MISSION #57

9.4K 354 48
                                    

MISSION #57

#IlocosEscapadePart4

[JAKE:]

Tang ina talaga. Kanina pa ayaw tumigil sa pagtulo itong mga luha sa mata ko. Ganito pala ang pakiramdam na ma-reject ka? Akala ko, wala lang ito; na hindi naman pala gano'n kalala, pero hindi pala. Tagos sa buto ang sakit! Hindi muna ako sumunod noon papasok sa bahay nila. Ano namang gagawin ko doon? Aakto na parang wala lang sa akin ang nangyari? Magagawa ko pa bang tumabi sa kanya sa pagtulog? Parang ang hirap naman yata no'n. Mayroon na kasing wall na nakaharang sa pagitan namin.

In the end, I decided na sa balkonahe ng bahay na lang nila matulog. Mayroon doong duyan na pahingaan. Hindi ko na inintindi pa noon ang mga kwentong katatakutan na nababasa ko lalo na kapag nasa probinsya ka. Ang mahalaga muna sa akin ngayon, makalayo muna sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam ngayon kung paano ko pa siya haharapin. Baka kapag ginawa ko, maalala ko na naman ang mga masasakit na sinabi niya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog, basta nagising na lamang ako dahil bukod sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, mayroon pang kumakalabit sa akin. Agad akong napabalikwas noon nang maanigan kung sino iyon-- si Tito pala.

"Bakit diyan ka natulog, Jake?" aniya.

Nagpungas muna ako bago sumagot. "Hindi po ako makatulog kagabi, kaya naisipan kong magpahangin dito. Hindi ko na po namalayan na nakatulog na pala ako," palusot ko. Hindi na dapat nila malaman ang naging usapan namin ni Joel kagabi.

Tumango naman ito, saka pinapunta muna ako sa kwarto para makapagpahinga pa. Nagdadalawang-isip ako kung saang kwarto ako tutungo. Pero, in the end, sa kwarto na lang nina Mama ako nakitulog. Good thing, wala na noon si Cassie.

"O, Jake? Ano'ng problema?" tanong sa akin ni Mama, na bahagyang napahinto pa sa pag-aayos ng kama.

"W-Wala. Dito na lang po muna ako makikitulog, 'Ma. Kung ayos lang po," nag-aalangan kong paghingi ng pahintulot.

Nangiti naman siya. "Jake, ano'ng nangyari? Mama mo ako kaya alam kong galing ka sa pag-iyak."

Tang ina naman, o. 'Yung pilit ko na ngang kinakalimutan para hindi na ako masaktan, pilit pa rin nilang pinapaalala. "'Ma, inaantok pa po ako."

Good thing, hindi na rin niya ako kinulit. Hinayaan na muna niya ako na tumabi kay Kendrick noon na tulog pa, habang siya naman ay bumaba na. Parang wala na rin akong nararamdaman noon. Tila namanhid na ako mula pa kagabi. What do I expect? E, wala naman akong makausap kagabi na p'wede kong paglabasan ng sakit. Ugh, bakit ba kasi naging ganito pa kakumplikado ito?

____________________________________________________________________________________________

[JOEL:]

Hapon na, pero hindi ko pa nakikitang lumabas si Jake sa kwarto nina Tita. Aaminin ko, nakokonsensya ako sa mga nasabi ko sa kanya kagabi. Bakit ba? E, sa nagpapaka-realistic lang naman ako. Pero, I never expected na mamahalin pala ako ng taong mahal ko? Oo, masaya ako, pero tama naman ang sinabi ko, 'di ba? Paano na lang kung maging kami? Paano ang mga sasabihin ng iba? Parang hindi ko rin kaya na nakikitang pinupulaan ng iba ang relasyon namin, lalo na ang pagpula nila sa pagkalalaki ni Jake. Ako ang mas masasaktan kung gano'n ang mangyari.

"Bro," tawag sa akin ni Calvin. "Iniisip mo siya, ano?"

"Sino?" pagmamaang-maangan ko, kahit alam ko naman kung sino'ng tinutukoy niya.

"Tss, stop acting like a dumb, Joel. We all know how much you love him. Hindi mo man sabihin sa akin ng direkta, alam kong mahal mo siya," aniya.

Hindi ko alam kung ano'ng iri-react ko sa mga sinabi niya. Tama naman siya, e. Mahal ko naman talaga si Jake, at hindi ko alam kung magbabago pa ba iyon o hindi na.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon