A/N: Sasabihin ko na po 'yung UNANG bad news. Yes, dalawa ang bad news ko, saka isang good news. PERO, saka ko na sasabihin 'yan. Ito na nga, once na matapos po itong Taming Mr. Homophobe, hihinto muna ako sa pagsusulat ng mga bxb-themed na stories. Why? Magfo-focus ulit ako sa iba ko pang naka-onhold na stories, na puro bxg. Pero kung gusto niyo rin iyon i-try, okay lang. Walang pilitan. Don't worry, babalik ako sa pagsusulat nito kapag okay na.:)
- SHNMTCPS: Pasensya na't natagalan sa pag-u-update. Medyo nawalan kasi ako ng ganang magsulat nitong mga nakaraang araw. Ang mahalaga, may update ako ngayon. Hahahaha.
_________________________________
MISSSION #46
#LettingGo
[JOEL:]
"That's all," masaya kong sabi sa harap ng klase.
Well, sabihin na lang nating nagkaroon kami ng reporting ngayong araw. Sad to say, kami nitong ka-partner kong kupal ang naunang mag-ulat sa harap ng klase. Ilang araw-- linggo, rather, din ang lumipas. Sa ilang linggo na 'yun, maraming nangyari. Pinaka-highlight na siguro ang naganap na Speech Choir at Readers Theater sa Holy Angel University na sinalihan namin. Glad to say that, we bagged the championship for the latter. Naman! Ako nag-lead, e. Kidding aside, siyempre, tulungan ang lahat para maipanalo 'yun.
Agad na rin akong bumalik noon sa upuan ko. Hinayaan ko na lang doon si Jake na ayusin ang mga reporting materials namin.
"Tumulong ka nga rito!" bulyaw naman nito sa akin, dahilan para maging tampulan na naman kami ng tukso.
Letsugas na 'yan. Kabalbalan nitong mga ungas kong kaklase. Mayroon pa silang nalalaman na Team JoKe. Kaloka lang, 'di ba!? Tama bang i-ship ang pangalan namin? Hihi. Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi, iniisip ko lang kung ano'ng reaksyon nitong kupal na 'to. Nakakahiya naman kasi sa kanya, 'di ba? Bago pa niya ako tuluyang sigawan ay tinulungan ko na siyang ayusin ang mga ginamit namin. Hindi ko na lang pinansin ang mga panunukso ng mga kaklase namin. Bahala sila. Basta ako, I don't give a damn. Nabigla't napatahimik na lamang ang lahat nang padabog na lumabas si Cielo, sabay balibag sa pinto ng room namin. Uh-oh.
"I smell trouble," alanganing untag ni Lala, na hindi naman kalayuan ang p'westo sa amin.
"Sshh!" pigil naman sa kanya ni JD. Mukhang napansin kasi nito ang pagiging balisa ni Ciara.
Mukhang tama nga si Lala. Mukhang trouble nga ito. Ito na nga ba'ng sinasabi ko, e. Marami talagang namamatay sa maling akala. Akala ko kasi, naintindihan na ni Cielo ang naging usapan namin last week, e. Pero, bakit ganito pa rin siya kumilos? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Huwag kang makonsensya, Joel. Sinabi mo lang naman kung ano'ng tunay mong nararamdaman, e. Ganyan lang talaga 'yang si Kuya," malungkot na sambit sa akin ni Ciara-- na hindi ko na napansin na katabi ko na pala. Mukhang susundan niya ang kapatid niya.
"Hindi ka galit sa akin, Ciara?" malungkot kong tanong sa kanya. Kasi naman, ini-expect ko na magagalit siya sa akin at itatakwil niya na ako bilang kaibigan niya.
Tipid itong ngumiti sa akin. "Naiinis ako sa'yo, Joel, pero masyado namang mababaw 'yun gayong wala ka namang ginawang masama. Isa pa, you're just being honest. Walang masama roon. Mauna na muna ako. Baka mabaliw na 'yung Cielo na 'yun, eh."
Nakuha pa niyang tumawa noon, bago lumabas. Ako? Tulala pa rin. Tell me, paano ako matutuwa sa isang sitwasyon na alam kong mayroong nasaktan dahil sa akin? Tanga lang ang matutuwa ng gano'n. At hindi ako tanga. Kaibigan ko si Cielo kaya nalulungkot ako na nakikita ko siya na ganoon ang kinikilos. Hay! What a life.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)