MISSION #10
[JOEL:]
Nabigla ako sa naabutan ko sa bahay namin pagkauwi. Paano ba naman, mga bagahe ni Calvin ang una kong napansin. Napansin ko rin na nakaupo sina Mama, Calvin, Cassie at Jonathan sa sofa. Masama ang tingin ng dalawang lalaki sa isa't-isa sa mga oras na iyon.
"Ma, ano pong mayroon?" nagtataka kong tanong sa kanya matapos kong magmano.
"'Nak, kausapin mo naman si Calvin, o? Nahihirapan akong pakiusapan siya, e. Ako na'ng bahala rito kay Jonathan," pakiusap ni Mama sa akin.
Sa tono pa lang ng pananalita niya, alam kong malapit na siyang maluha. Naku naman, ito na nga ba ang sinasabi ko, e.
"Calvin, let's talk, please?" seryoso kong sabi sa kanya.
Napabuntong-hininga muna siya noon bago tumango. Tumayo na rin ito. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin. Nangiti naman nang konti si Mama sa moves na ginagawa ko. Alam ko naman na tiwala siya sa akin, e. Lumabas kami sa bahay, dahil plano ko siyang dalhin sa parke, hindi kalayuan sa bahay namin. Nang nakarating doon ay naupo kami sa unang bench na nadaanan namin. Tahimik pa rin siya noong mga oras na iyon, na tila malalim ang iniisip. Napansin ko rin ang pamumula ng mata niya. Kahit naman na mas matangkad siya sa akin, nahahalata ko pa rin iyon.
"Calvin.." pauna kong tawag sa kanya. Saglit siyang lumingon sa akin, pero agad ding nag-iwas ng tingin.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, kaya ginawa ko na lang ang sinasabi ng instinct ko-- ang yakapin siya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko, pero hindi naman niya tinanggal. Doon ay ramdam ko ang bigat na dinadala niya. Napapabuntong-hininga pa nga siya noong mga oras na iyon, e. Maya-maya pa, naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa likod ko. Kasabay niyon ang mga mahihinang hikbi niya.
"I really miss my mom. Parang pakiramdam ko, mag-isa lang ako," mahina niyang sabi, habang patuloy pa rin sa paghikbi.
"Tell me, ano ba'ng nangyari kanina?" tanong ko sa kanya.
Umayos muna kami ng upo noon. Hindi naman kami magkatabing-magkatabi; mayroon pa ring maliit na space sa pagitan namin.
"Sinabi sa akin ni Jonathan na ayaw niya sa akin, at panggulo lang ako sa bahay ninyo. Hindi ko na lang siya pinansin noon, pero talagang siya 'yung nagpipilit na magsabi ng kung anu-ano. Believe me, tao lang ako. Hindi naman ako manhid, para hindi masaktan sa mga pinagsasasabi niya. Ayos lang sana kung ako lang ang sinabihan niya ng masama, e. Pero ang idamay si Mama? Doon na ako hindi nakapagpigil." Ang kanina'y hikbi ay naging luha. Hindi na siya nahiya pang ipakita sa akin anh nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Ewan ko ba, bigla akong naawa sa kanya.
"Shh, tahan na. Don't worry, I'll talk to Jonathan. Pero maniwala ka sa akin, hindi ka iba sa amin, o sa akin. 'Di ba nga, kapatid kita? Saka," saglit akong napahinto para huminga ng malalim. "Pagpasensyahan mo na si Jonathan. To be honest, ayaw niya talaga sa'yo. Ilang beses ko na ring in-attempt na sabihin sa kanya na hindi ka katulad ng iniisip niya, pero hindi ko naman siya kontrolado."
"It's okay. May mali rin ako, Joel," aniya, bago sumamdal. "Nagpadala lang ako sa galit ko."
"So, hindi ka na lalayas? Saka, ikaw din. Mahirap magpagala-gala sa kalye, dahil maraming masamang-loob. Worst, baka gawin kang macho dancer," pananakot ko sa kanya. Siyempre, I'm just joking.
Natawa naman siya sa sinabi ko, saka ako inakbayan. "Nah, hindi na ako maglalayas. Uhm.."
"Spit it out. Ngayon ka pa nahiya," natatawa ko pang sabi.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)