MISSION #06

20.4K 604 66
                                    

MISSION #06

[JAKE:]

Gusto ko siyang bulyawan, pero pinili ko na lang na pigilan ang sarili ko. Nakakagago lang talaga. Hindi ko alam kung ano ba itong pinaggagagawa ko sa sarili ko. Ang alam ko, galit ako sa mga kagaya niya.

Galit ako sa mga bakla. Para sa akin, salot sila sa lipunan.

Ang dapat pa sa kanila, pinapatay.

Pero, bakit sa baklang 'yun, hindi ko magawang masuklam?

Ito, ano ba itong ginagawa ko?

Nalilito na ako sa sarili ko. Hanggang sa madako ang tingin ko sa Kitkat na binigay niya. Tss, ang lakas ng loob na bigyan ako ng ganito. Ako naman itong tanga na tinanggap ang binigay niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka ginayuma na ako ng baklang payatot na 'yun.

Hanggang sa pag-uwi ay lutang pa rin ako. Naabutan pa ako ni Mama na parang tanga sa garahe.

"Huy! Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong niya sa akin.

"W-Wala po. Akyat po muna ako para malinis ko ang kwarto ko," paalam ko sa kanya.

Hindi ko na sana hihintayin pa ang sagot niya nang bigla siyang magsalita.

"Mabait ang batang iyon, Jake. Sa tingin ko, hindi niya deserve ang treatment na pinupukol mo sa kanya," aniya.

Saglit ko siyang hinarap saka, "Ma, pare-pareho lang po sila. Katulad din niya si Pap--"

"Jake, ano ba? Huwag mong idamay ang Papa mo rito. Ama mo pa rin 'yun."

Napailing na lang ako noon sa mga sinabi ni Mama. Hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Papa. Hanggang ngayon, tanggap pa rin niya ang pagiging bakla ni Papa. 'Di ba, dapat masuklam siya? Kasi, ginamit lang siya nito para pagtakpan ang pagkatao nito? Napabuntong-hininga na lang ako noon. Pinili ko na lang na huwag sagutin ang tanong niya. Para saan pa? Hindi naman siya makikinig sa akin. Ako pa rin ang lalabas na masama. Agad kong ni-lock ang pinto ng kwarto ko at nahiga sa kama. Naaamoy ko pa rin ang pabango ng baklang iyon dito. Ang weird nga, e. Imbis na mairita, tila nagugustuhan ng pang-amoy ko ang pabango no'n.

Nang iunat ko ang kamay ko, may nakapa ako sa kama. Pagtingin, 'yung panyo pala ng baklang iyon. Nairita agad ako sa kulay. What the fvck? Kulay pink. Itatapon ko na sana, pero dahil kanina pa akong wala sa sarili, nakita ko na lang na tinutupi ko na ito at nilagay sa study table ko. Agad akong bumalik noon sa pagkakahiga. Mabuti na lang at medyo nag-lie low na ang utak ko sa pag-iisip sa baklang iyon.

At 6 PM, kinatok na ako ni Mama para kumain. Naabutan ko sila ni Kendrick, kapatid ko, na hinihintay ako.

"Akala ko, hindi ka na kakain, eh," biro ni Mama. Buti na lang talaga at nasanay na ako sa pagiging palabiro ni Mama. Walang duda, kaya niya nagustuhan ang baklang iyon.

Naghugas muna ako noon ng kamay, bago kumain. Ginisang monggo ang ulam namin ngayon-- na siyang paborito ko. Tss, alam talaga ni Mama ang kahinaan ko. Bwisit.

"Kumain ka ng kumain. Next week, magiging busy na ulit ako sa opisina, kaya kailangan na ulit nating kumuha ng katulong," aniya.

Naisip ko na baka si Chris na naman ang kunin niya. Kaibigan niya 'yun at kauri ng baklang 'yun.

"Babae kunin mo, Ma. Please, huwag si Chris," walang lingong sabi ko.

"Hindi na p'wede si Chris, 'Nak. Si Jennifer ang kukunin ko. 'Yung pinsan mo," aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag doon.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon