MISSION #48

10.7K 345 37
                                    

MISSION #48


[JOEL:]




"Joel, gising."


Naalimpungatan ako sa pagyugyog sa akin ni Calvin. Leche talaga 'tong lalaking ito. Kita na nga niyang Sabado, e. For goodness' sake, ngayon pa lang ako nakakabawi  sa mga stress na dala ng mga nangyari nitong linggong ito.


"Calvin, ngayon pa lang ako nakakabawi sa stress, okay!?" inaantok kong sabi sa kanya. Saka, isa pa, mamayang hapon pa 'yung party ni Calyx.


Pero, hindi pa rin siya huminto. "Birthday ni Calyx ngayon, 'di ba?"


"Mamayang hapon pa nga 'yun!?" sagot ko pa.


"I know, bro. The thing is, nandito sina Ciara, Lala, Keisha, Jake at JD."


Pagkasabing pagkasabi niya niyon ay awtomatiko akong napabalikwas? What the heck? Ano'ng ginagawa ng mga 'yun dito? Kasabay ng pagbangon ko ay palakpakan mula sa pinto ng kwarto.


"Yehey! Gising na ang kamahalan!" masiglang sabi ni Lala. Nakisabay naman sa kanya ang mga gunggong! Well, except kay Jake na nakatayo lang doon at pokerfaced.


"The heck? Ano'ng ginagawa niyo rito?" gulat na gulat kong tanong sa kanila.


"Lul, ang tanong, bakit ngayon ka lang nagising?" tanong ni JD. Nakangisi pa ito. Well, gwapo siya sa lagay na 'yun. Litaw ang dimples niya.


"E, sa Sabado naman ngayon, e!" Nagtanggal pa ako ng muta noon. Yes, sa harap talaga nila. Wala akong pake. Kwarto ko naman 'to, kaya walang basagan ng trip.


"May surprise tayo para kay Calyx, 'di ba, kaya kailangan mong gumising at bumangon ng maaga. Isa pa, nandiyan sa baba Papa mo, sumbong ka namin, sige ka," anang Lala.


The heck? Agad tuloy akong napabangon noon kahit wala pa akong balak. Hindi naman na ako nilubayan ng mga ito. Bagkus, nag-decide pang tumambay sa kwarto namin ni Calvin. Babantayan daw ako, at baka tumakas pa ako. Jusko, paano pa ako makakatakas nito kung gwardiyado pa nila ako. Isa pa, nandiyan si Papa. Magagalit 'yun kung sakaling iiwan ko sila. O, 'di ba? Walang takas? Takot ko lang kay Papa. Hindi naman ako nagtagal sa banyo noon. Tamang ligo, saka shampoo lang. Hindi na ako nagpa-VIP, kahit gusto ko. Well, para kay Calyx, sige. Naalala ko tuloy 'yung pagmamakaawa niya noong nakaraan. Hindi ko naman hahayaang hindi ako makabawi, since malaki rin ang nagawa niya noong birthday ko. Tama lang na ibalik ko rin ang pabor sa kanya. Matapos makapag-ayos ay niyaya muna kami ni Calvin na mag-agahan, since nakapaghanda na si Mama. Nasalubong pa namin noon si Jonathan. Tahimik na naman ang loko. Well, mas mabuti na rin iyon para wala nang chaos na mangyari.


"Jusko, ang gwapo ng kapatid mo, Joel!" mahinang sabi ni Lala sa akin. Para talagang ewan ito. May pahampas hampas pa sa balikat ni Jake.


"Huwag ka ngang mandamay, Lala," mahinang saway sa kanya ni Jake.


"Sorry naman, Lolo Jake!"


"Tss."


Agad silang pinaupo ni Mama sa hapag. Si Papa naman, ayun at nanonood ng morning news. Agad ko siyang nilapitan para magmano.


"'Pa, mano po," ani ko.


Nang makapagmano ay babalik na sana ako sa hapag, nang..


"Joel, asikasuhin mo 'yung mga kaklase mo. Pagkatapos ninyong kumain, tumambay muna kayo sa kwarto niyo ni Calvin," utos niya sa akin.


Napangiti na lang ako. "Opo, 'Pa."


Habang kumakain, panay ang daldal ng mga kasama ko. Obviously, 'yung tungkol sa enggrandeng birthday party ni Calyx ang topic nila. Hindi sumabay sina Mama noon sa amin. Nauna na sila nina Papa, Jonathan, at Cassie. Bale, si Calvin lang ang kasabay namin noon. Matapos kumain ay agad ko na silang pinapunta sa kwarto namin para doon na pag-usapan ang surprise namin para kay Calyx. Dito, umiral na naman ang pagiging creative ng IV - SSA-T. Isang simpleng performance ang naisip namin para kay Calyx. Actually, sina Lala, JD at Calvin lang naman ang kakanta. Kaming natira? Backup singers. Hindi naman kami nahirapan noon, since mayroon na kaming nagawang konsepto kahapon. Isa pa, mabibilis naman ang pick up ng bawat isa.


"Okay! Sana, ganyan pa rin ang energy natin para mamaya," masayang untag ni Lala, na siyang pinaka-leader namin.


"CR lang ako," biglang paalam ni Jake sa amin.


Hindi na niya kami noon hinintay pang sumagot. Tch, bastusing bata talaga kahit kailan, o.


______________________________________________________________________________


Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon