MISSION #67
How to win his heart? Just tell him nothing but your true feelings.
[JAKE:]
"I'm really sorry, Joel, pero-"
Tangina, hindi ko masabi 'yung gusto kong sabihin. Parang may biglang bumara sa lalamunan ko na hindi ko mawari. Hindi ko maipaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko as of this moment.
"Jake, pagod ka na ba sa akin? Na-realize mo na ba na straight ka pa rin at babae dapat ang mahalin mo?" naluluha na niyang tanong sa akin.
Imbes na magsalita, bigla ko siyang kinabig palapit sa akin, saka ko siya niyakap ng mahigpit. Tang ina lang, ang saya ng pakiramdam ko! Parang daig ko pa sina Justin sa pagkapanalo sa saya na nararamdaman ko ngayon! Ito na 'yung sagot sa lahat ng hiling ko, e - ang mahalin din ako ng taong mahal ko.
Nabigla pa ako noon nang suntukin niya ang bandang dibdib ko. "Magsalita ka naman, please, o!? Paaasahin mo na naman ba ako!?"
Natawa na lang ako noon, saka siya hinalikan sa labi. Ilang beses nang nagdampi ang mga labi namin sa isa't isa, ngunit gano'n pa rin ang pakiramdam. Sa kanya ko pa lang naramdaman ang ganitong saya-iyong saya na tila mayroong paru-parong naglalaro sa iyong kalamnan? Iyon bang para kang nasa cloud nine? Hindi ko maipaliwanag ng maayos, e. Nakaka-overwhelm.
"Joel, let me finish first, okay?" ani ko sa kanya pagkabitiw ko sa halikan namin. "I'm sorry kasi hinalikan kita. I'm sorry kasi naging douchebag ako sa paningin mo noong una. I'm sorry dahil hinding-hindi na kita hahayaang mapunta pa sa iba. I love you; I really do. Gusto ko, akin ka lang. Gagawin ko ang lahat para hinding hindi ka magsawa sa akin."
Iyong disappointment niya? Biglang nag-shift into light. Bahagya pa akong nabigla nang halikan niya ulit ako, na taos-puso ko ring tinugunan. Ang sarap sa pakiramdam. Parang ayaw ko nang matapos.
"Nakakainis ka!" aniya. "Pinakaba mo ako roon, ah?" paninisi pa niya sa akin.
Natawa naman ako. Mabuti na lang at wala na halos estudyante na nakakalat sa palibot ng school. Sabagay, maagang pinauwi ng mga kaguruan dahil sa nangyaring contest kanina.
"Para masaya," nakangiti kong sabi. "Pero seriously, daig ko pa ang nanalo sa Extra Challenge kanina dahil sa sagot mo."
"Talaga?" Tila nahihiya pa siya noon.
"Oo."
"Bakit mo ba ako minahal, Jake?" tanong pa niya sa akin.
Bago ko sinagot iyon, inihiga ko muna ang ulo niya sa balikat ko. Alam kong napagod din siya sa Extra Challenge kanina, kaya gusto ko munang pagpahingain siya. Idagdag pa 'yung stress na dinala ko sa kanya kani-kanina lang.
"Kailangan ba talaga ng dahilan para mahalin kita?" Hinalikan ko ang ulo niya noon. "Mahal kita kasi sa'yo ko ito naramdaman, Joel. Mahal kita kasi tinanggap mo pa rin ako kahit na ang sama ko sa'yo. Mahal kita kasi binago mo ang mga pananaw ko sa mundong ito, lalo sa mga kauri mo."
Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Hindi na siya nagsalita matapos niyon. Okay lang, nasabi ko na rin naman na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya, e. Ang gusto ko lang ngayon ay ganito muna kami-tahimik, at tila kami lang ang tao sa lugar na ito.
______________________________________________________________________________
[JOEL:]
After an hour, he decided na sa amin makitulog. I dismissed the idea, but he insisted more. Nag-aalala lang naman ako sa sasabihin ni Tita, e. Isa pa, mas kailangan siya sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)