NOTE: May not-so-hardcore SPG rito. HAHAHAHA. Please beware. (Dahil medyo sabaw iyong part na iyon.xD)
Last part na po ito ng special chapter. Sana ay nagustuhan ninyo. x o x o
______________________________
SPECIAL MISSION E
[JOEL:]
December 24 na. Bisperas ng pasko, yet parang hindi ko maramdaman. I mean, ilang araw nang wala sa sarili si Jake. Lagi na lang itong tahimik at hindi umiimik sa mga kwentuhan namin. Madalas din itong nagkukulong sa kwarto namin---dahilan para lalo akong makaramdam ng pagkalungkot. Hindi ko tuloy mapigilang mapag-isa rin at mag-isip ng paraan para ma-uplift man lang ang mood niya.
"Hey." Napapitlag ako kay Calvin na naupo sa tabi ko.
Nandito kami ngayon sa dalampasigan at pinagmamasdan ang sunset. Ilang oras na lamang at sasapit na ang kapaskuhan. Wala ngayon sina Mama, Tita at Papa. Namili sila sa palengke ng mga ihahanda namin para mamaya. Bumili rin si Papa ng isang buong lechong baboy since sa amin din makiki-celebrate ang kapatid niya't pamilya nito. Si Jake? Nasa kwarto na naman.
"Hey too," walang gana kong sagot sa kanya.
"Nami-miss mo?" nakakalokong tanong nito sa akin.
Inismiran ko nga. "Ikaw, kung anu-ano ang naiisip mo."
"Biro lang naman." Napakamot ito sa sentido. "By the way, alam ko naman na kahit ikaw mismo, walang magawa para pasayahin siya. Am I right?"
Gano'n na ba ako ka-densed? Awtomatiko akong napatango noon sa sinabi niya. Inakbayan naman ako nito afterwards.
"You love him, right?" seryoso nitong tanong sa akin. "If you love him, show it to him. Support him. Remind him how much you love him. Hindi 'yong nandito ka lang sa dalampasigan at nagmumukmok lang."
"Easier said than done!" nakanguso kong untag.
"Come on. Why give it a try? Wala namang mangyayari kung wala kang gagawin, e. At a time like this, naghahanap iyon ng support." Tumayo ito saka hinila rin ako patayo.
Bahagya mang nabigla ang katawan ko sa ginawa niya, tumayo na rin ako. Pinagpag ko muna ang bandang puwetan ng pants ko saka siya hinarap.
"Thanks, Calvin," nakangiti kong sagot.
He winked at me. "No biggie. Basta ikaw, kapatid."
Patakbo kong tinungo noon ang kwarto ni Jake---namin, actually. Naka-lock ito, kaya saglit pa akong huminto. Kumatok muna ako ng tatlong beses, bago iyon buksan. As expected, nakadungaw na naman si Jake sa dalampasigan habang tumutugtog ang isang mellow na kanta. Dahan-dahan ko siyang nilapitan, saka sumandal sa balikat niya.
"Nami-miss ko na 'yong Jake ko," pabebe kong sambit sa kanya habang ginagaya siya sa pagtingin sa kawalan.
Bahagya siyang napagalaw doon. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap ng isa niyang kamay sa aking baywang. Wala siyang sinambit na kung ano, basta na lamang niyang isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Hay, kahit ako, nararamdaman ko ang bigat na dinadala niya. Worst, wala man lang akong magawa para maibsan iyon. Alam kong mali mang isipin, pero hindi ko maiwasang hindi magtanim ng sama ng loob sa ama niya. I mean, wala akong idea sa naging pagtatalo nila, pero kasi, the mere fact na nagkakaganito si Jake dahil dito, parang nakakainis lang. Hay, nabubuang na naman ako.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)