MISSION #55

9.4K 328 35
                                    

MISSION #55

#IlocosEscapadePart2

[JOEL:]

In-enjoy ko muna ang sarili ko sa panonood ng primetime teleserye sa sala. Good thing, sina Mama, Tita (Mama ni Jake) at Kendrick na lang ang nandoon. Tulog na rin noon ang huli, kaya medyo mahina lamang kung sila ay magkwentuhan. Agad naman akong naupo noon sa kabilang side ng sofa.

"Ba't gising ka pa, anak?" usisa sa akin ni Mama.

"Oo nga. Teka pala, kamusta si Jake sa taas? Hindi ka ba niya inaasar?" sabat naman ni Tita.

Todo-iling naman ako, dahil hindi naman talaga iyon totoo. "Hindi naman, Tita. Bumaba po muna ako para manood ng teleserye."

"Mabuti naman kung gano'n, anak," nakangiting untag ni Mama. "Nakakatuwa talaga 'yung anak mo, Mare. Naku, alagang alaga talaga niya itong panganay namin," sabi naman niya kay Tita.

"Alam mo 'yan, Mare. Naku, excited na tuloy ako sa p'wedeng mangyari sa kanilang dalawa sa future," tila ba kinikilig namang reaksyon ni Tita.

Jusko, bumaba nga ako para makapag-unwind, pero itong dalawa naman na 'to, masyadong pabebe! Pati love life ko, hinuhulaan na kung ano ang susunod na kabanata. Ugh.

"Ma, naman, e," nasabi  ko na lang.

"Anak, nagbibiro lang kami. O siya, aakyat na kami." Tumayo na sila ni Tita. "Patayin mo lahat ng p'wedeng pagmulan ng sunod diyan, ah. Matulog ka na rin."

"Opo. Good night, Ma. Good night, Tita."

"Good night din."

Wala naman sa palabas noon ang focus ko. Paano, paulit-ulit namang nagpi-play sa utak ko 'yung mga nangyari kanina, hanggang sa mga pinag-uusapan nina Mama. Talagang boto sila kay Jake para sa akin. Ugh, hindi ba nila nakikita na hindi naman kami? Worst, na walang nararamdaman si Jake para sa akin?

Hindi ko na namalayan noon na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako noon nang maramdaman kong may bumuhat sa akin at nilapag ako sa iaang malambot-- wait, kama? Agad akong napamulat noon , and to my surprise, I saw Jake's handsome face. Mukhang nabigla rin siya dahil nakadilat na ako.

"Pinalipat ka sa akin ni Tita," seryoso niyang sabi sa akin.

Napansin ko rin noon na wala si Calvin sa kwarto namin. Supposedly, dapat tulog na 'yun, ah?

"Kung nagtataka ka kung bakit wala si Calvin, doon muna siya pinatulog ng Papa mo sa kwarto nina Jonathan," sabat pa nitong kupal na 'to.

So, meaning, kaming dalawa lang ang nandito? What the heck? Tumayo ako noon para bumalik sa sala, pero pinigilan ako ni Jake.

"Mapapagalitan ako 'pag pinilit mo pang bumalik doon. Tss," aniya.

Kahit tuloy gusto kong bumaba, I have no choice but to sleep with this bastard. To be honest, I have this awkward feeling in this situation. Why? Ikaw kaya ang makatabi ng taong iniiwasan mo? Sa tingin mo, makakatulog ka ng maayos? Tumalikod ako noon sa kanya, para na rin hindi na lumala pa itong awkwardness na nararamdaman ko. Naramdaman ko rin na nahiga na siya sa tabi ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog na ulit ako.

____________________________________________________________________________________________

Alas singko pa lang ng madaling-araw ng gisingin kami ni Calvin. To my surprise, nakakulong ako sa mga bisig ni Jake, habang nakadantay ang hita ko sa kanya. What the heck!? Babangon na sana ako noon nang higpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa akin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon