MISSION #58

10.6K 325 19
                                    

This one is a short update. Btw, last part na rin ito ng Ilocos Escapade nila. Natatandaan niyo naman siguro 'yung sinabi ng tatay ni Joel, 'di ba? Na magkakaroon sila ng boys bonding. HAHA. Ge, alam kong excited ka nang mabasa, kaya 'di ko na pahahabain pa.:)

Enjoy reading! Don't forget to leave a comment, or even violent reactions.:D

- SHNMTC

______________________________________________

MISSION #58

#IlocosEscapadePart5

[JAKE:]

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayon. Kung panaginip man ito, huwag niyo na sana akong gisingin. Biro lang. Masaya ako, kasi sa wakas, binigyan na rin ako ng chance ni Joel na patunayan ko ang sarili ko at ang pagmamahal ko para sa kanya. Alam kong ang korni pakinggan, pero ganito nga yata siguro kapag in love ka. Nagiging korni ka masyado. Tss, binago talaga ni Joel ang pananaw ko sa mundo, at pinagpapasalamat ko iyon.

Napahinto kami saglit sa paglalakad nang makaramdam kami ng pagod.

"Ang lamig, 'no?" tanong ko sa kanya. Literal na malamig ang tinutukoy ko, at wala akong balak magpaka-breezy.

Well, wala pa sa ngayon.

"Oo nga, e. Tara, pasok na tayo," sagot naman niya.

Tumango naman ako at sabay naming binagtas ang daan papunta sa rest house nila. Nauna siya sa akin noon ng kaunti, kaya sinundan ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa kusina.

"Buti at hindi ka takot rito?" nasabi ko sa kanya, bago naupo sa upuan sa hapag-kainan nila.

Kumuha muna siya noon ng dalawang baso. "Well, hindi na. Gaya nga ng sabi ni Mama, galing na kami rito ng mga kaklase ko noon, kaya medyo sanay naman ako. Isa pa, masyadong highly guarded ang lugar na ito, kaya imposibleng mayroong mangyaring masama."

"Kaklase? Meaning, third year?" sabi ko pa.

"Yup. Kilala mo naman si Justin, 'di ba?" Tumango ako. "Niyaya ko sila rito no'ng summer. Sad to say, mayroong nangyaring hindi maganda."

Kumunot naman ang noo ko noon. "Ano?"

"Wala. Friendship matter. Isa pa, baka hindi ka lang maka-relate," natatawa niyang sagot sa akin.

Hindi ko na siya pinilit noon, dahil baka umiyak pa siya. Pero, hindi ko maintindihan, e. Parang noong nabanggit niya 'yung pangalan ni Justin, parang nakaramdam ako ng selos? Alam kong hindi ko dapat iyon maramdaman, since best friends lang sila, pero bakit gano'n? Parang ang saya ng aura niya kapag si Justin ang topic? Tss, napapraning na agad ako.

"May problema ka ba, Jake?" tila concern niyang tanong sa akin. Marahil ay napansin nito ang pagbabago ng expression ko.

Umiling ako. "May naalala lang."

"Ah.."

Inubos lang namin noon ang gatas na hinanda niya, bago umakyat ulit sa taas. Unlike kahapon, mas magaan ang pakiramdam ko noon. Even siya, alam kong ganoon din.

"Matulog ka ng mahimbing, Jake. Kaartehan mo kasi, e. Bakit sa labas ka natulog," natatawa niyang saway sa akin.

"Kasalanan mo kaya," paninisi ko naman sa kanya.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon