SPECIAL MISSION D
[JOEL:]
"Ano po ba 'yong pinag-uusapan nila, Tita?" Hindi ko maiwasang hindi magtanong kay Tita tungkol sa pinag-uusapan nina Jake at ng Papa niya over the phone.
Ewan ko pero hindi ko maiwasang hindi kabaham doon. Paano naman kasi, although lumayo pa noon ng kaunti si Jake, naririnig ko pa rin ang mga sigaw niya sa kausap niya sa phone. Hindi ito maganda, I guess.
"Gusto kasing kunin ng Papa niya si Jake at pag-aralin ng kolehiyo sa UP Diliman. Mukhang hindi yata nagustuhan ni Jake iyon," malungkot na sagot ni Tita sa akin.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa balitang iyon. Maraming tanong tuloy ang awtomatikong rumehistro sa isipan ko. Paano na kami ngayon ni Jake? Paano na 'yong plano naming same University kami kahit na msgkaiba kami ng kurso? Maisip ko pa lang 'yong mga posibleng mangyari, nalulungkot na ako. Paano pa kaya kung mangyari na nga iyon talaga? Hay. Maya-maya pa'y napansin ko na mukhang in-end na ni Jake ang tawag at nakasimangot itong bumalik sa kinatatayuan namin ni Tita. Padabog nitong iniabot ang phone sa huli.
"I can't believe you, Ma! Bakit mo siya pinayagan na kunin ako sa'yo!?" sumbat nito kay Tita, bago tuluyang umakyat sa taas.
Napaluha naman noon si Tita. Marahil ay dinamdam ang mga sinabing iyon ni Jake. Wala naman ako sa lugar para magsalita o magsabi ng ano pa mang bagay, lalo't wala naman akong alam doon. Instinct na rin siguro 'yong yakapin ko si Tita noon.
"Hindi kasi naiintindihan ni Jake ang lahat," kumento pa nito habang naluluha pa rin. "Masyadong magastos ang kurso na gusto niya. Kahit pa sabihing kaya kong tustusan ang pag-aaral niya, kakailanganin ko pa rin ang tulong ng Papa niya. Isa pa, para naman magka-ayos na silang dalawa."
"Magiging ayos din po ang lahat, Tita," nasabi ko na lang out of the blue.
Hinayaan na muna niya ako noon na sundan si Jake sa taas. Sinabihan din niya ako na ako na raw muna ang bahala sa panganay niya, na agad ko namang tinanguan. Good thing is, hindi niya sinara ang pintuan. Naabutan ko siya noon na nakadapa sa kama namin. Hindi ko malaman kung umiiyak ba siya o ano. Alam kong dapat ko muna siyang hayaan ngayon pero dahil medyo pasaway din ako, dahan-dahan ko siyang tinungo at naupo sa tabi niya. Dahan-dahan kong hinimas ang likod niya.
"Jake," tawag ko sa atensyon niya.
Hindi naman ito sumagot. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil doon. Mukhang dinamdam nga niya ng naging usapan nila ng Papa niya. Pinili kong huwag nang magsabi sa kanya ng kung anu-ano. Iyon nga ang pinag-awayan namin kanina, 'di ba? Ayaw ko nang maulit pa. Maya-maya pa'y hinarap na ako nito saka niyakap ako ng mahigpit.
"Sorry," mahina nitong bulong sa akin.
"For what?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Sa inasal ko kanina, sa harap ninyo ni Mama," aniya.
"Ano ka ba, wala ka namang kasalanan, e. Isa pa, natural reaction lang iyon kaya wala kang dapat na ipag-alala," paliwanag ko sa kanya.
Ito na ang unang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. "Parang hindi ko yata kayang sundin si Mama sa gusto niya."
"Na ano?" Kunwari ay wala akong ideya sa nangyari.
"Na si Papa muna ang magpaaral sa akin." Niyuko pa nito ang kanyang ulo para hindi ko marahil makita ang pagtangis niya.
"Hindi mo pa ba siya napapatawad?" ani ko. Jusko, ito na naman ako, e.
"Sa pagiging bakla niya, oo. Napatawad ko na siya. Sa pang-iiwan niya sa amin nina Mama at Kendrick, hindi ko pa yata kaya," buong paliwanag niya sa akin---na kinalaki ng mata ko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)