MISSION #54
#IlocosEscapadePart1
[JOEL:]
"Calvin, ikaw na lang kasi 'yung mag-text kay Jake, e!" pagpupumilit ko rito sa kapatid ko.
Kanina pa kami ganito dito sa kwarto. Kanina ko pa kasi siya pinipilit na i-inform si Jake tungkol doon sa sinabi ni Papa. Alangan namang ako 'yung mag-text, e cold war nga kami. Isa pa, umiiwas nga ako, 'di ba? Pabebe na kung pabebe, pero ayaw ko pa rin siyang i-text, dahil parang sinira ko lang din ang sinabi ko noon sa sarili ko. Worst, baka lalo pa akong mahulog sa kupal na 'yun. Mas maganda na 'yung mayroon kang precautionary measures na ginagawa, just in case. Kaso nga lang, pabebe rin itong si Calvin! Kesyo raw ako ang inutusan, at hindi siya! Pambihirang buhay lang, o.
"Sige na. Sige na," pagsuko niya.
Malamang, e kiniliti ko lang naman siya ng kiniliti. Aksidente ko kasing nalaman 'yung vulnerable spot niya. Good for me.
"Good. Akala ko, pahihirapan mo pa ako, e," hinihingal kong sagot sa kanya noon.
"Pero sa isang kundisyon," nakangisi niyang pahayag.
"Ano na naman!?"
"Masahiin mo ako sa likod. Medyo masakit, e," daing niya sa akin, habang hinihimas ang balikat niya.
"Gagi, balikat 'yan, hindi likod," biro ko.
Dahil nakakaawa nga naman siyang tingnan, um-oo na lang ako. Tuwang-tuwa ang loko noon. Nagpaalam pa na maglilinis lang daw siya ng katawan.
"I'm ready," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Okay, dapa ka na."
Nabigla na lamang ako nang tanggalin din niya pati ang kanyang short. Bale, naka-underwear na lang siya.
Mukhang napansin naman niya ang pamumula ng pisngi ko, kaya.. "Don't worry, magkapatid naman tayo, kaya hindi kita tini-tease. Isa pa, sanay na ako sa presensya mo."
Tumawa pa noon ang loko. Nang-asar pa.
"Gago ka talaga, Calvin. Sige na, dumapa ka na," napapailing ko na lang na sagot sa kanya.
Agad naman siyang tumalima noon. Hindi naman sa medyo tinamaan ako sa kanya. Hindi lang talaga ako kumportable na may nakikita akong nakagano'n lang na suot. Isa pa, magkapatid kami, for goodness' sake. Hindi naman ako gano'ng klase ng tao, 'no. Kinumutan ko na lang noon ang lower body niya para hindi na ako mailang.
"O-Oy, ba't mo kinumutan?" reklamo naman niya, pero natatawa pa rin.
"Kukumutan o walang masahe?" asar ko sa kanya.
"Geez, matalino ka talaga," sagot na lang niya, saka umayos na sa pagkakadapa.
Patapos na ako noon nang mapansin ko na nakatulog na pala siya.Hininto ko na rin noon ang ginagawa ko, saka inayos siya sa pagkakahiga. Napailing na lang ako dahil lumaki pa lalo ang umbok sa pagitan ng hita niya. Gaya nga ng sabi ko kanina, mataas ang respeto ko sa sarili ko, kaya inayos ko ulit ng maigi ang pagkakakumot sa kanya. Naglagay na rin ako ng barrier sa pagitan namin just in case. I know him. Malikot siyang matulog. Mas maganda na 'yung sigurado ako.
______________________________________________________________________________
“’Pa, okay daw po sabi ni Jake. We just called him a while ago,” ani Calvin kay Papa kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)