DELETED NA PO ANG SPG CHAPTER AT IN-EDIT KO NA RIN PO ANG MISSION #60 TO AVOID CONFUSION. Sana, magustuhan niyo itong Mission #61 'cause you know, the end is just around the corner. *pabebe wink
__________________________________
MISSION #61
#JealousMan
[JOEL:]
Nakakainis! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali. Paano kasi, hindi ko maintindihan si Jake. Kahapon lang, ang saya-saya niyang nakikipagkulitan sa akin. Masaya pa nga ako no'ng hinatid namin sila sa bahay nila, e. Then, all of a sudden, bigla na lang siyang hindi namamansin. Kaninang umaga, masaya pa akong nag-text sa kanya ng "good morning", pero ano? Wala man lang akong nakuhang reply galing sa kanya. Alam kong ang OA ko lang, ano. Malay ko naman, walang load para i-text ako. Pero, gaguhan lang!? Nalaman laman ko na lang na mayroon pala siyang load!? Paano? Aksidente kong nabasa ang text niya kay Calvin noong hiniram ko ang cellphone ng huli. O, 'di ba? Iniiwasan ako ng kupal? Bahala siya sa buhay niya. Akala naman niya, ito-tolerate ko ang pagiging pabebe niya, ah? Manigas siya!
Para mabawasan ang yamot na nararamdaman ko, naisipan ko na lang ulit na mag-Facebook muna. Actually, kanina pa ako online. Well, ka-chat ko kasi si Justin saka si Michael. Natutuwa lang kasi ako sa kanila. Talagang binalita ko pa sa kanila, including Trixie ang nangyaring pag-uusap namin ni Papa. Masaya rin daw sila sa akin dahil alam naman nila na matagal ko na iyong pangarap na matupad. Nagkausap naman kami ni Justin kanina dahil bagong palit ang DP niya sa Facebook. Mukhang nagpunta ang loko sa ilog. Nakakatuwa lang dahil mukhang tanga 'yung DP niya. Hindi bagay sa personality niya. After an hour siguro nang tawagin ako ni Papa. Mukhang masama pa rin ang pakiramdam nito. Sabi kasi ni Mama, natulog daw ito ng shirtless kaya nalamigan at ito nga't may body ache daw. Mukhang alam ko na rin kung ano'ng ipapagawa niya sa akin. Okay lang, since bumabawi nga ako sa mga pagkukulang ko sa kanya bilang anak. Pagkapasok sa kwarto nila ni Mama, napansin kong medyo makalat ito. Napailing na lamang ako noon. Mukhang hindi naman maharap ni Mama si Papa dahil busy ito sa pagluluto ng tanghalian namin. Binilinan pa nga kami nito na huwag masyadong maingay dahil baka raw makaistorbo kami kay Papa.
"Joel, anak, sabi ni Jonathan marunong ka raw magmasahe?" tanong nito sa akin, na agad ko namang tinanguhan. "P'wede ba akong magpamasahe sa iyo? Medyo masakit pa rin kasi ang katawan ko."
"'Pa naman. No need to ask. Gagawin ko naman po basta iutos ninyo," sagot ko sa kanya, habang hinahanda ang mga gagamiting ointment. Alam ko naman kung saan nakalagay iyon dahil tinuro iyon ni Mama sa akin dati, just in case na maubusan kami ng para sa amin.
"Salamat kung gano'n, Joel," nakapikit nitong sabi pa, habang bahagyang nakangiti.
Doon pa lang ay ayos na ako, kaya pinagbuti ko talaga ang pagmamasahe sa likod niya. Dahil mahilig din akong magbasa ng mga libro o articles related sa massaging, alam ko kung saang bahagi ng katawan niya ang dapat kong daanan, para na rin gumaan ang pakiramdam niya. Well, mukhang epektibo naman dahil naghihilik na siya kinalaunan. Mukhang nasarapan sa masahe na ginawa ko. Ilang saglit pa ay tinapos ko na rin iyon at naisipan kong maglinis sa kwarto nila. Mula sa pagwawalis ng mga kalat, saglit akong napahinto nang may mapansin sa bandang ilalim ng kama. Saglit ko munang tiningnan noon si Papa, bago ko iyon hinila palabas. Bakit kaya nandito itong bed sheet nila? Mukhang kagabi lang ito nilagay doon, e. Ibabalik ko na sana nang may mapansin akong parang dugo. Ilang saglit pa nang ma-realized ko kung ano iyon. Jusko, kaya naman pala parang lutang sila pareho. Jusko, ang tanda tanda na, gumagawa pa ng kababalaghan! Joke lang, siyempre. Pero seriously, hoping ako na sana, magkaroon ulit kami ng kapatid. Hindi naman imposible iyon dahil bata pa naman si Mama. Kaya pa naman niyang magdala ng anak. Agad ko nang ibinalik iyon sa ilalim ng kama, saka dali-daling lumabas sa kwarto nila. Pagkabalik sa kwarto ay saglit kong tiningnan ang phone ko. As expected, wala pa rin akong natanggap ng text galing sa magaling na kupal. Tch, nakakainis talaga! Ano ba 'yan!? Ibabalik ko na sana iyon sa study table ko nang biglang tumunog iyon. Siyempre, excited ang gaga dahil baka si Jake na iyon. Walang lingon-lingon, agad ko nang pinindot ang answer button.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)