MISSION #35

13.9K 355 15
                                    

MISSION #35

#Unexpected

[CALVIN:]

"Pare, mauna na kami, ah? Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin?" Ramil, one of my classmates, asked. Geez, hindi ba niya maintindihan na ayaw ko? Paano, pupunta raw sila sa mall para maghanap ng babae. It's not like I hate girls, pero may iba na akong gustong makasama. Heck yes, si Ciara Buenaventura. 'Yung amazona na 'yun. I never imagined myself falling in love with a girl like her-- 'yung hindi ko prefered para sa isang ideal girl.

Naiinis man, I just shook my head. "Nah, I'm okay. Sige na, I'll go ahead. Make sure na papasok kayo sa Lunes."

This time, si Carlo naman ang sumagot. "Tss, ang nerd mo naman! Naku, hayaan mo lang 'yan. Makakakuha tayo ng high grade diyan, huwag kang mag-aalala."

Tsk, paano, e lagi niyang dinadaan sa pera ang lahat. Kaya iyan, lumalaking walang alam.

"Naniniguro lang ako. Kung hindi kayo papasok, I'll make sure na wala kayong grade," banta ko sa kanila. Actually, hindi ko ito gawain, e. Ngayon lang talaga; with these lazy peeps.

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot, dahil may huminto nang jeep. Agad akong sumakay noon para makauwi na.

"Bye, Sir Calvin!" they chorused.

I just waved my hand, saka kumuha na ng pambayad. Isa ito sa nagustuhan ko sa Pilipinas, e. Hindi gaanong problema ang transportation, as long as you're streetwise. Nang makapagbayad ay agad ko nang in-on ang music player ko sa phone. Tamang soundtrip lang, para hindi ako ma-bored sa biyahe. Nasa may bandang junction na ako nang huminto ang jeep, at doon ay sumakay sina Lala at si Ciara. Nanlaki ang mata ko noon, as in literally! Parang kanina lang, iniisip ko itong freak na 'to, ah?

"Oy, Calvin! Hala, kamusta?" masiglang sabi sa akin ni Lala. Naupo ito sa may tapat ko-- dahilan para sa tabi ko maupo si Ciara, since wala nang space.

"I'm good. Actually, kagagaling ko lang sa bahay ng kaklase ko since we need to finish our report on Monday. Uhm, kayo? Teka, kasama niyo ba kanina si Joel?" I asked.

This time, Ciara responded. "Galing kami sa mall kanina. You know, girl stuff. Anyways, gagabihin yata si Joel dahil nag-date sila ni Cielo."

Nabigla ako roon. "Oh? Hindi ba magseselos no'n si Jake? I mean, Sinabi niya sa parents namin na sila na," usisa ko pa.

"Idiot. We all know na fake lang 'yun," mataray na sambit sa akin ni Ciara. Tss, amazona talaga.

"Ay, may gano'ng ganap, 'te?" Lala teased her. Geez, what the heck?

Nanahimik na lang ako noon dahil medyo nakakahiya naman kung maingay kami sa jeep. Center of attention tuloy kami. Habang nasa biyahe, bigla kong naisip na ihatid itong si Ciara sa bahay nila, tutal hindi pa man madilim. Another thing, to have some time with her. You know, GTK stage. Maya-maya pa ay nagpara na si Lala.

"O, mauna na ako sa inyo. Naku, iwasan niyo 'yang galawang breezy ninyo, ah?" litanya pa niya.

Napailing na lamang ako sa kanya. Geez, ano ba 'yung mga pinagsasasabi ng babaeng iyon. Tahimik na ulit kami si Ciara noong umandar na ulit at jeep. Ako? Heto't nakatingin lang sa phone ko. Tamang basa ng mga messages. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong ikilos. Although hindi naman halata, there's this awkward feeling between us. I don't know why. Maybe, alamin ko na lang mamaya.

"Hey, lagpas na tayo sa inyo. Pababa na rin ako," bigla niyang sabi sa akin.

"It's okay. Sasabay na lang ako sa'yo pagbaba." Nakuha ko pa siyang kindatan noon, dahilan para masaksihan ko ang pagba-blush niya. One point for me!

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon