MISSION #15

16K 436 27
                                    

MISSION #15

[JOEL:]

Tahimik ko lang siyang sinundan noon, habang nasa likod namin si Ciara. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko noong mga oras na iyon. Isa pa, wala na rin noon si kupal para sana makahingi ako ng tulong, kahit alam kong 1% lang ang chance na tulungan ako. Maya-maya lang ay nasa student center na kami.

"H-Hindi ba tayo mahuhuli niyan sa TLE natin?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

Si Ciara ang sumagot. "Wala tayong TLE, Joel. Nakasalubong ko kanina si Anjanette at pinapasabi raw ni Sir Borromeo na walang klase ngayon. Anyways, maiwan ko muna kayo."

Kokontra pa sana ako kaya lang, nakatakbo na siya paalis. Oo, tumakbo talaga ang gaga para hindi ko siya mapigilan. Tch, ano ba 'tong napasukan ko.

"Joel, tumingin ka sa akin," Cielo commanded. Grabe, ang seryoso niya ngayon.

Agad tuloy akong napatingin sa kanya. Tama nga ako. poker faced siya ngayon. Ni wala man lang sign na nakangiti o galit o anupaman. Good thing is, walang nakatambay na mga estudyante roon ngayon. At least, hindi ako totally manliliit sa mga sasabihin niyang panunuya sa akin.

"Bakit mo ako iniiwasan? Dahil ba 'yun sa nangyari kahapon?" seryoso at deretsahan niyang tanong. Wala man lang siyang pasikut-sikot.

Hindi ko makuhang sumagot agad sa tanong niya. Ni hindi ko rin siya makuhang matitigan man lang.

"Sagutin mo ako," dagdag pa niya.

"Cielo, p-pasensya ka na sa nangyari kahapon, ah? H-Hindi ko naman talaga sinasadya, e." Hindi ko napansin noon na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Naiiyak na naman ako dahil sa posibilidad na pati si Cielo, iwasan din ako.

Wala na akong pakialam noon kung may makakita sa akin na ganoon. Ewan ko ba, parang bigla kong naalala 'yung nangyari sa amin ni Jonathan. Nabigla ako noon nang maramdaman ko ang mga kamay niya. Maya-maya pa, niyayakap na niya ako.

"Joel, bakit ka ba hingi ng hingi ng sorry? 'Di ba, sabi ko kahapon, ayos lang?" malumanay niyang sabi sa akin. Ewan ko ba, pero mas lalo pa yata akong napaluha.

"E-E kasi, e.." Hindi ko matuluy-tuloy ang sinasabi ko.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Joel, listen. Wala namang isyu sa akin 'yun. Isa pa, sabi ko nga sa'yo dati, mataas ang respeto ko sa'yo. In fact, may g-gusto akong aminin sa'yo."

Naupo na kami noon. Ano kaya 'yung aaminin niya sa akin?

"Joel," seryoso niyang tawag sa akin. "Hindi ko alam kung ano'ng tawag sa ganito, pero ako 'yung tipo na nagkakagusto hindi lang sa babae, pati na rin sa kapwa ko lalaki."

Shocked ako noon sa nalaman. Bakla din si Cielo? Uh, hindi. Sabi nga niya, p'wede siya sa lalaki, p'wede rin sa babae. Teka, ang alam ko, bisexual ang tawag do'n. Well, iyon ang sabi sa akin dati ni Justin noong may na-encounter kaming  kasama sina Trixie at Michael na gano'n ang sitwasyon.

"S-So, bisexual ka pala," tila nauutal ko pa ring sabi. Hindi ko pa rin totally naa-absorb lahat ng nalaman ko ngayon.

"Kung ano man ang tawag doon, Joel. Pero, may isa pa akong gustong sabihin," seryoso pa rin niyang sabi. "Gusto kita."

Alam niyo ba? 'Yung shock na naramdaman ko kanina, halos dumoble sa sinabi niya! I mean, sino bang hindi? E pinagtapat lang naman niya sa akin ang nararamdaman niya! Grabe, pakiramdam ko noong mga oras na iyon, mauubusan ako ng hininga.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon