Kindly read the announcement sa last part ng UD na ito. PLEASE. Thank you!
Enjoy reading!
_______________________________
MISSION #26
STEP 4: Help him -- Mr. Homophobe, to overcome those weaknesses.
[JOEL:]
"Maghanda kayo dahil sa Sabado ay may pupuntahan tayong party," wika ni Papa sa amin habang nasa hapag kami at kumakain ng hapunan.
Nabigla din ako noon dahil unexpected ang pag-uwi niya rito. Speaking of party, ayaw kong sumama, sa totoo lang. Ano namang gagawin ko doon? Baka mamaya, magka-eskandalo na naman doon. Mahirap na. Basta party na related kay Papa, medyo na-trauma na ako.
"Uhm, Pa.." pauna kong sabi. "P-P'wede po bang h-hindi na l-lang ako s-sumama?" nauutal kong tanong.
"Hindi p'wede. Walang maiiwan. Isa pa, pinagbigyan ko na kayo ni Calvin noong nakaraan, ah. Ako naman ang sundin ninyo," madiin niyang sagot.
Hindi na lang ako nag-react noon. Para saan pa? E hindi naman na ako p'wedeng hindi sumama. Narinig ko pa noong bumulong si Jonathan, pero hindi ko na lang pinansin. Masyadong overloaded ang utak ko para pansinin pa ang mga patutsada niya sa akin. Baka makapagsabi pa ako ng hindi magandang salita sa kanya. Mahirap na. Matapos kumain ay umakyat na agad ako sa kwarto. Hindi ko na hinintay pa si Calvin dahil siya ang nakatokang maghugas ng pinagkainan ngayon. Agad ako noong naglinis ng katawan para makapag-computer saglit. Kailangan ko palang gumawa ng assignment ngayon sa Values Education namin. Habang nasa kalagitnaan ng pagba-browse ay biglang pumasok si Calvin.
"Natakot ka kay Papa kanina, 'no?" nakangisi niyang sabi. Tumabi pa ito sa akin.
"Utot mo. Malamang po!" walang lingong sabi niya.
"Don't worry, I'll never leave you there. CR lang ako." Tumayo na ito saka dumiretso sa banyo.
Kahit paano ay nawala ang pangamba ko. Thanks to him. Isa pa, nawala na rin 'yung pangamba ko na baka ma-OP lang ako roon. Tinabihan naman niya ako roon at nagkwento ng kung anu-anong observations niya sa class nila. Puro siya reklamo. Well, dama ko ang reklamo niya, since nanggaling din ako sa lower section noong Third Year. Nang matapos sa assignment ko ay naisipan ko na munang mag-open ng FB. As usual, sina Justin at Michael na naman ang unang tumambad sa Newsfeed ko. Agad ko namang ni-like iyon, saka nag-open ng Notifications. Tch, puro game requests saka spam messages na naman. Mga tao nga naman. Kung anu-anong kachenahan sa buhay ang pinagtitripan. 'Yung iba, pa-famewhore naman. Puro pa-like ng DP or such. Kaurat! Nag-scroll down pa ako doon hanggang sa biglang mag-pop up ang chatbox namin ni Jake. Mukhang online din ang gago.
JAKE PANGILINAN: Bakla.
Loko 'to!? Hanggang ngayon, bakla pa rin ang tawag sa akin!? Aminado naman ako na bakla ako, pero hello!? FYI lang! May pangalan ako!
JOEL BALLESTEROS: Pakyu. t(-__-t)
JAKE PANGILINAN: Pakyu ka rin. Tatanungin lang kita kung may assignment ka na sa Values Education.
Nagta-type na ako noon nang bigla ulit siyang nag-mesaage.
JAKE PANGILINAN: On the second thought, wala pa. Mukhang busy ka sa pag-e-FB, e. Tss. >:D
JOEL BALLESTEROS: Lul.-___- Kanina ko pa tapos yung akin. Baka ikaw ang wala pa. Well, hindi na ako nagtataka dahil wala ka namang VALUES! Mwahaha.xD
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)