MISSION #66

10K 291 24
                                    

MISSION #66

#ExtraChallenge

[JAKE:]

Nakangiti kong tinahak ang daan pauwi sa amin noon. Wala lang, masaya lang ako dahil sa ginawa ko kanina. Alam kong naging center of attraction kami ni Joel noon, pero gaya ng sabi ko dati, hindi namin kailangang isipin ang sasabihin nila. Hindi sila ang magdidikta kung ano ang dapat at hindi dapat namin gawin. Nasalubong ko pa noon si Adrian na pasimpleng naglalakad. Mukhang alam ko na kung sino ang sinusundan niya rito.

"Bakit hindi mo na lang kaya sila lapitan?" nasabi ko na lang sa kanya. Mukhang nabigla pa siya noon sa presensya ko.

"O-Oy, Jake. Ikaw pala. Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan," palusot pa siya.

Napailing na lamang ako. "Nagmamaang-maangan ka pa, e kanina pa kita napapansin na sinusundan mo kami. Bakit? Gusto mo ba si Clay? O.." Napahinto ako noon para tingnan siya ng makahulugan. "Baka naman si Justin ang gusto mo? Hindi ko alam na--"

Bigla niya akong sinuntok noon sa kalamnan ko. Shit, ang lakas talaga niyang manuntok!

"Tangina mo! Ang sakit mo pa ring manuntok!" daing ko sa kanya habang minamasahe ang kalamnan ko na sinuntok niya. Pinagtitinginan pa pala kami ng mga tao roon, kaya inaya ko siyang gumilid.

"E gago ka, e! Hindi kami talo ni Justin! Pero, oo, sinusundan ko nga sila." Biglang nagbago ang mood niya pagkasabi niyon.

Mukhang mayroon ngang mas malalim na dahilan kung bakit, kaya inusisa ko pa rin. Sa pamimilit ko, nasabi rin niya sa wakas ang dahilan ng pagsunod niya sa mga kasama namin ni Joel kanina.

"Nag-away kami ni Justin dahil sa kababawan ko. Pinagbintangan ko siya sa kasalanan na hindi naman niya ginawa talaga." Napayuko pa siya ng ulo noon, tanda ng pagsisisi niya sa nagawa.

Inaya ko muna siya noon sa loob ng Jollibee sa malapit. May pera pa naman ako noon kaya maililibre ko pa naman siya ng meryenda, na siya namang pinaunlakan agad. Mukhang gusto rin niya ng kausap. Nang maka-order ay agad ko nang tinungo ang p'westo na nahanap niya.

"Salamat, pare," aniya.

"Basta magkwento ka lang." Kahit papaano naman, naging magkaibigan kami nitong si Adrian, kaya concern pa rin ako sa pinagdadaanan niya.

Ilang pagbuntong hininga pa'y sinimulan na rin niya ang pagkukwento ng naging punu't dulo ng chaos nila ni Justin. Guess what? Gusto ko siyang batukan noong mga oras na iyon. Tangina naman kasi ng kababawan niya, e. Pinigilan ko na lang dahil hindi naman ako kasali sa away nila.

"Kaya nga nagsisisi, 'di ba? Kasalanan ko naman talaga. Dapat, hindi ko na lang pinakinggan 'yung nga naririnig kong iyon. O kaya, sana kinausap ko muna siya," dagdag pa niya.

"Oo, alam mo na ngayon ang importance ng communication sa bawat relasyon," ani ko pa.

"Gagi." Sinuntok pa ako nito sa braso ko. "Pero salamat pa rin, pare. Buti na lang at nakita kita kahit gago ka."

"Mas gago ka, pare. Uwi na tayo? May quiz kami sa English at Trigo bukas, e. Idagdag pa na kailangan pa nating mag-review para sa Extra Challenge," paalam ko sa kanya.

"Sige na. Mauna ka na. Uubusin ko na ito dito," aniya pa, kaya nauna na ako palabas.

Napabuntong hininga na lang ako noon pagkalabas. Doon, nabuo ang desisyon na kakausapin ko si Justin bukas. Alam kong parang older brother na ang turing sa kanya ni Joel, kaya marapat lang na ipaalam ko sa kanya ang gagawin kong panliligaw sa best friend niya. Kung hindi naman niya ako papayagan, okay lang. Ipu-pursue ko pa rin ang plano ko. Kahit man lang doon, maipakita ko ang respeto ko sa kanila na mga kaibigan ng taong mahal ko.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon