MISSION #12
[JOEL:]
Buong hapunan noon ay hindi na ako umimik. Pinili ko na lang manahimik, dahil hindi ko rin alam kung paano pa ako makikitungo sa gano'ng sitwasyon. Nang matapos ay nagpaalam na ako na magpapahinga na. Nabigla pa nga ako nang magsalita si Papa, e.
"Nagpapapawis ka ba, Joel? Bihira ka namang magkasakit, ah?" aniya.
"O-Overfatigue po, Pa, sabi ng nurse. Ipapahinga ko na lang po ito siguro. Good night po," paalam ko sa kanila ni Mama.
Hindi ko rin pinansin noon si Jonathan na nasalubong ko pa sa hagdanan. Sa totoo lang, biglang sumama ang loob ko sa kanya. Hindi ko maiwasan, e. Sa mga sinabi niya kanina, napatunayan ko na katulad lang din siya ng mga tambay na kinwento niya. Nakaka-disappoint.
Agad akong dumiretso sa banyo para gawin ang aking night rituals. Nang matapos ay agad kong ni-check ang phone ko. Mayroong tatlong messages.
From: 4C - Justin <3
Good evening.:)Napailing na lang ako roon. Ito talagang si Justin, o. Masyadong matipid mag-text. Sunod ko namang binasa ang text galing kay Cielo.
From: SSA-T Cielo
Pupunta kami ni Ciara sa inyo sa linggo. Ayos lang ba? Malapit lang naman subdivision ninyo sa amin, e.:)Agad ko namang sinagot iyon. Ayos lang naman iyon. Ang alam ko kasi, Linggo pa ng gabi makakauwi sina Mama, since sa Manila pa ang party na iyon. In fact, nag-aayos na nga sila ng gamit, e.
Huli ko namang binasa noon ang text ni kupal.
From: SSA-T Jake
Ge.Tingnan mo 'to. Dinaig pa si Justin sa katipirang mag-text. Agad ko namang nilagay sa mini-table sa tabi ng kama ang cellphone ko. Sakto naman at pumasok na rin si Calvin sa kwarto. Agad itong dumiretso sa banyo para maglinis ng katawan. Saglit lang din siya roon, saka nahiga na rin sa tabi ko. Actually, hindi naman kami magkatabing magkatabi. Heck no! Kahit paano naman ay may hiya ako sa sarili. Isa pa, hindi pa ako sanay na katabi siyang matulog.
"Hey.." tawag niya sa atensiyon ko. Nakatingin lang siya noon sa kisame habang nakahiga na rin.
"Bakit?"
"I just want to inform you na sasama ako sa'yo bukas papunta kina Jake," sabi niya.
Nabigla naman ako roon. "At bakit?"
"May project kayo sa Trigo, 'di ba?" Tumango naman ako. "Alam kong sagutin iyon, so nakiusap sa akin 'yung ka-partner mo kung p'wede bang magpatulong."
"What? At hindi mo man lang ako agad in-inform!?" Aba, sino ba naman ang hindi mauurat doon, e parang hindi man lang sinabi sa akin ng kupal na 'yun na isasama niya itong kapatid ko.
"Sorry, Joel. Akala ko alam mo na," mahinahon niyang sabi.
"'Yan ba 'yung rason kung bakit hindi ka na sasama sa party?" tanong ko talaga sa kanya.
"Isa 'yun, pero masyadong minor naman kung 'yun lang. Uhm, well, the main reason is that, I don't like parties. I hate socializing with others. Most importantly, ayaw kong makasama si Jonathan," aniya.
Tinapik ko nga sa balikat. "Ang sama mo."
"Hindi naman." Tumagilid ito paharap sa akin. "Alam ko lang ilugar ang sarili ko. Isa pa, baka magkaroon lang ng misunderstanding sa pagitan namin."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)