A/N: Inuulit ko, #BaiLona Side Story muna ako ngayon. Pause muna sa tambalang bakla at kupal. Lol.:)
PS: May malalaman kayo rito na mahalagang info. kaya huwag niyong i-skip. LMAO. HAHA.
PPS: BaiLona / Calvin x Ciara sa multimedia section sa taas ⬆⬆⬆
____________________________
MISSION #13
[CIARA:]
"Bye, Ciara! Paano, good luck na lang sa lecheng project natin sa Trigo," natatawang sabi ni Lala sa akin. Oh yes, siya ang ka-partner ko rito sa Trigonometry project na 'to.
Ang mas masaklap doon? Parehas lang naman kaming walang alam doon. Doon nga sa unang quiz namin, mas mataas pa sa amin si Joel, eh. Nakakahiya lang kaya 'yun!
"Oo na. Isang malaking good luck talaga sa atin!" Talagang in-emphasize ko pa ang salita o phrase na good luck. Hindi pa man dumarating ang Lunes, naluluha na ako. Poor me. Poor us.
Sakto naman no'n nang may bumusina na sa labas. Malamang ay si Kuya na 'yun. Yes, si Kuya Cielo. Kambal kami, pero dahil siya ang naunang lumabas noon sa sinapupunan ni Mommy, Kuya ang tawag ko sa kanya. There's no problem with that, I guess. Another thing, mas karespe-respeto naman siya kaysa sa akin.
Agad na rin akong lumabas noon para sumakay na sa kotse. Well, marunong nang mag-drive si Kuya. In fact, mayroon na siyang student license. Sadyang ayaw lang niyang gamitin every time na pumapasok kami sa school. Agad na rin niya iyong pinaandar. Tamang bilis lang naman ang pagpapaandar niya.
"Tapos na kayo ni JD?" tanong ko sa kanya. Ka-partner niya iyon sa Trigo, and mind you, si JD ang pinakamatalino sa amin, especially sa Trigonometry. Swerte tuloy ni Kuya.
"Yep. Actually, kanina pa. Tinapos na rin namin kanina 'yung Project Proposal namin," kaswal lang niyang sagot habang nagmamaneho pauwi.
Hindi naman kalayuan ang bahay nina Lala. In fact, p'wede naman itong lakarin kung masipag kang maglakad. Pero in my case kasi, ayaw ko nang mas lalong umitim pa, kahit na proud naman ako sa skin color ko. We all know that our society is full of judgmental people. Akala mo, kung sinong mga perpekto. Akala mo, walang mga imperfections. Nakakalungkot lang isipin na ganito ang ginagalawan ko o namin ni Joel na mundo. Isa pa, hindi naman kasi ako maitim na maitim, ano. 'Yung mala-morena lang. Hindi ko lang talaga ma-gets ang mga tao sa kung ano ang mga pinaglalaban nila sa buhay. Isa pa, i don't give a damn. Really don't.
"Ako na ang tatapos ng Project Proposal namin ni Lala. Wala akong tiwala sa babaitang 'yun," natatawa kong kwento kay Kuya.
"Hala. Bakit naman?" natatawa din niyang tanong.
"Kasi naman, may pinaglalaban siya na hindi naman p'wede. I mean, masyadong irrelevant sa Physics, so 'yung naisip kong Project Proposal namin ay Kaleidoscope," may pagmamalaki kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit natawa noon si Kuya. "So.. cliché."
Sinamaan ko nga ng tingin! Mukhang nahahawa na kasi sa amerikanong hilaw na Calvin na 'yun, eh. "You want this!?" Talagang tinaas ko ang kaliwang kamao ko para makita niya.
"Chill, Cia. I'm just joking. Pero, ano namang bali ang gagawin mo sa Kaleidoscope mo?" natatawa pa rin niyang tanong.
Doon na ako napangisi. "Well, that's a secret."
Nang makarating ay agad na akong pumasok sa loob. Sinalubong pa ako ng katulong namin para tulungan ako sa pagbubuhat ng mga dala kong gamit, pero humindi ako. Hindi naman kasi kami brat na katulad ng iniisip ninyo. Never in my wildest dreams kong pinangarap na maging gano'n. Wait, teka.. hindi ba redundant 'yun? Uh, bahala na.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)