MISSION #33
#EpicFailDate
[JOEL:]
Maaga akong nagising kinabukasan. Kailangan daw kasi naming pumasok sa school para sa general practice ng play namin. Take note: with costumes na iyon and actual scenes! Nakaramdam ako ng excitement dahil doon. Aba naman, ilang araw na lang-- or isang linggo, rather, mapapanood na ito ng lahat. Idagdag pa sa excitement na iyon ang panonood ng mga high-profiled officials dito sa amin. Well, I just hope na hindi kami magkamali habang nasa kalagitnaan ng play.
"Good morning, Calvin!" bati ko sa kanya. Mukhang nagising din.
"Morning din," pupungas-pungas niyang sagot.
Agad akong dumiretso noon sa banyo para sa aking morning rituals. Hindi naman ako nagtagal doon dahil nga malamig din ang tubig. Mangangatog ka sa sobrang lamig. Charot! Iyon na nga, nang makapagbihis ay bumaba na ako para makakain na ng agahan at para na rin makapagpaalam kay Mama. Naabutan ko pa noon na pababa rin si Jonathan. Pero, unlike noong mga nakaraang araw, medyo umiiwas na lamang siya sa akin. Hindi niya na ako pinaparinggan ng kung anu-ano. Well, mainam na rin iyon. Kung alam niyo lang kung gaano ko na ka-miss 'yung kapatid ko na 'yun.
"O, nandiyan ka na pala, anak. Tara na at para makakain ka na ng agahan," anyaya sa akin ni Mama. Nakahain na pala siya.
"Good morning, Ma," masaya kong bati sa kanya, saka ko siya niyakap.
Tahimik lang akong kumain noon. Si Mama naman ay naupo muna sa sala para manood ng morning show. Libangan na rin niya iyon. Nang matapos ay umakyat ulit ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Agad na rin akong umalis noon dahil baka matrapik pa ako sa daan. Mahirap na.
______________________________________________________________________________
[JAKE:]
Punyeta. Nahuli ako ng gising ngayong araw. Paano, kahit sa pagtulog, kinukulit na rin ako ng baklang payatot na 'yun! Kaysa naman magmukmok pa sa kama ko, dali-dali na akong pumasok sa banyo para makaligo na. Hindi ko na rin nakuha pang mag-agahan noon dahil nga ilang minuto na lang, mahuhuli na ako. Ayaw pa nga akong paalisin ni Mama sa bahay kanina, e. Paano, kailangan ko pa raw mag-agahan. Tss, bahala na mamaya. Naisipan ko na rin noon na dalhin ang motor ko para mas mabilis na.
Nasa Auditorium na sila noon nang makarating ako sa school. Mukhang na-late nga ako. Dahan-dahan akong pumasok noon para hindi na rin ako makaistorbo sa kanila.
Ngunit, nagkamali ako.
Paano, pinapagalitan pala sila ni Direk B. Napahinto tuloy ako sa paglalakad noon.
"G-Good morning. Sorry, I'm late," alanganin kong bati.
"Bakit ka na-late, Jake? Hindi mo ba alam na may general practice tayo ngayon?" mataray na tanong sa akin ni Direk. Tss, sabi ko na nga ba, e.
Pinilit ko pa ring maging kalmado noon. "Nakalimutan ko pong i-set 'yung alarm ko kagabi, Direk. Sorry po."
Napabuntong-hininga na lamang noon si Direk. "Apology accepted. Pumasok ka na."
Nagsimula ulit siya noon sa pagtatalak. Kaya pala siya gano'n ay dahil hindi pa raw totally tapos 'yung mga paraphernalias na gagamitin namin sa play. Kahit ako ay napagalitan din niya dahil responsibilidad ko raw as Class President na tingnan kung nagagawa ba ng maayos at on time ang mga tasks nila. Pinili ko na lang noon na huwag nang magsalita. Para saan pa? Baka masupalpal pa ako. Hindi naman nagtagal iyon at pinagpalit na kaming mga casts ng costume, habang ang mga nasa technical team naman noon ay pinagpatuloy na ang paggawa ng mga paraphernalia. Dahil hindi nakapag-almusal, medyo nanghihina akong kumilos. Nahihiya naman akong mag-excuse para bumili sana saglit ng crackers. Tss, what a great way to start this damn day! Nakasabay ko pa noon si Joel sa loob ng CR.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)