin ni bakla. Magkaiba kasi kami ng direksyon pauwi. Pero, ang nakakainis lang, hindi na mawala ang ngiti sa labi ko. Ewan ko ba, nahawa na yata ako sa baklang 'yun. Kada ibabaling ko ang isipan ko sa ibang bagay, bumabalik naman ang mga nangyari kanina, lalo na roon sa Tom's World. Hindi ko inasahan noon na mapapatawa niya ako ng gano'n. Sa totoo lang, napaka-refreshing niyon sa akin. Matagal na rin yata mula noong nakatawa ako ng gano'n. Ayaw ko nang alalahanin ang pangyayaring iyon dahil alam ko namang hinding-hindi na iyon mauulit pa. Hinding-hindi na, dahil marami nang nagbago.
Nang makarating sa palengke, nasalubong ko si Adrian, kaibigan ko.
"'Tol, kamusta? Saan ka galing?" tanong niya sa akin. Mukhang nagtaka dahil alam niyang bihira lang akong lumalabas ng bahay.
"Ayos lang. Galing akong school kanina. Alam mo na, practice para sa play namin sa August," walang gana kong sagot.
Saglit lang kaming nakapagkamustahan noon dahil uwing-uwi na talaga ako. Hindi naman kalayuan ang bahay kaya nilalakad ko lang ito kapag umuuwi ako galing sa school. Nang makarating ay naabutan ko sina Mama, Ken, at Jennifer, pinsan ko, na nanonood ng evening news.
"Mano po, Ma," ani ko.
"Mukhang ginabi ka, anak?" usisa pa ni Mama.
"Nagyaya po kasi si bakla-- este, Joel na pumunta sa mall," sagot ko. Hindi talaga ako nasanay na tawagin si bakla sa totoo niyang pangalan.
Tumango naman siya saka pinaakyat muna ako sa taas para makapagbihis. Ewan ko ba, hindi ko na nakuha noon na bumaba pa. Naglinis lang ako ng katawan, nagbihis, saka humiga na rin. Napapangiti na naman ako noon habang nakahiga. Wala, e. Mukhang may lahing mangkukulam ang baklang iyon, kaya ganito na lang kung makangiti ako. Tss, mga pinag-iisip ko nga naman, o.
Sa mga sumunod na araw naman, wala ring nangyaring kakaiba. Hati pa rin ang oras namin sa academics at sa aming pinaghahandaang play. Kahit paano, nakuha na ng ka-partner kong si Ciara ang tamang hugot ng emosyon para sa role niya. Malaking bahagi roon si bakla dahil nakikita ko kung paano niya turuan ang babae.
Noong Biyernes naman, wala kaming Physics, kaya naisipan namin ni bakla na tumambay sa garden. Isa pa, kailangan na rin naming pag-usapan ang report namin para sa punyetang subject na 'yan.
"Tara na nga!" nakaangil niyang sabi. Tss, gaya-gaya.
Napapailing na lang ako noon na sinundan siya. Agad siyang naupo noon nang makarating at nilabas ang kanyang laptop. Tss, hindi ko talaga maiwasang hindi mapailing kapag nakikita ko iyon, lalo na 'yung kulay na pilit niyang sinasabing red.
"Ito 'yung hatian ng report." Sabay abot sa aking ng papel kung saan nakasulat ang outline ng report namin.
Napakunot ako ng noo noon ng wala sa oras. "Bakit ako ang una?"
"Angal ka? E sa'yo na nga 'yung pinakamadaling part, e," nakataas-kilay na naman niyang sagot. Daig pa nito ang may dalaw. Tss.
Pinag-usapan lang namin doon ang magiging flow ng report namin. Kaya pala niya nilabas ang laptop niya ay para ipakita sa akin ang mga nakalap niyang impormasyon. Wala naman akong duda roon, lalo't supported iyon ng mga documents. Agad ko naman iyon kinopya sa kanya gamit ang flashdrive ko. Nang okay na ay humiwalay na ako sa kanya. Pupunta raw siya sa kambal na nasa canteen ngayon. Tss, sinasama pa nga ako, e. Ayaw ko lang. Ayaw kong makasama 'yung Vice President na 'yun.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)