MISSION #47
[JOEL:]
Wala na akong nagawa noon kung hindi ang sumunod sa kanya, habang tinatahak namin ang daan papunta sa garden ng school. To be honest, medyo nakaramdam ako ng kaba dahil sa pagkakaalam ko, wala masyadong nadadaang mga estudyante roon dahilan sa pagiging isolated nito. Hindi rin ito gaanong pansinin. Jusko, hindi ko alam kung tama ba na pumayag ako sa kanya.
"Joel," tawag niya sa akin na hindi man lang lumilingon.
Napansin ko noon ang pagkuyom ng kamao niya. What the hell? Lalo akong nakaramdam ng takot sa mga posibleng mangyari. Good thing is, hawak ko noon ang cellphone ko. Pasimple akong nag-text noon kay.. uh, kanino ba dapat ako mag-text? Ah! Kay Michael na lang siguro. Nandito pa naman siya, e. Mas safe na siguro iyon. Sana lang, mabasa niya 'yung text ko.
"B-Bakit, C-Cielo?" nauutal kong sagot sa kanya.
Hindi pa rin niya ako nililingon noon. "Ang sakit, Joel. Bakit pinaasa mo ako?"
Lalo akong natakot noon nang bigla siyang humarap sa akin. First time ko siyang nakitang lumuluha noon. At, masakit iyon sa part ko. Tila naistatwa ako noong mga oras na iyon. Wala akong mahanap na sagot sa tanong niya, kaya ang nagawa ko na lamang ay iyuko ang ulo ko, na para bang nahihiya sa kasalanang nagawa. I was too dumb not to notice na gano'n na ang ginagawa ko sa kanya—na pinaasa ko siya. Nahihiya ako sa kanya. Pakiramdam ko, walang kapatawaran ang ginawa ko.
"Wala ba talagang pag-asa, Joel?" dagdag pa niya, habang patuloy pa rin sa pagluha ang kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga ako noon. "I-I'm s-s-sorry, Cielo."
Nabigla ako noon nang bigla siyang lumapit sa akin, sabay yakap sa akin ng mahigpit. Hindi ko siya mapigilan noon, dahil kahit ako mismo, nanghina roon. Ah, mali.. nabigla rin ako. Nabigla, to the point na tila nag-malfunction na rin ang katawan ko. Okay, Joel.. mali ito. Hindi ka dapat magpadala sa bugso ng damdamin.
Nagawa ko rin sa wakas na tanggalin ang pagkakayakap niya sa akin.
"Cielo, look. Isa ka sa pinahahalagahan kong tao, aside sa pamilya ko, pero hindi, e. Hanggang doon lang iyon, e. Sorry," paliwanag ko sa kanya. Jusko, sana matauhan ka na, Cielo.
"No! Alam kong may chance pa, Joel! Nalilito ka lang sa nararamdaman m--"
Nahinto siya noon nang..
"Joel! Buti naman at nandito ka. Grabe, pinakaba mo ako sa text mo," hingal na hingal na sabi ni Michael sa akin. Oo nga pala, ni-text ko siya ng palihim kanina. Mukhang alam ng loko ang naging usapan namin ni Cielo, ngunit hindi na lang siya nagpahalata.
"Alis na tayo. Hinihintay na tayo nina Justin at Trixie," aniya.
Wala na akong nagawa noon nang bigla niyang higitin ang kamay ko. Pero, bago tuluyang makaalis, hinarap niya si Cielo.
"Pare, payong kaibigan lang. Learn to accept Joel's decision. Marami pa riyan, malay mo, nasa paligid mo lang at hinihintay ka na mapansin siya. Mauna na kami," cool niyang sabi, saka tuluyan nang umalis habang hila pa rin ako.
Alam kong wala sa timing, pero nakuha ko pang magbiro. "Hugot, Michael? Base ba 'yan sa personal experience mo?"
Napakamot na lang siya ng ulo, saka natawa. "Joel naman. Alam mo namang joke lang 'yun, e."
Hindi ko na nakuhang pumasok noon sa TLE class namin. Para saan pa, e late na rin ako ng 20 minutes. Panigurado, sandamakmak na sermon ang aabutin ko noon 'pag nagkataon. Instead, sumama na lang ako kay Michael sa pagtambay. Oo, hihintayin daw niyang mag-5 PM para sabay na sila ni Justin umuwi. Tamang kwentuhan lang kami noon. Natanong din niya sa akin kung sino 'yung kausap ko kanina at ano raw ang nangyari. Alam kong hindi ko dapat i-share ito, pero perfect timing na rin siguro para naman mailabas ko na itong nararamdaman ko. Magbabaka sakali ako na gumaan naman kahit papaano itong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)