Imaginary character ni Calyx/CJ yung nasa multimedia. Yep, si Tom Doromal ng PBB/Hashtags.xD
_______________________
MISSION #32
[JOEL:]
"Lumingon ka sa mata ko," mahinang sabi ni Jake sa akin.
Uh, kung nagtataka kayo, narito kami ngayon sa likurang bahagi ng school. Nagpapraktis kasi kami ng sayaw. Worst is, kasama pa namin si Calyx na bagong kagrupo namin. Ugh, what a life!? Dahil nga doon, hindi ako maka-focus ng maayos. Kaya nga heto't pinapagalitan ako ni Jake, na siyang nag-choreograph ng halos 50% ng sayaw namin. Paano ba naman, kailangan ko RAW magpaka-feminine ng kaunti sa sayaw namin. Punyemas lang, 'di ba!? Pero since wala akong choice, heto ako ngayon at nagpipigil sa kupal na 'to.
"Tsk, ang pangit daw kasi ng choreo mo, Jake," sarkastikong kumento naman ni Clayx.
For the nth time, magpaparinigan na naman silang dalawa. Isa pa 'yan, actually sa dahilan kaya wala pa kami sa kalahati ng sayaw namin. Feeling ko tuloy, may kasama akong dalawang isip-bata. Tch. Ang role ko? Tagasaway ng dalawang ito.
"Tama na nga 'yan. Okay, pasensya na, Jake. Alam mo namang hindi pa ako kumportable sa sayaw natin, especially sa steps ko," paghingi ko na ng dispensa sa kanila. Nakakahiya naman kasi sa kanila, 'di ba?
"Okay. Apology accepted. Let's start again," ani Jake.
Muli, sinimulan ulit namin ang sayaw namin. This time, medyo nakukuha ko nang titigan ang mga mata niya. Sa sobrang pagtitig ko nga doon, nakalimutan ko nang si Calyx na dapat ang ka-partner ko sa part ng iyon ng kantang One In A Million ni Bosson.
"Mukhang nakukuha mo na 'yung sa first part. This time, kayo naman ni CJ ang magka-partner," instruct sa amin ni Jake. Kasabay niyon ang pagharap namin ni Calyx sa isa't-isa. Nakangisi pa ang depungal na akala mo, hindi iniisip kung naiilang ba ako sa kanya o hindi.
"Finally," mahina niyang bulong sa akin. "Kanina ko pa 'to hinihintay na mangyari."
Hindi na naman ako makapag-focus sa sayaw namin. Idagdag pa na naiilang ako sa lokong ito. Ang nangyari tuloy, aksidente kong naaapakan ang paa niya—na tila wala lang sa kanya. Tch, weirdo.
"Okay lang na apakan mo ako, as long as ikaw naman ang gagawa. Kahit man lang doon, napapansin mo ako," mahina pa niyang bulong sa akin.
"Huwag mo akong daldalin, Calyx. Hindi ako makapag-focus sa sayaw," mahina kong saway sa kanya. Nakakairita, e. Kita na nga niyang nag-i-struggle na ako sa punyetang sayaw na 'to, dadagdagan pa niya. Ugh, what a life.
Ngumisi muna siya bago nagsalita. "Sorry na, loves."
"Loves ka diyan!?" Kaloka 'tong gago na 'to!? Ang lakas mag-feeling!
"Haha! Sabi ko na, e. Anyways, na-realize ko naman na hindi ko kailangang magmadali—I mean, tayo. Isa pa, gusto kong dahan-dahanin 'yung panliligaw sa'yo para naman masabi ko na worth it ang relasyon natin," kwento pa niya.
Seriously? Saan kaya nakukuha ng lalaking ito ang lakas ng tiwala niya sa sarili niya? I mean, parang wala lang sa kanya 'yung mga katarantaduhan niya sa akin noon. The heck lang. Dahil kaya doon, lumayo pa lalo ang gap sa pagitan namin ni Papa. Dahil sa kagagawan niya, natakot na akong magkamali—especially sa harap ni Papa. Uh, oo nga pala. Paano nga pala ma-re-realize ng isang Calyx John Guttierez—isang heartless na katulad niya ang ganoong bagay?
Nahinto kami—ako noon nang ma-realize na wala na palang music noon.
"Mamaya na tayo mag-practice ulit. Inuuna niyo ang paglalandian. Tss," ani Jake, saka naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)