MISSION #38
#Epic!
[JOEL:]
These past few days ay naging busy talaga kami para sa play-- to the point na halos abutin na kami ng alas-otso ng gabi para lang sa pagpapraktis. Ayos lang naman iyon kay Mama since mayroon akong ni-present na letter. Hindi naman nagsasalita si Papa noon na nasa bahay ngayong linggong ito. Kung maaari, hindi na lang ako nagsasalita para hindi na lang ako masaktan sa mga maaari niyang sabihin sa akin. Ayos lang naman sa akin iyon, e. Mas mayroon akong peace of mind kapag ganoon.
Ngayong araw nga ay ang mismong pagsisimula ng selebrasyon ng Linggo ng Wika. Maayos na ang stage sa central part ng school nang datnan namin ito. Panigurado, mga galing sa SSC (Special Science Class) at SSA-D (Dancing) ang mangunguna roon. Sa pagmamasid ko roon ay nakabungguan ko si Justin na mukhang aligaga. Kung sabagay, busy rin ang isang ito para sa Lakan at Mutya. Naku, magwewelga ako kapag hindi siya o sila ni Clay ang nag-lead sa botohan! All out kaya ako sa pangangampanya! Charot lang.
"Dong, what's with that face?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Napakamot naman siya ng ulo noon. "Ha? E-E, nawawala kasi 'yung panyo ko."
Gusto ko sanang matawa roon, pero ni-set aside ko na muna. "Ano ba'ng mayroon sa panyo na 'yun at aligaga kang hanapin 'yun?"
Bigla naman niya akong inakbayan, saka inanyayahan akong maupo sa mga upuan na nandoon. Wala pa namang masyadong estudyante roon, kaya marami pang vacant seats.
"Dong naman, may sentimental value naman kasi 'yun. Bigay sa akin 'yun ni Michael. Alam mo naman kung paano ko pinahahalagahan 'yung mga bagay na binibigay sa akin, 'di ba?"
Isa ito sa dahilan kung bakit proud na proud ako na naging kaibigan ko itong si Justin. Paano, alam niyang pahalagahan ang lahat ng bagay na mayroon siya. Hindi rin siya 'yung tao na madaling makalimot. What I mean is, napaka-down to earth niyang tao. No doubt, kaya siya naging certified campus crush dito.
"Ay, sorry, Dong. Wala ba sa bag mo o kaya naiwan mo na lang sa bahay ninyo?" tanong ko pa.
"Hindi ko alam, Joel. Uh, mauna na ako, ah? May dadaanan pa ako saglit, e," paalam niya sa akin.
Nangiti naman ako. "Sure. Sure. See you around!"
"Same here!"
Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko—dahilan para pagtinginan ako ng mga kapwa ko estudyante sa hindi kalayuan. Mukhang nabigla sa ringtone ko. Paano, pinalitan ni Calvin noong isang araw! Letsugas na lalaki 'yun!? Paano, talagang Barbie Girl pa ng Aqua 'yung pinalit! Nakakahiya, 'di ba!? Anyways, kaysa naman humaba pa ang kahihiyan ko, e sinagot ko na rin iyon without checking kung sino 'yung balasubas na nagdala sa akin sa kahihiyan na 'yun.
"Hello," bati nito sa kabilang linya. Boses pa lang, 'yung balasubas na kupal na si Jake na. Tch.
"It's me.." Napakanta pa ako nang wala sa oras. Hindi ko naman alam kung ano itong kinanta ko.
"Lul, nasaan ka na ba? Pumunta ka rito sa room. ASAP," utos niya sa akin. Aba, gago 'to, ah? May program kaya!? Saka isa pa, required kaya kaming um-attend ditto.
Tumikhim muna ako. "Nagbibiro ka ba?Required kaya tayong manood ng program," nauurat kong sabi sa kanya. Istorbo, e.
"Tss, uunahin mo pa 'yan? 'Pag hindi ka pa pumunta rito, kakaladkarin kita."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)