MISSION #02

24.5K 673 66
                                    

MISSION #02

[JOEL:]

Tila nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok sa loob. Natatakot talaga ako sa mga posibleng mangyari. Hindi ko na kasi alam kung paano ko pa pakikitunguan si Papa. I mean, halos anim na buwan din namin siyang hindi nakasama. Tapos, ano? Biglang nandito na ulit siya? Usually kasi, mga dalawa hanggang tatlong linggo kung mag-leave siya sa trabaho -- isa sa mga ayaw kong scenario.

Napahinto ako nang biglang may tumapik sa akin sa balikat. Pagkalingon, si Jonathan pala.

"Bakit hindi ka pa pumasok, Kuya?" tanong niya sa akin. Naka-jersey siya noon. Mukhang galing sa laro ito.

"W-Wala," palusot ko.

Tila hindi naman siya kumbinsido. "Wala raw. Tara na. Ako'ng bahala kay Papa. At kung itatanong mo naman kung bakit napaaga siya ngayon, may dinaanan lang siya sa bahay. Bukas, babalik na ulit siya sa duty."

Napabuntong-hininga naman ako roon. Isang gabi lang pala ang titiisin ko. Mas mainam na iyon. At least, hindi ako nakakaranas ng verbal abuse mula sa kanya. Ibang sakit kasi ang dulot niyon, e.

Inakbayan naman ako ni Jonathan habang papasok kami. Sa labas pa lang, rinig ko na ang ingay mula sa loob. Mukhang may kasama nga si Papa. Pagkapasok, unang tumambad sa amin ni Jonathan ang isang hindi pamilyar na lalaki -- na halos kaedaran ko lang siguro. May lahi ito, base sa kanyang hitsura.

Pero, hindi ko alam kung ako lang ba o tila may pagkakahawig siya kay Papa.

"O, anak, nandiyan ka na pala." Si Mama. Agad naman akong nagmano sa kanya, sabay harap kay Papa.

"W-Welcome back po, P-Papa. Mano po," nauutal kong untag sabay kuha sa kanyang kamay para magmano.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang hindi naman siya pumalag.

"Una po muna ako sa kwarto."

Palakad pa lang sana ako nang bigla siyang magsalita-- dahilan para mapahinto talaga ako.

"Isama mo na sa taas si Calvin. Kanina ka pa namin hinihintay dahil naka-lock ang kwarto mo. Isa pa, ayusin mo ang kama mo dahil doon siya matutulog kasama mo," diretso niyang utos sa akin. Agad naman akong napatingin sa lalaking nakita namin kanina. Nakangisi naman ito sa akin.

I smell trouble, pero hindi ko na lang pinahalata.

"Kung nagtataka ka kung sino siya, siya ang half-sibling ninyo, at dito na siya titira mula ngayon," dagdag pa niya.

Gulat man, pinili ko na lamang na tumango at umakyat. Sumunod naman sa akin si Calvin. Pinili kong huwag magsalita noong mga oras na iyon. Kung maaari, ayaw ko. Hindi ko talaga gusto ang angas nitong half-sibling namin.

Agad kong in-unlock ang pinto. Pagkapasok, diretso-higa siya sa kama KO. 'Nyeta, balak pa akong agawan ng pwesto.

"Ugh, what a long day!" he exclaimed-- dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Saan ka ba nanggaling? Bakit hindi ko alam na may half-brother pala kami?" diretsahan kong tanong sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin, saka ngumiti. "I'm from Canada. Unfortunately, my Mom died, so I have no choice, kaya kinuha na ako ni Dad-- our Dad."

Hindi pa rin ako kumportable sa presence ni Calvin, kaya sa kwarto ni Jonathan ako Makikibihis.

"Wait for me. Magbibihis lang ako. After that, I'll help you with your things." Saka lumabas na ako.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon